CHAPTER TWELVE : When the sun, rises at five o'clock.
Atasha's Point of View
3 months later..
Nandito ngayon sa office ko si Shawn at masinsinan kaming nag-uusap tungkol sa lagay ni Tita Selene. Pinag-uusapan namin ang napapansin namin pareho na ilang buwan ng hindi nagiging stable ang lagay niya. Maging ako ay kinakabahan sa posibleng mangyari, dahil mukhang mahihirapan si Shawn na tanggapin ang magiging kahihinatnan ni Tita Selene.
"Tell me, gagaling pa ba si Mama?" tanong niya sa akin saka hinawakan ang kamay ko.
Nanginginig ako sa takot na baka hindi niya matanggap ang sasapitin ni Tita kapag inunahan ko na agad ang mga mangyayari. Ayaw kong masaktan si Shawn pero ayaw ko rin namang magsinungaling sa kaniya kaya hangga't maaga kailangan na niyang malaman ang totoo.
"Sa totoo lang, hindi na nagpa-function nang maayos ang ilang system sa katawan ni Tita. Kaya mahihirapan tayong alamin kung kaya pa ba niya ang magiging operasyon." Paliwanag ko. "And due to her age.." huminga ako nang malalim at ipinatong ang kamay ko sa kamay niya. "..malamang ay hindi na niya kayanin." Dagdag ko.
"But there's a chance 'di ba? May chance na makakasurvive siya sa sakit niya?" Naluluha niyang tanong sa akin.
Maging ako ay naging emosyonal na rin sa lagay niya. Dahil saksi ako sa pagkawala ni Tito Timotheo, kung gaano siya nalungkot noon sa pagkawala niya. Alam kong hindi niya matatanggap ang sitwasyon ngayon ni Tita ngayo kapag nalaman niyang may ilang oras nalang na natitira sa buhay nito.
"Meron, pero sobrang risky ng gagawin naming operasyon sa kaniya. Baka hindi na niya kaya-."
"No! I know na malakas si Mama at kaya niyang labanan ang sakit niya. Abi, please. Gawin niyo ang lahat para mailigtas siya." Pagsusumamo niya sa akin. Hinalik-halikan din niya ang likod ng palad ko saka umiyak.
"Gagawin ko lahat ng makakaya ko. Namin." Sabi ko sa kaniya at niyakap siya nang mahigpit.
Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko nang yakapin siya. Hindi ko kasi magawang aminin sa kaniya na sa gagawin naming operasyon, lalong manghina si Tita kaya baka tuluyan na siyang mawala. Anong dapat kong gawin..
Ilang oras ang lumipas mula noong nagkausap kami, hinayaan ko muna siyang puntahan si Tita kahit sandali, bago magsimula ang operasyon.
Ang bigat. Ang bigat sa pakiramdam na ganoon ang sasapitin niya. Alam ko ang hirap at sakripisyo niya para kay Tita at masyado pang bata si Sean para mawalan ng ina. Alam ko rin na kahit si Sean ay hindi pa rin nalilimutan ang sinapit ni Tito Timotheo noon lalo na't hanggang ngayon ay wala pa ring hustisya ang pagkamatay niya.
Maging ako ay nararamdaman ang lungkot kay Shawn. Maging ako ay mahihirapan din.
Ilang sandali pa ay pinasok ko na ang silid kung nasaan si Shawn at si Tita. Agad kong napansin na nakatulog na pala si Shawn sa gilid ni Tita habang hawak ang kamay nito. Akmang hahawakan ko na si Shawn nang biglang hawakan ni Tita ang kamay ko.
"Abi.. ano man ang mangyari huwag mong pababayaan si Shawn.." bilin sa akin ni Tita Selene. Kinuyom ko ang kabila kong kamay para pigilan ang sarili ko na huwag maiyak sa bilin ni Tita Selene. "Huwag mo siyang iiwanan.." dagdag niya. Tumango-tango ako at hindi ko na namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko.
Kasabay niyon ang pag-haplos ko ng buhok ni Shawn, nagbabakasaling siya ay magising. Hindi ako nagkamali, nagising nga siya at binalot na ng katahimikan ang silid. Agad siyang tumayo at niyakap ako. Tinapik ko ang likod niya at pinapahiwatig na magiging maayos din ang lahat, kahit malabo iyong mangyari.
BINABASA MO ANG
Will You Marry Me? (COMPLETED)
Romance"If you love me, be with me forever." Date Started: April 10, 2020 Date Published: May 27, 2020 Achievements: Highest Ranks of Will You Marry Me?: (as of December 2021) #2 in Cyrus #2 in Emmanuel #1 in Atasha #2 in Shawn #3 in NotYourTypicalLo...