2

509 44 17
                                    


"Sira palda mo." Agad akong napatingin sa palda ko.


"Hala!" Fuck, Oo nga! Baka dahil sa pagtakbo ko paakyat!


Agad akong napaupo ulit, tangina nakakahiya. Buti na lang nagsilabasan na mga iba kong kaklase.


"Aish." Tumigil siya sa pagkain ng baon niya at ibinalik niya ito sa kanyang bag.


"Teka lang, babalik ako." Takang taka akong napatingin sa kanya habang palabas siya ng room. Anong gagawin niya?


Minabuti ko na lang kumain ng mga dala kong snacks pero naiilang ako, may nakatingin sa aking kaklase kong babae.


Ngumiti sa akin ang babae nang lumingon ako, ningitian ko naman pabalik. Lumapit na siya bigla sa akin.


"Hi! Sira palda mo? May pardible ako rito." Inabot niya sa akin ang isang idk kung ano 'to.


"What's that?" Takang tanong ko. Ano ba kasi yan?


"Pardible? Anak mayaman ka talaga haha! Gusto mo ikabit ko sayo?" Hindi pa ako nakakasagot, kinuha na niya kagad yung 'pardible' sa kamay ko.


"Tayo ka." Sabi niya. I stood up and bigla na lang niya hinawakan palda ko. May ginagawa siya sa palda ko, kinakabit niya ata together?


"Ayan tapos na!" Tinignan ko ang palda ko, medyo nasurprised ako. First time ko kasi masiraan ng palda in my life.. Baka sira na yung nabili ni Ate Linda.


"Salamat! Anong pangalan mo?" Tanong ko. Ang bait naman niya.


"Uhm, Ako si Sienna..."


"Ang ganda naman ng pangalan mo. Ako si Zaphera, pwede mo kong tawaging Hera." Ngiti ko sa kanya.


"Okay lang talaga sayo tawagin kitang Hera? Hindi ba nakakahiya kasi ang ganda mo, ang kinis mo tapos isang Rodri-" I quickly cut her off. Ohmy kaya ba hindi ako masyadong kinakausap ng mga tao through this oast few years?


"Ano ka ba, Okay lang sa akin. Kahit maging magkaibigan pa tayo eh." Sana pumayag.


"Syempre naman! Simula ngayon friends na tayo ha?" Ngiti niyang sabi. Ohmygoshness ny first ever friend!


"Sama ka sa akin sa lunch mamaya! Pakilala kita kay Elora at Talia. Huwag kang mag-alala, mababait sila." Niyakap ko na siya para maramdaman niya na mabait naman ako. Pero parang ang weird ko pala. Nakakahiya.


"Sorry! Baka nailang ka!"


"Okay lang.. Sige sasama ako mamaya.. Balik na ako ha kakain lang ako.." Bumalik na siya sa upuan niya at nagsimula nang kumain.


Umupo na rin ako at tinuloy ang pagkain ko. Pardible? Bibili nga ako nun ng madami para kapag may nangailangan pwede kong ibigay.. Ang saya ko ngayon, may kaibigan na ako.


Bumukas ang pinto sa likod kung saan dumadaan ang mga estudyante.


Bumungad sa akin ang seatmate ko at papalapit na sa akin, may hawak siyang palda.


Off Limits, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon