Intro
Jellian's POV
"Oh kuha lang ah... mga branded yan. Ano sa'yo Meme Shaki? Ito bagay sa'yo to" sabi ko sabay lahad ng skinny jeans sa kanya.
"Talaga lang Jell ah? Mga branded to, baka mga emits tong nakuha mo" anang sabi ng kasamahan ni Meme Shakira sa akin.
"Naku hindi ah... Galing pa kaya to kay Madam Anne" paliwanag ko sa kanila.
Nagbebenta ako ng mga sari-saring gamit kasi tulad ng damit, sapatos, mga sombrero at kahit anong puweding pagkakitaan basta lang magkapera lang ako.
Totoong paninda ito ni Madam, nilalako ko lang para magkaroon ng extra na income. Paano ba kasi may mga kapatid pa akong binubuhay. Wala na kaming mga magulang, si Papa kasi ay nakulong habang si Mama ko ay namatay sa malubhang sakit sa baga. Ako ang panganay kaya dapat resposibilidad ko na ang mga kapatid ko dahil wala na kaming mga magulang.
"Wala bang tawad dito, Jellian?" hirit ni Bonni sa akin.
"Papatawarin ka ni Lord... mura lang naman yan at saka branded naman" sabi ni dito ikinaismid ng mukha niya.
"Oh ano yang pinagkakagulohan niyo? Malapit na magstart ang show bakit hindi pa kayo nakapagbihis." Anang sabi ng Manager dito sa trinatabahuan kong Comedy Bar.
"Ay Madam pili na kayo, mura lang..." sabi ko dito nang makalapit ito sa nagkukumpulang artist niya.
Saglit itong napatingin sa mga dala ko ko at may kinuha na box ng sapatos. Binuksan niya ito at sinuri.
"Sige ito sa akin, Jellian ah... pakitago mamaya ko na kukunin." Sabi nito sabay abot sa akin nong box ng sapatos. "O tama na yan, magbihis na ang lahat. Mamaya na yan. Jellian yung mga damit nila paki organize" dagdag nitong sabi sa akin na agad kong ikinatango.
Nilista ko muna yung mga kinuha ng mga kasamahan ko at pagkatapos ay nagsimula na silang mag-ayos. Tumutulong ako dito bilang isang assistant ng mga Artist sa pagkukumpuni ng mga gamit nilang gagamitin. Naging trabaho koi to simula nong pumanaw si Mama dahil kailangan kong kumita ng pera para sa mga kapatid ko.
"Jell yung kulot ko na wig pakuha"
"Jell paabot nong make up ni Mamang Tess"
"Shaki pahiram ng lipstick mo, Jell pakiabot naman ako"
"Jell yung pakpak ko saan mo nilagay"
"Oo hito na po... Teka lang! Ito Beyoncé oh" tugon ko sa kanila at abot ng mga gamit na kinakailangan nila.
Ganito parati ang back stage namen magulo, maingay pero higit sa lahat ay masaya. Nasanay na ako sa ganitong trabaho ko. Sa dalawang taon ko ba naman dito ay hindi na ako magkakamali pa sa mga iuutos nila.
Pagkatapos ng lahat mag-ayos ay nagsimula na ang Intermission Number ng mga Artist sa Comedy Bar, habang ako ay nililigpit ang mga kalat nila at inayos ang mga susunod nilang mga damit na susuotin sa kani-kanilang mga number.
"Oh ayan Jell sweldo mo ngayong buwan at hito para sa sapatos na binili ko" sabi ni Madam sabay abot sa akin ng pera na sobra ko na lamang ikinangiti.
"Salamat po Madam" nangingiti kong sabi dito dahil sa saya. May pera na ako pang grocery para sa dalawang linggo namen magkakapatid.
Habang iniisip ko yon ay nag-alala ako para sa susunod namen na mga linggo pa. Hindi pa naman sapat tong isang racket ko para tustusan pa ang susunod na mga linggo. Kailangan ko pang kumite ng mas Malaki pa dito.
BINABASA MO ANG
Pleasures in Madness [SPG Man to Man/Boy to Boy (Boys Love)]
Ficción GeneralJellian Monasterio ay isa lamang simpling tao at namumuhay ng payak kasama ang tatlo niyang mga kapatid. Ulila sa mga magulang at tinataguyod mag-isa ang mga kapatid. Hirap at salat man sa buhay ay parati niyang pinapaalala sa sarili na unahin muna...