Chapter 3
Jellian's POV
Kung nakakamatay ang nerbiyos, baka kanina pa akong nakahandusay dito sa malamig na upuan. Matapos mag-ipon ng dalawang buwan at mangutang sa kakilala ko ay hindi pa rin sapat ito sa perang ginastos ko. Akala ko lang naman kasi na hindi na siya magkakainteres pa sa wallet niya kaya ginastos ko yung laman. Balak ko na talaga yung itapos sa ilog pero nakokonsensya naman ako sa mga mahahalagang bagay roon. Lalo na yung picture na alam kog importante sa kanya. Hindi ko alam kung sino ang mga iyon pero dahil nakalagay yon don, importante sa kanya yon.
Halos apat na oras na akong naghintay at palubog na ang araw pero wala pa rin akong nakukuhang tugon sa mga clerk dito. Hanggang sa ilang minuto na paghihintay ay pinatawag ako sa front desk at sinabing hindi pa daw siya available.
Napamura na lamang ako sa sinabi ng clerk. Wala daw time eh nagawa pa nga niyang pumunta sa lugar na yon.
Sa inis ko ay umuwi na lang ako sa bahay para makapaghanda sa pagpasok ko sa club.
KINABUKASAN ay bumalik ako sa parehong oras at sinabing maghihintay ulit ako.
"Kahit gaano ka tagal" sabi ko sa clerk na ikinabuntong hininga nito bago sinagot yung telepono niya at ibinaba nito.
"Sige maupo muna kayo" plastic na ngiti nito sa akin pero hindi nawawala sa mukha niya ang pagkainis.
Sinimangutan ko na lang din ito dahil wala man lang itong konsiderasyon sa trabaho niya. Nagpaclerk pa siyang kung ganito siya.
Sandali akong naupo nang bigla akong pinatawag.
"Puwede mo nang puntahan si Architect sa floor seven. Sa may kaliwa ka dumiretso at nandoon ang office niya" anang sabi nito sa akin.
Sinunod ko naman ang sinabi niya at pumasok sa elevator. Kung kanina ay inis na inis ako sa ugali nong clerk, ngayon ay kabado at tensyonado na ako. Parang gusto ko na lang hindi tumuloy kasi napakasama ng pakiramdam ko sa muling pagkikita namen.
Biglang tumunog ang pinto kaya agad akong lumabas dito. Sinunod ko ang sinabi ng clerk na sa kaliwang bahagi ako dumiretso. Pagkapunta ko sa dulo ay binate ako ng isang marikit na babae. Kung tunay akong lalaki ay baka noon ko pa ito niligawan pero sa kasamaang palad ay pareho kami ng gusto.
"Ikaw na ba si Jellian Monasterio?" tanong nito sa akin na agad kong ikinatango. "Ah sige pumasok ka na, naghihintay na si Architect sa'yo"
Sinunod ko ang sinabi ng babae at pumasok sa itinuro niyang pinto. Sa pangalawang pagkakataon ay nasilayan ko muli ang mukha niya. Ibang-iba sa unang beses ko siyang makita. Para siyang galit na parang masama ang ugali kung titignan ko dahil sa pagtatagpo ng mga makakapal na kilay niya.
Pagkasara ko ng pinto ay siyang pagtingin niya sa akin.
"What are you doing here?!?" galit ang tuno ng kanyang boses at ang sama pa ng tingin niya sa akin. Para akong pinapatay. Naku! Kahit gwapo siya, tatakbo ako talaga pag tinupak siya.
Iniwas ko na lamang ang tingin ko sa kanyan dahil sa pagkailang ko. Nanumbalik na naman kasi yung gabing minolestya niya ako. Pero alam kong pareho kaming inosente sa nangyari. Napag-alaman ko kasing tinuturukan ang mga customer daw nila ng droga at saka ninanakawan.
Bahagya akong yumuko at inilahad ang dala ko sa kanya.
"Andito po ako para magbayad po sa ninakaw ko" sabi ko dito at hindi pa binalak na tignan siya kasi baka mawala ako sa katinuan at takbuhan siya. "Sa susunod na po ang pyansa ko" dagdag ko dito.
BINABASA MO ANG
Pleasures in Madness [SPG Man to Man/Boy to Boy (Boys Love)]
General FictionJellian Monasterio ay isa lamang simpling tao at namumuhay ng payak kasama ang tatlo niyang mga kapatid. Ulila sa mga magulang at tinataguyod mag-isa ang mga kapatid. Hirap at salat man sa buhay ay parati niyang pinapaalala sa sarili na unahin muna...