Chapter 8

704 27 0
                                    


Chapter 8


Jellian's POV



Halos mabuga ko sa kanyang mukha ang kinain ko dahil sa kanyang sinabi. Hindi ko lubos akalain na magiging ganito ang palakad niya. Ang buong akala ko pa naman na ito na yung una at huli pero sa bawat sex pala ay babawasan niya sa utang ko na 600,000 pesos at diyes mil lang ang nakaltas na kinita ko lang sa tatlong buwan na palugit niya.

Gust kong maiyak at bawiin na lamang lahat ng mga sinabi ko at baka matiwasay pa ang buhay ko ngayon. Hindi itong gagamitin niya ako para sa mga pagnanasa niya at luluspagin ang katawan ko.

Sa huli ay hindi ako pumayag at ninais na ipagbili na lamang ang laman ko sa ibang tao kaysa isang ito na ginigipit ako. Sobrang sama niyang tao at hindi man lang naawa sa ginawa niya sa akin.

"Hoy anong mukha yang pinapakita mo sa mga costumer ko ha" tapik ni Manang Hilda sa balikat ko na parang isang sapak na lang ay matatanggal na.

"Si Manang naman napakasadista" reklamo ko dito.

"Aba gusto mong makaisa pa ha?" inis na sabi nito na akmang sasapakin na talaga ako kung hindi ko lang binawi yung sinabi ko. "Makasimangot tong batang to akala mo hiniwalayan ng jowa... at ayusin mo yang paglalakad mo, nadulas ka ba?" sabi nito na agad kong ikiailing.

Paano ba naman hindi makasimangot ang mukha ko sa sinabi ng gagong iyon. Akala ko siya na lang ang natitirang mapira at kailan kong kumapit sa kanya.

Iniisip ko pa lang yung ginawa niya sa akin kinikilabutan na ako, kinailangan ko pang magsabon ng limang beses para matanggal pati sa isip ko yung nangyari. Pero bwesit rin na utak ko pinagtataksilan ako at paulit-ulit ng nire-reply yung eksena kagabi. Pinagtataksilan rin ako ng katawan ko lalo na sa tuwing naalala koi yon ay nilalagnat ako.

"Ahhh... bwesit siya!!!" hindi ko napigilan mapasigaw na ikinagulat ng iilang customer na tinataksan ko ng pagkain. Kaya ayon sapak na naman inabot ko kay Manang Hilda at pinalipat ako sa kusina para maghugas na lamang ng mga plato at maghiwa ng mga rekado.

Napabuntong-hininga na lamang ako sa nangyayari sa buhay ko. Kung bakit ba kasi nangyari ito sa akin na naghihirap na nga ako mabuhay, dinagdagan pa ng gonggong na yon ang pinapasan kong problema.

"Kuya!" bilang yakap sa akin ni Jenan na hindi ko man lang napansin ang pagpasok nito sa kusina kasama pa ng mga kapatid ko.

"Oh bakit hindi pa kayo kumuha ng ulam kay Manang Hilda?" tanong ko sa mga ito.

"Hindi ka ba sasabay sa amin kumain?" tanong ni Jenan sa akin.

"May ginagawa pa si Kuya eh... hindi ko pa natapos lutuin yung pang miryenda mamaya" tugon ko rito na ikinalungkot ng mukha nito.

Paano ko ba mahihindian ang pinakacute at makulit kong bunsong kapatid.

"Kuya may sasabihin si Josh sa'yo... sige na sabihin mo na" ani ni Jacky sa akin habang tinutulak-tulak si Josh.

"With highest honor po ako" nahihiyang tugon nito na hindi ko na ikinabigla.

"Wow hinakot mo na naman lahat? Simula kinder ka pa lang niyan kaya hindi na ako mabibigla pero pagbutihan mo parati ha para makakuha ka ng scholarship sa isang magandang unibersidad" sabi ko dito.

"Eh matagal pa naman iyon pero pagbubutihan ko pa po" tugon nito na ikinangiti ko rito dahil alam kong hindi ako nito bibigoin.

"Ikaw Jacky? Ano naman sa'yo?" tanong ko naman sa matakaw na nauna pang kumain sa amin.

Pleasures in Madness [SPG Man to Man/Boy to Boy (Boys Love)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon