Kabanata 9

150 10 1
                                    

Kabanata 9


Mas naging matindi ang laban sa nagaganap na South Adamson's Basketball League. Umaangat parin ang pangalang ng defending champion na Green Aztecs mula sa third-year kung saan pinamumunuan ni Oliver.

Wala na ring tao sa room namin at sigurado akong wala na ding tao sa hallway.

"Hoy Tisay, manonood ka ba ng game 3?" tanong  sa akin ni Zoey.

Iniligpit ko ang gamit ko "Siguro, kailangan yata laging present ang muse sa laro pero wala pa ako sa mood."

"Talagang pinu-push mo 'yang pagiging muse mo ha? Well, iba na talaga ang dyosa. Ang dyosang ayaw naman magboyfriend! " panunukso niya sa akin habang naglalagay ng foundation sa kaniyang mukha. "Sasabihin ko na din sa'yo na hindi ako makakapanood ngayon. "

"Ha? Bakit? Lalandi ka na naman 'noh?" pinanlakihan ko siya ng mata "Naku ikaw Zoey, hindi ka na nagtino! Paano ka seseryosohin niyan?" binatukan ko pa siya.

"Lalandi ako? Oh yes! Sarap kayang lumandi kapag nilalandi ka rin pabalik. " may pagtawa pa siyang nalalaman.

"Ewan ko sa'yo. "

"Ikaw, ang ewan ko sa'yo. Ang daming umaaligid, nagkakagusto at pumipila sa'yo, pero dakilang pusong bato kang gaga! " dinuro-duro niya pa ako "Kung sa akin nga lang lumandi 'yang si Oliver siguro matagal na kaming magjowa. Magjowa ka na kasi para naman sumaya yang mukha mo! " buglang nagseryoso ang awra niya.

"Bakit? Masaya naman ako ah. " sagot ko habang pinapakitaan siya ng malaking ngiti. "Oh may mas sasaya pa ba sa pagmumukha kong ito? "

"Sabihin na nating nakangiti ka nga pero 'yang mata mo sobrang lungkot. Naku baka mahawa ako niyan kaya pasayahin mo naman ang sarili mo. 'Tsaka humarap ka sa salamin para naman malaman mo kung ano nga ba ang sinasabi ko. " itinago na niya ang foundation.

"Promise sasaya ako kahit wala akong boyfriend. "

"H'wag kang magsalita ng tapos, Tisay. Dadating parin 'yung panahon na magkakaroon ka ng boyfriend-"

"Ayoko! Ayokong matulad kay Mama. " napayuko na lang ako sa naging sagot ko.

"Hindi ka matutulad sa kaniya kung marunong kang pumili. Hindi naman lahat ng lalaki ay katulad ng Papa mong manloloko at babaero, magtiwala ka din minsan. Subukan mo kay Oliver. "

"Sinubukan ko naman pero sumuko agad siya and that means he's not serious. "

"Boba ka ba? Paano hindi susuko 'yung tao e binasted mo diba? Malamang nasaktan 'yun! Ang taong nasasaktan nagpapagaling agad bago sumubok ulit. Gano'n ang ginawa ni Oliver. Ang problema lang, hindi mo makita-kita kasi bulag kana sa nangyayari sa magulang mo. "

Napaisip ako sa sinabi ni Zoey parang expert na kasi siya sa ganitong bagay dahil sobrang dami na niyang karanasan.

"Sige na aalis na ako -"

"Saan ka? " pagputol ko sa sasabihin niya

"May date ako, duh! " inirapan pa niya ako biglang lumampas ang tingin niya sa akin at mukhang gulat pero napalitan agad ng ngiti sa kaniyang nakikita "Babye na, Tisay. Nandiyan na ang manliligaw mo, plss behave baby girl. " hinalikan pa niya ako sa pisngi bago naglakad papalayo.

Manliligaw?

Sa puntong ito ay parang ayaw kong lumingon sa likod kasi hindi ko pa nga nakikita ay nagwawala na agad ang puso ko, iba talaga epekto niya. Naramdaman ko na lang na may umupo sa upuan na nasa harapan ko ngayon. At nang magtama ang tingin namin ay tila kinuryente na naman ako.

"Anong ginagawa mo dito? " malamig kong tanong.

"I told you, babawi ako. Bumabawi pa rin ako." seryoso ang ekspresyon ng kaniyang pagmumukha "Sana okay na tayo." dagdag pa niya.

Ang Dyosang Ayaw Magboyfriend (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon