Kabanata 5
Dalawang araw.
Dalawang araw nang hindi nagpaparamdam sa akin si Oliver. Pangalawa na ngayon. Bwisit na lalaking yun! Napakasinungaling! Napaka-paasa! I hate him na talaga. Nakakapanibago din pala na wala yung tao na gustong-gusto mong mangulit sa'yo. Ano sumuko na agad? Pinalitan na agad ako sa chararat na Alice na yun?
Gaganti ako.
Mas magaling yata akong lumandi kesa sa kaniya. I'll push my kalandian to the next level, personally and physically!
"Frixie! "
Napalingon ako sa familliar na boses na tumawag sa akin. It was my Wednesday crush, si Marione Onil Lacuesta. Nag-aalangan pa akong lapitan siya dahil alam kung kukulitin na naman niya ako para sa isang bagay na ayaw ko namang gawin.
Nanatili lang ako sa posisyon ko nang mahagip ng mga mata ko si Oliver na parang kanina pang nakamasid sa akin.
Nice timing, Marione.
"Oh, Yes? Marione?...I mean, handsome?" naglalambing kong hinaplos ang kaliwang braso niya nang malapitan ko siya.
Napangiti lang siya kahit alam kong nagtataka rin siya ginawa ko "W-what are you doing? " aniya ng may kasamang malapad na ngiti.
Muli kong sinulyapan si Oliver na ngayo'y nanlilisik ang mga titig sa akin. Dinilaan ko lang siya para mas lalo pa siyang maasar.
"Let's go, HANDSOME. " sinadya kong lakasan ang huling sambit ko dahil kasama yun sa pang-aasar ko sa kaniya.
Hinila ko si Marione papuntang canteen at naghanap kami ng bakanteng mauupuan para makapag-usap na din. Ipinaghila niya ako ng upuan para makaupo 'saka siya naghila ng isa pa para makaupo at nakaharap sa akin.
"Nasabi na ba sa'yo ni Johnson? " tanong niya habang nakatungtong ang kaniyang mga siko sa mesa.
"Yeah. Teka ,bakit ba kasi ako ang napili niyo? Ang dami pa namang babae dito sa campus." prankahan kong sambit.
Sumandal siya sa upuan "Johnson wants you to be the muse of our team. And I think we both made the same decision so we both agreed to cover you until you agreed." cool niyang sagot.
"Pero bakit nga? " pangungulit ko.
"Dahil maganda ka. "
Tila nag-init agad ang mukha ko sa sinabi niya. Nag-uumpisa na naman yatang mangamatis ang kulay ng mga pisngi ko.
"The beauty you possess is already a sufficient reason." aniya na lalong nagpakilig sa akin. "Your beauty is all about being a muse but ofcourse more than just being a muse." dugtong niya pa kaya lalo lang lumala ang pagtambol ng puso ko.
Sinagad niya ako sa kilig kaya hindi ko maiwasang ngumiti.
"Nakakahaba naman ng hair ang sinabi mo. Baka maniwala ako tapos magalit lang si Rapunzel sa akin. " pagbibiro ko.
Bahagya siyang natawa sa sinabi ko "I'm not just joking or making fun of you Frixie. I do not know how to lie." seryoso niyang saad habang nakatitig lang ng diretso sa akin.
"Talaga ba? " muli kong pagbibiro.
Mas lalo lang naging seryoso ang mga titig niya sa akin "I assure you that when you have heard it from me, everything is true." nakakakilabot ang naging tono ng pananalita niya.
"Bago matapos ang araw ngayon, kailangan na namin ang sagot mo. " muli niyang imik.
Kumunot ang noo ko "Hindi ka naman siguro atat, noh? " pabiro kong sabi.
BINABASA MO ANG
Ang Dyosang Ayaw Magboyfriend (On Going)
Teen FictionIsang babae na panlaban ang tinataglay na kagandahan subalit ayaw magkaroon ng kasintahan. Ayaw niyang masaktan, masisisi mo ba siya? O baka mainis ka lang sa sistema ng pag-ibig na gusto niya? Ating kilalanin... "Ang Dyosang Ayaw Magboyfriend"