Marilyn POV
Umangat ang tingin ko sa malaking bahay na nasa harapan ko. This house is full of memories. Dito ako palaging pumupunta kapag weekend noong bata pa ako.
Kinuha ko sa bulsa ang susi ng gate at binuksan ito. Akmang papasok ako ng may lumabas na babae sa kabilang bahay.
"Mari?" Napahinto ako.
"Aling Remy"I murmured.
"Ikaw di I na! Kumusta naman ka?"(ikaw pala Yan ! Kumusta ka Naman?) Inilapag niya ang hawak na cellophane na may lamang basura sa gilid ng gate nila. Lumapit ito sa akin.
"Ayos lang ho Along Remy" sagot ko dito at ngumiti ng tipid.
"Dalaga ka na,ikaw lang mag-isa? Asan si Royale?" Napakamot ako ng ulo sa tanong niya.
Ang alam kasi ng lahat dito ay pumuntang manila si Royale,isinama nila tita pero ang totoo ay nandito lang naman sa bahay si Royale at yun rin ang panahon na naging si Jane siya.
"Ah..nasa ibang bansa na po si Royale Aling Remy" alanganin akong napangiti.
"Ganun ba? Dalaga na siguro ang batang iyon ene? Napaka bibong bata pa naman, ibang-iba kay Jane" natahimik ako sa sinabi nito.
Simula ng maging si Jane si Royale ay marami ang nagbago. Naging tahimik noon si Jane at tipid magsalita. Hindi ko alam kung paanong bigla nalang siyang nagbago. Nagsimula siyang kausapin kami makalipas ang dalawang linggo.
Hindi lumalabas ng bahay si Jane kung hindi kinakailangan kaya nga si Aling Remy lang ang nakakakilala kay Jane dahil taong bahay talaga siya.
Mahirap sabihing iisang tao lang sila Jane at Royale dahil hindi lang pisikal na anyo ang nagbago pati narin ang ugali nito. Jane change a lot.
"Oh siya gusto mong mag meryenda?pumasok ka muna sa loob" bumalik ang tingin ko kay Aling Remy.
Umiling ako "Huwag na po,may kukunin lang ako sa loob tapos ay Aalis narin ako"
Nagpaalaman pa kami bago ako pumasok sa loob. I roamed my eyes on the sala.
Wala paring pinagbago, hindi manlang na iba ng ayos ang mga gamit dito. Tumingala ako sa hagdan. Third floor ang bahay at malawak ang inuukupaang lupa. Ito ang pinakamalaking bahay na makikita mo dito sa Village.
Malungkot na ngumiti ako ng maalala ang mga masasayang ala-ala naming tatlo.
Dito sa salang ito kami naglalaro at nag mo-movie marathon. Sabay na gumagawa ng assignment at projects. I sighed at nagsimulang umakyat sa second floor.
Huminto ako sa kuwarto ni Jane. Pinahaba ko ang kuko ko at pinasok ito sa lalagyan ng susi sa doornob. Nang marinig ko ang click ay mabilis na pinigit ko ito.
Bumungad sa akin kulay pink na kuwarto. Jane love pink color before but now? I'm not sure. Naglakad ako papuntang kama at umuklo. Hinanap ng mata ko ang isang box na kulay lila.
I smiled na makita ito sa pinakagilid. Gumapang ako pailalim para maabot ito.
"Ho!" I reacted ng makalabas sa ilalim. Umupo ako sa kama at binuksan ang kahon.
Bumungad sa akin ang ibat-ibang accessories. Hinalongkat ko ito at nang makita ko na ang pakay ko ay napatitig ako dito.
Ikinuyom ko ang kamo habang hawak ang anklet. I closed my eyes as I remember the owner of this thing. This is my mothers first and last gift on me. Hindi ko man maalala ang araw na ibinigay nila sa akin ito ay nagpapasalamat parin ako kasi may iniwan silang regalo.
I smiled at yumuko para isuot sa kanang paa ang anklet. Tumayo ako at bumuntong hininga. Ibinalik ko rin ang box sa ilalim.
Hindi na ako nag tagal pa at umalis na. Ang anklet lang talaga ang pakay ko. Pagka alis ko kila Tanda ay pumunta talaga ako agad dito. Naalala ko kasi bigla ang anklet.
YOU ARE READING
DARKNESS WITHIN SERIES 2:THE FEISTY LUNA(Hiatus)
WerewolfThis is the book 2 of Darkness Within:The Fearless Queen MARILYN ALMADEN AND DASHEIR CROSTWOD STORY!! Being in darkness will leads you in a hopeless place that's what Lyn's thought. Sa pagkawala ni Jane ng dahil sa nabunyag na lihim ay si...