Kabanata 10
"Last game na nga pala bukas, sa tingin mo makakalusot kaya ang players natin mamaya?"
Nabaling ang tingin ko sa biglang nagsalita na si Zoey. May care pa rin pala siya sa players ng second-year, akala ko kasi puro lang kakirihan ang alam ng kaibigan ko.
"Makakapanood ka na ba ulit mamaya? " medyo pabulong lang ang pagkakasabi ko dahil nagkaklase si Mr. Bon sa unahan.
"Oo, sabi kasi ni Hex na manood na lang daw muna kami ng game. " parang nalungkot pa ang itsura niya.
Hex? Akala ko ba si Gideon? Hindi ko na talaga alam kung sino-sino na ang naging lalaki sa buhay ng kaibigan kong ito. Masyado na yatang marami halos hindi na nga niya naipapakilala sa akin ang lahat.
"Nanawa na yata sa'yo. " pagbibiro ko at nagpakawala ng munting tawa.
"Hindi noh! Mahal ko 'yun at mahal na ako no'n. "
"Talaga? Sinabi niya? " paninigurado ko dahil ayokong nasasaktab siya. Kahit naman sagad sa buto ang kalandian niya ay mahal ko parin ang bruhang ito "Tinanong mo ba siya? Kusa niya bang sinabi sa'yo? O baka nag-aassume ka lang? " dagdag ko pa.
Saglit siyang nanahimik "Were in a dating status for the fucking three months, kahit hindi niya sabihin e gano'n din 'yun. "
"Hindi naman nagle-level up. Suggestion ko lang, magtanong ka din para may assurance ka. "
After morning class, lumabas muna ako ng room para makalanghap ng fresh air. Kaya nandito lang naman ako nakatambay sa ilalim ng pagkalaki-laking puno dito sa SAU. Nakakarelax kasi ang hangin dito, gusto ko din kasi ngayon ng good vibes feel.
Isinandal ko ang bag ko sa puno para do'n ipatong ang ulo. Humiga ako kasabay ng pagpikit ko ng mata habang ang mga kamay ko ay nakapatong sa tiyan ko, ramdam na ramdam ko ang hampas ng hangin sa katawan ko. May ilang minuto pa naman ako para gawin 'to.
"Sleeping beauty? Can I be the Prince? "
Idinilat ko ang ating mga mata para hanapin ang nagsasalita pero nakatayo na pala siya sa may gilid ko. Nginitian niya ako at do'n ko palang naisipang maupo ng ayos. Hindi siya ang ini-expect kong dumating dito, pero di bale na it's still a blessing.
"Anong ginagawa mo dito? Hindi mo pa araw ngayon ah? Wala ba kayong training? "
Natawa siya sa sinabi ko "You don't have to remind me, alam kong pang-Lunes lang ako. " medyo napangiti din ako sa sagot niya dahil aware pala talaga siya "Tumanggi ka sa favor namin ni Marione to support your co-second-year. "
Hindi siya nagtanong. It's a statement with a serious tone. Kinabahan agad ako kahit hindi naman dapat kasi maayos naman akong tumanggi sa kanila.
"Ah-napilitan lang din ako. Hindi naman kasi dapat ako ang muse, it was Cassandra pero hindi nila mahanap that time kaya nakiusap sila sa akin. "
Am I explaining? Hindi ko alam kung bakit pero parang kailangan kong magpaliwanag sa kaniya.
"No need to defend your side, naiintindihan ko. " may pag-iling-iling pa siyang nalalaman.
"Last game niyo na diba bukas? Who's on the top? " pag-iiba ko ng usapan para mawala 'yung awkwardness between us.
Nilingon niya ako "Your suitor? Your lover? " halatang nang-aasar ang lalaking ito, kumunot ang noo ko sa kaniya "The defending champion, I mean. " pagbawi niya agad.
Sa gitna ng aming pag-uusap ay may bigla ulit siyang tinanong "Are you two, together? "
Saglit akong napatigil, nanlalaki ang mga mata ko sa kaniya 'saka pa bahagyang napatawa "Sira! Hindi ah, hindi kami. " nahampas ko tuloy siya sa kaniyang braso.
BINABASA MO ANG
Ang Dyosang Ayaw Magboyfriend (On Going)
Teen FictionIsang babae na panlaban ang tinataglay na kagandahan subalit ayaw magkaroon ng kasintahan. Ayaw niyang masaktan, masisisi mo ba siya? O baka mainis ka lang sa sistema ng pag-ibig na gusto niya? Ating kilalanin... "Ang Dyosang Ayaw Magboyfriend"