Chapter 10

1K 32 21
                                    


Chapter 10


Jellian's POV



Naging totoo siya sa kanyang sinabi na tutulongan ako kaya hito ako ngayon sa kanilang establisimento at kaharap ang isang napakastricta na babae na binabasa ang aking ginawang resume.

"Highschool pa lang ang natapos mo am Hijo?" tanong nito sa akin na agad kong ikinatango.

Wala ng oras mag-isip pa ng kung ano kasi pakiramdam ko at siya yung tipo ng tao na hindi dapat aaksayahin ang oras. Kung bakit ba kasi napunta pa ba sa ganitong eksena. Puwede naman akong maghanap na lang ng iba pero agaran kasi kaya wala na rin akong nagawa.

Pagkatango ko sa kanya at inilapag niya ang papel sa kayang tabi at pinagsiklob ang mga kamay at mataman ako tinignan na para iniisip na nito kung paano niya ako papatalsikin sa harapan niya. Kakarating ko pa nga lang pero pero ito na ang kahahantongan ko. Sadya talagang hindi ako marunong makisalamuha ng mga tao.

"So, ano ang inaasahan mo'ng trabaho dito gayong wala ka pang background sa ano mang trabaho maliban sa pagiging helper mo sa isang club, pagbabantay ng kalendirya at pagiging isang dance instructor" nang sabihin niya iyon ay para akong nanliit sa sarili ko sa isinulat ko na mga naging trabaho ko. Wala naman kasi akong trabaho na yung pormal pero kahit na man lang naging tapat ako.

"Kahit ano pong trabaho dito..." agad ko na tugon rito na tinignan lang ako na hindi man wala ako paki-pakipaniwala.

Nagkibit-balikat ito sa akin saka tumayo at may kinuha na mga papeles. Nilapag niya ito sa harapan ko.

"Kulang kami ng tauhan sa Utility at wala akong makitang posisyon na angkop sa description ng resume mo kaya ito lang ang maalok ko" sabi nito sa akin.

"Oo po kahit ano basta magkatrabaho lang po ako" nasasabik ko na tugon rito at napapalakpak pa ako dahil magkakaroon na ako ng trabaho.

Napangisi ako dito dahil sa naging reaksyon ko na ikinailing niya.

"I love your enthusiasm Mr. Monasterio... so kailan mo gustong magsimula?" tanong nito sa akin.

"Kahit kailan po, kahit ngayon na din po" sabik ko na saad rito.

"Sige at basahin mo muna itong kontrata at may tatawagin akong kukuha sa'yo dito at sa imposible ay bukas ka na magsimula, ayos lang ba iyon?" sabi nito na agad kong ikinatango.

Hindi naman pala siya tulad ng iniisip ko dahil mabait ito, sadyang yung ekspresyon ng kanyang mukha niya ay parang masungit.

Binasa ko nga yung kontrata at halos manlaki ang mata ko, yung halos inipon ko na pera sa tatlong buwan ay isang buwan ko lang dito kikitain at saka may mga benebisyo pa. Sa sobrang mangha ko sa suweldo ay hindi ko napigilan mamangha.

"Ganito kalaki?!?!?" hindi ko napansin yung malakas ko na boses kung hindi ko lang din napansin yung ibang tao na nakatingin sa akin. Nakakahiya.

Binasa ko na lang muli ito at agad pinirmahan. Sakto naman ang pagdating nong nag interview sa akin ay may kasama itong babae na medyo nasa 40's na ata.

"Ito si Mrs. Urgel, siya ang Head ng Utility namen dito... Karina ito si Jellian, maari mo ba siyang samahan para ipaliwanag ang magiging trabaho niya?" saad nito.

"Sige po Ma'am" agad na tugon nito saka ako suminyas na samahan ko siya.

"Salamat po ulit" pagpapasalamat ko sa interviewee ko na ikinangiti niya sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 13, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pleasures in Madness [SPG Man to Man/Boy to Boy (Boys Love)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon