Kabanata 4
Dinala niya ako sa bakanteng silid na parang sinisiguradong walang kahit na sino ang makakakita sa amin dito. Mahigpit pa din ang mga hawak niya sa braso ko pakiramdam ko nga hindi lang basta hawak iyon, pisil na yata.
"A-ano ba? Nasasaktan ako Oliver! " reklamo ko sa kaniya kaya agad naman siyang bumitaw.
"Ako ba, hindi? " madiin niyang pagbanggit.
Natameme ako sa naging sagot niya dahil nakakatakot din ang mga titig niya sa akin.
"Bakit si Bryan? Bakit hindi ako? Bakit siya ang ichini-cheer mo? Nananadya ka ba? Ha? FRIXIE! "
Napapapikit ako sa naging sigaw niya lalo na nang may paghampas pa siyang nalalaman sa pader. Aminado akong kinakabahan na talaga ako ngayon nakalimutan ko kasing iba nga pala siya magalit, yung tipong hindi mo gugustuhing magalit siya sa'yo. As in sobrang nakakatakot!
"Marami ka ng tagahanga, hindi mo na ako kailangan. 'Tsaka diba nga, sabi nila na 'give chance to others' daw? Oh e anong masama sa ginawa ko? Nagpakita lang naman ako ng support sa crush k--"
"CRUSH? BULLSHIT! " sigaw niya.
Biglang kumulo ang dugo ko.
"Namumuro ka na Oliver, huh! Kahit kailan hindi ako sinisigaw-sigawan ng Mama ko. Naku, umayos ka huh! Makakatikim ka talaga sa akin! " pagbabanta ko sa kaniya.
Tila natauhan siya nang magsimula na akong magtaray sa kaniya. Hindi na naman siya makatingin ng diretso sa akin habang ako ay nag-uumpisa na naman mainis sa lalaking kaharap ko.
Sana lang makapagpigil pa ako baka kapag hindi... hahalikan ko na talaga siya!
Ooppss! Hindi nga pala ako marunong humalik, hindi ko din alam ang lasa ng labi. Matamis kaya yun? Maasim? Mapait? Mapakla? O baka naman maalat?
Pero kung anoman ang lasa ng labi, nakahanda akong tumikim..... sa tamang panahon.
"I-I'm sorry. " aniya.
Hindi ako sumagot at ni hindi nag-abalang kumibo sa kinatatayuan ko pero alam ko kung ano ang mga ginagawa niya at kung anong itsura ng mukha niya at maging ang mga ligaw-tingin niyang ibinabato sa akin pero samantalang ako sa ibang direksyon nakamasid. Bahagyang nagulo ang sistema ko ng maramdaman ang malalamig niyang kamay na dumadampi sa magkabila kong braso kaya muling natuon ang atensiyon ko sa kaniya. Kapwa kami nagkatitigan kung ako ay naguguluhan samantalang siya ay tila nagsusumamo ang mga titig sa akin.
"Why can't you just give me a place somewhere in your heart? Do I still need to beg to get your attention? Why do you have to look for someone else, if I'm just here?" naglalambing niyang tanong sa akin.
"Ano bang mali sa akin, Frixie? " dagdag pa niya.
Binalot ako ng kaba dahil sa mga katanungan niya na parang dinadala ako sa lugar kung saan ko mahahanap ang totoong pag-ibig. Subalit sa sitwasyon at sa mga nakikita ko kasi ngayon mula sa iba ay wala pa ang uri ng pag-ibig na gugustuhin kong makuha.
"W-wala...." mahina kong sagot 'saka nagpakawala ng isang buntong hininga "...Talagang hindi ko pa nakikita sa'yo ang pagmamahal na hinahanap ko. Nakukulangan pa ako, OIiver. " saad ko at pinakatitigan siya.
"H-hindi pa ba sapat? Hindi ko ba napunan noon hanggang ngayon? " marahan pa niyang hinaplos ang magkabila kong braso.
"Sinukuan mo ako nung una, kaya magsimula ka ulit sa umpisa. " malamig kong sabi.
Hinawi ko ang mga kamay niya na nasa braso ko, kitang-kita ko ang pagkagulat niya sa huling sambit ko. Tinalikuran ko na siya at nagdire-diretso ako pero hindi ko pa man naipihit ang doorknob ng hawakan niya muli ang braso ko. Saglit akong natigilan at hindi agad nakaharap sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Ang Dyosang Ayaw Magboyfriend (On Going)
Teen FictionIsang babae na panlaban ang tinataglay na kagandahan subalit ayaw magkaroon ng kasintahan. Ayaw niyang masaktan, masisisi mo ba siya? O baka mainis ka lang sa sistema ng pag-ibig na gusto niya? Ating kilalanin... "Ang Dyosang Ayaw Magboyfriend"