Chapter Five 🌸

1 0 0
                                    


Jerson POV

"Sha-sha?" Nandito na siya?

"Oo ako ng chub" nakangiting sabi niya. Nagawa pa talaga niyang ngumiti sa kabilang ng mga nangyari..

"Kailan ka pa dumating?" Di parin ako nakapaniwala dahil bigla na lang siyang dadating sa school nato. Nandito parin kami ngayon sa room namin.

"Ngayon lang, kakagaling ko pa ng airport" nakangiting sabi niya habang papalapit sa akin, akala niya masaya akong makita siya.

"Anong ginagawa mo dito?" Walang ganang sabi ko at umupo ulit sa upuan ko.

"Bakit hindi kaba masaya ng nandito ako? na makita mo ako?, chub bumalik nako" naka ngiti parin niya saad.

"Bakit ka ng nagpunta dito" sabi ko at hindi naka tingin sa kanya, habang walang ganang nakipag-usap sa kanya. Kay tagal kitang hinintay, kay tagal akong nagdusa sa sakit, tapus ngayon haharap ka sa akin ng parang walng nangyari.

"Gusto ko lang naman na makita ka, pero parang hindi ka naman masaya ma makita ako" malungkot na sabi niya, eh sinong matutuwa. Tinignan ko ang paligid, kaming dalawa lang ni sha-sha ang natira.

"Sinong tao ang matutuwa kung makita nila ang taong kay tagal nilang hinintay, at matagal ding hindi nagpakita." Naiinis kong sabi sa kanya. Nanghinayang naman ang mga mata niya, kung sana nagpaalam ka sa akin ng maayos, kung umuwi ka lang ng maaga, di sana, hindi pa huli ang lahat.

"Mas pinili kung hindi magpakita sayo dahil gusto kung mas maging madali ang aking buhay doon sa--"

"Alam ko sha, sarili mo lang ang iniisip mo, madali para sayong hindi magpakita sa akin, madali para sayong iwan ako para mas maging madali ang iyong buhay doon sa ibang bansa? habang ako dito na iniiwan mo, dagdurusa sa sakit, nababaliw kakaisip kong ano ba ang iyong dahilan para iwan ako ng ganun ganun na lang" naiinis na talaga ako, bakit pa nagpakita sa akin ang babaeng ito, ngayon ibinalik na naman niya ang sakit na sana matagal mo ng kinalimutan..

"Sorry chub kung nasaktan kita, gusto ko lang naman na matupad ang mga pangarap ko na maging modelo sa ibang bansa. Jers, sana naman naintihan mo ako kasi hindi rin madali sa akin na iwan ka. Pero mas pinili kong kalimutan ka muna ng pansa man tala para hindi na ako mahirapan" hindi ako maka paniwala na mas pinili niya ang pangarap niya kaysa sa pangarap ko na makasama siya..

"Pwes! Ako talagang kinalimutan na kita wag mo na akong lalapitan pa, dahil hindi na mababalik ang dating ako at ang dating tayo" sabi ko at umalis..

"Jers" pero pinigilan niya ako "Bumalik lang naman ako dito para maayos ang sa ating dalawa, gusto ko linawin ang lahat sa higit sa lahat ay, ang magkabalikan tayong dalawa" nangiyak ngiyak na sabi niya.. nasaktan naman ako na ang dating minahal ko ay nasaktan meron parin talaga sa puso ko ang nagmamahal sa kanya. Kaya niyakap ko siya para tumahan na..

"Sorry sha-sha pero hindi ko na mababalik ang dating pagmamahal ko sayo, dahil may iba ng tinitibok ang puso ko.. may iba na akong mahal" pabulong na sabi ko. Dahil sa sinabi ko mas lalo siyang umiyak sa balikat ko alam ku g masakit pero kailangan kong tanggapin na ang nakaraan ay nakaraan nah.. humiwalay na ako sa kanya pero patuloy parin siya sa pag-iyak at hindi na makapag-salita ..

"Sana naman sha-sha palayain mo na ako dahil ikaw rin lang naman ang masasaktan kapag patuloy mo parin akong mamahalin" sabi ko at pinunasan ang mga luha sa mga mata niya at umalis nah.. mapahagul-gul naman siya sa pag-iyak ako naman tumalon na ng tuluyan ang mga luha kong kanina ko pa pinigilan.

Agad akong bumaba sa floor namin at lumabas ng campus. Pumunta ako sa malapit na mall dito sa Weather Mark, sa Fourth floor ng mall na toh may bar kaya gusto kung tumambay doon at mailabas ang lahat ng sakit na ngayon ay nagababalik.

Witness Of Our Perpetual LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon