9

258 27 18
                                    





"It's going to be okay, Love. Please, huwag ka na mag-alala." I comforted Gaius, eversince na naheart attack si tito Gabe, lagi na siyang napaparanoid.




Silent lang siya kapag napaparanoid siya, he's sick right now. Sinusubuan ko siya ng lugaw. Ito na ang pangalawang araw na pagaabsent ko, I hope I won't fail.




Umuwi na ako pagkatapos ko siyang alagaan. I texted Lander about something, siya kasi ang medyo kaclose lang namin ni Gaius.



Wala akong masyadong friends sa UST, I was too busy. At tsaka andyan lang din naman si Gaius kaya magkasama kami palagi pag break timez





When I entered, my dad was waiting for me sa living room, ang sama ng tingin sa akin.



"I don't want you to see him again." I stopped walking towards him, magmamano sana ako.



"Why?"



"Break up with him." Tumayo na siya at lumapit sa akin.



"Where's mom?" I ignored what he said and quickly diverted my attention to my mom.




Nababadtrip ako sakanya, wala namang ginagawa si Gaius na masama. Tangina. Umakyat ako sa kwarto nila mommy, I saw half of her clothes was gone. Where did she go?




I felt the presence of my dad behind me, "Asaan si mommy?" I asked him.




"Pag hindi mo siya hiniwalayan, hindi na kita pag-aaralin." My eyes suddenly widened because of what he said. I felt my body rage pero I still remained quiet.




He's been like this since inatake sa puso si tito Gabe. Ang toxic na, it suffocates me. Lagi na rin sila nag-aaway ni mommy kaya I understand kung lumayas man si mommy.




I went to my room to quickly pack my clothes, hindi ko na sinama ang skincare ko, bibili na lang ako sa watson's. Dinala ko lahat ng kailangan ko para sa school. I locked the door so my dad won't barged in.




What's the point of living here if my mom isn't here?




My things were ready, I opened the door and si daddy ang bumungad sa akin, he shifted his eyes to the backpack and totebag I was carrying, "Saan ka pupunta?"




I walked away at mabilisan akong bumaba, bago ako makalabas ng gate, may sinabi siya.




"Pagsisisihan mo siya." He uttered those words.








Halos 1 month ako tumira kela Gaius nabobored na rin ako, si mommy lang ang nakakausap ko, my friends didn't know what happened.




Nagsama sama kami nina Elora at Talia, si Sienna kasi busy, she stopped studying to focus on her acting career. She's 20 already, kaya umalis na siya kagad sa bahay nila, nakatira siya ngayon sa isang condo, hindi pa kami nakakapunta 'cause she prohibited us to go there and I don't know why.




"Kumusta na ang daddy ni Gaius?" Elora asked, we were eating sa Shakey's sa Robinson Manila.




"He's okay, si daddy yung doctor niya eh. I always ask my dad." I lied. After what happened, I suggested my dad to be his doctor, I told my dad not to let them pay anymore because I'll pay for it na lang kapag nagkatrabaho na ako. Gaius' parents were like my parents na rin, napamahal na rin sa akin, I don't want to see his family struggling. Even though we fought the last time we saw each other, hindi niya pa rin pinagbabayad sila Gaius, I wondered why.




Off Limits, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon