23.

39 2 0
                                    

CHAPTER TWENTY-THREE : Take You Back.

Shawn's Point of View






Naglalakad kami ngayon ni Cael sa pasilyo ng ospital. Gusto ko munang dumaan sa opisina nina Danica para magpasalamat sa pagsasabi niya sa akin ng totoo. Nakakagulat man pero wala akong ibang dapat gawin ngayon kung hindi ang muling maibalik sa akin si Abi kahit mahirap.

Nagpasama rin ako sa kaniya kung nasaan ang kwartong tinutuluyan ngayon ni Abi. Bago raw kami dumating dito ay gising na si Abi. Malamang ay dahil iyon sa kinuhanan uli siya ng dugo para sa ilang tests.

Sampung minuto na ang nakakalipas mula no'ng ihatid ako ni Danica dito sa tapat ng kwarto kung saan tumutuloy si Abi. Para bang nakadikit lang ang sapatos ko sa sahig at hindi ko man lang magawang maglakad papasok. Gan'on din ang mga kamay ko na kahit may bitbit akong muli na isang basket na prutas at isang bungkos ng pulang rosas, ay hindi man lang magawang pihitin ang door knob o kahit man lang ay kumatok at alamin kung may tao ba sa loob.

Ngayon lang ako natakot ng ganito. Hindi ako natatakot kay Abi, natatakot lang ako sa posibilidad na hindi niya uli ako tanggapin sa buhay niya at kasuklaman niya ako. Baka mamaya, ako pa ang maging dahilan para lumala ang sakit niya.

Nandito ka na Shawn, huwag ka na umatras.

Huminga ako nang malalim at tinatagan ang loob ko. Sandali rin akong napapikit at malakas na bumuga palabas ng hangin. Kahit tatlong taon na ang nakakalipas syempre, naghiwalay pa rin kami, kaya may kaba pa rin sa loob ko. Pero nandito na ako eh, bawal na umatras.

"Papasok ka ba, Sir?" Halos mabitawan ko ang basket ng prutas nang may kung sinong nagsalita mula sa likod ko. Tiningnan ko siya at may dala siyang iba't ibang kagamitan pang-ospital.

"A-anong gagawin mo sa loob?" Tanong ko sa kaniya na siya namang dahilan para mapangisi ang lalaking nurse na ito.

"Kukuhanan ko lang ng dugo si Doc Abi, Sir.." paliwanag niya. "..sino po ba kayo?" Tanong niya.

"Sige na, pumasok ka na sa loob. Pagkalabas mo nalang ako susunod." Sabi ko sa kaniya at naupo sa tabi ng pintuan.

Huwag lang sanang sabihin ng lalaking nurse na 'yon na may bisita si Abi, kung hindi..

"Okay na, Sir. Nakuhanan na pala siya kanina." Sabi nito at naglakad na palayo. Dali-dali akong tumayo at pumwesto na sa pintuan. Heto na.

Hinawakan ko nang mahigpit ang door knob at pinihit pakaliwa saka binuksan ito nang dahan-dahan. Sumilip ako sa loob at nakita ko siyang nakaupo sa hospital bed at nagbabasa ng libro. Nilakihan ko na ang pagbukas nang pinto at pumasok sa loob, kinandado ko rin para sigurado hehe.

Napansin niya siguro na pumasok ako kaya agad siyang nagsalita pero patuloy pa ring nakatingin sa libro.

"Cael, puro ka prutas. Mamaya mangasim na ako niyan ha?" Sabi niya nang hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

Nanatili akong nakatayo sa tabi niya at pinapanood siyang magbasa ng libro. Agad kong napansin ang pangangayayat niya. Maging ang pamumutla ng balat niya. Ang dating medyo malusog niyang pisngi, ngayon ay lumiit. Ang mga mata niyang mapupungay noon, ngayon ay lubog at mapapansin mo ang mga eyebags niyang malulusog.

Will You Marry Me? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon