SyliahPagdating ko sa hospital dumeritso agad ako sa counter nila
"Excuse me"
"Yes ma'am" sagot na isang nurse na nakabantay dito
"Ano pong room si Terisita Buenaventura?"
"Ahmm room 021 po ma'am"
dali-dali agad akong tumakbo papunta sa room na sinabi...pagkabukas ko ng pinto na kita ko agad ang Lola ko na nakahiga at mahimbing na natutulog sa hospital bed sa bandang kaliwa nya naman nangdoon si mang Robert, naramdaman nya yata ang presenya ko kaya na patingin siya sa akin
"Syliah" tumango lang ako sa tawag nya at lumapit ako Kay Lola ng bigla na mang pumasok ang isang nurse
"Kamag-anak hu ng pasyente dahil pinapatawag ni Dr.Dael"
Sumabay na lang ako sa nurse na ito dahil Hindi ko naman alam Kong saan ang office ng doktor na iyon,, binilin ko muna saglit Kay mang Robert si Lola para may tumitingin sa kanya pansamantala muna.
Habang tinatahak ko ang opisina ng doktor iniisip ko ang Lola ko hindi ko alam pero kinakabahan ako sa mga nangyari, sana OK lang si Lola siguro na himatay lang siya dahil sa pagod tama yun lang yun kailangan positibo lang ako ehhh kung titignan naman si Lola ang lusog-lusog niya kaya pagod ang siguro iyon
"Dito po miss"
Nagpasalamat na lang ako sa nurse na sumabay sa akin papunta dito, pag kabukas ko ng pinto nakaupo lang ang doktor
"Maupo ka hija"
"Salamat po" gosh ba't ba ako kinakabahan ng sobra nag-aalala lang naman ako sa kalagayan ni Lola ehh
"Kaano-ano mo ang pasyente?"
"Lola ko po"
"Ahhh" tango lang ang sagot ko sa kanya
"I am Dr.Dael Monteverde your Lola's doctor"
"Doc ano po ang kalagayan ng Lola ko" Hindi na ako mapakali kaya tinanong ko na si Dr.Dael
"Actually hija dati ko na siyang pasyente"
"Po?"
"Yes, dati kong pasyente ang lola mo pero na ka recover na siya noon di kulang akalain na bumalik at mas lumala pa."
Ano bakit di ko man lang na pansin..all this time lagi Kong kasama ang Lola ko
"Hindi nya ba nasabi sa iyo ang mga tungkol dito kasi parang gulat na gulat ka"
Hindi ako umimik sa mga sinabi ni Dr. Dael
"Your lola is suffering in heart disease hija"
"Ano??" Sakit sa puso bakit hindi sinabi ni lola sa akin ang tungkol dito
Tumango lang siya sa tanong ko.
"Ano na po kalala ang sakit ni lola?"
"Sad to say hija pero kailangan na ng lola mo ng opera" parang na bulunan ako ng tinik ng marinig ang sabi ng Dr. sa akin di ko akalain na ang lola ko ay may sakit na pala sa puso
Pagkatapos namin mapag-usapan ang tungkol doon bumalik na rin ako sa kwarto ni lola.
Umalis naman si mang Robert dahil wala may magbabantay ng mini market namin doon kaya ito ngayon pinagmamasdan ko ang aking napakagandang lola Terisa, Hindi mo mapapansin sa Lola ko na may sakit siya ang lusog-lusog niya ang saya-saya pero sa kabila pala ng lahat ng iyon ay may dinadaramdam siyang sakit.
**********
Nangdito ako ngayon sa field ng school namin dahil p.e
Day namin kaya kahit na gusto kung umabsent ay Hindi ko na gawa sapagkat malaking puntos ang sasayangin ko baka pag gising ni lola pagalitan ako dahil hindi ako pumasok, late na mga ako kanina mabuti na lang naintindihan ng prof. Namin ang sitwasyon ko at doon ang nag babantay sa Lola ko ay ang asawa ni mang Robert.Lahat kami ay naka p.e shirt dahil marami kaming activities na gagawin
"Parang matamlay ka syliah ahh?" Si alleyah pala
"Pagod lang to"
" magkasama ba tayo sa group?"
"Hindi ehh sa kabila ako"
"Ahh ganon ba,"
Pumunta na lang ako sa mga kagroupmate ko dahil kami ang unang mag lalaro kalaban namin sila Cherri, Bali sila Cherri at ang kagroup niya ang maging bantay namin sila ang may hawak ng bola para ipatama sa amin at kapag natamaan ka ikaw ang out sa grupo ninyo
Lahat muna kami pinapunta sa gitna ng makapagsimula na..
Nag-umpisa na ang laro may tatlo ng out kaya sa 10 kami 7 na lang ang natira
Lima na lang kami at gusto ko ng maout kasi parang may balak talaga si Cherri na maiwan ako, hanggang sa dalawa na lang kami takbo lang ako ng takbo na out na rin si lastimosa kaya ang natira ako na lang gosh kinakabahan na ako,, nakakatatlong ikot na ako hindi parin nila ako pinapatamaan ng bola parang ng hahanap sila ng tyempo
Bogggssshhhhh!!!!!
BINABASA MO ANG
Swapped
Teen FictionA girl with simple life living in her grandmother .She live with happily and peaceful life but one day she got a scholarship with a famous university that all student want to study there. Dahil sa isang unibersidad na iyan ang kanyang tahimik at mas...