CHAPTER NINETEEN : I Forgot.
Third Person's Point of View
Lumipas ang ilang linggo mula noong namatay ang ina ni Abi. Labis pa rin ang pagdadalamhati ng dalaga maging ang tatay nito. Hindi nila lubos akalain na sa ganoon na lamang ang sasapitin ng kanilang ilaw ng tahanan.
Napagdesisyunan ni Abi na pansamantalang huwag muna pumasok sa ospital. Panaka-naka nalang ang dalaw niya rito, madalas ang dahilan nito ay si Danica.
Pero hindi gaya ng dati, hindi na ganoong nakakalabas ng magkasama si Abi at Shawn. Maraming hinahawakang kaso si Shawn noong nakalipas na ilang linggo. Mas pinagtutuunan nito ang mga kaso niya kaysa kay Abi. Maging pagtawag o pagtext man lang kay Abi ay hindi na nagagawa ng binata dahil na rin sa pagiging abala nito.
Isang hapon, napagdesisyunan ni Abi na tawagan si Shawn para yayain sana na kumain sila sa labas.
"Love, kain naman tayo sa labas." Paglalambing ng dalaga kay Shawn sa tawag.
"Sorry, love. Ang dami ko talagang hawak na kaso ngayon, halos sabay-sabay rin ang hearing na pinupuntahan ko-oo sige, lalabas na ako-love, nandiyan na 'yung kliyente ko. Mamaya nalang."
"I love-" hindi pa man din natatapos ng dalaga ang sasabihin ay tinapos na ng kausap ang usapan.
Napangiti ang dalaga sa kawalan nang may maisip itong mas magandang ideya. Balak niyang puntahan sa opisina nito ang binata para sorpresahin at dalahan na rin ng makakain.
Dali-daling nagluto ang dalaga. May pasayaw at kanta pa ito para mapuno ng pagmamahal ang ihahandog niyang pagkain para sa binata. Nang matapos ang dalawang oras ay inilagay na niya ito sa mga lalagyanan at dali-daling kinuha ang susi ng kotse saka nagmaneho papunta ng opisina.
Makalipas ang kalahating oras ay narating na ng dalaga ang opisina. Pumasok na ito at pinindot ang boton ng elevator. Nauna siya sa dalawang babaeng kasabay niya sa elevator. Rinig na rinig ng dalaga ang usapan ng dalawang babaeng kasama nito sa loob.
"Ang gwapo ni Attorney Shawn, 'no?" Sabi ng babaeng nasa gawing kanan niya.
"Oo nga eh. Balita ko wala siyang girlfriend kasi torpe raw si Attorney Shawn." Sagot ng babaeng nasa gawing kaliwa niya.
"Ang nakarating naman sa akin, may asawa raw iyang si Attorney Shawn. Kaso pinikot lang siya at iniwan. Kaya raw nag-abugado siya dahil do'n." Sagot no'ng naunang babae.
"Gano'n? Ah basta, kahit anong past ni Attorney Shawn, gusto ko siyang maging boyfriend." Kinikilig na sabi ng pangalawang babae.
Nang biglang bumukas ang pintuan ng elavator ay malakas na hinawi ni Abi ang dalawang babaeng dahilan para mapakapit ito sa rehas na parehas na nasa tabi nila.
Pagkalabas niya ng elevator, pinandilatan niya ang dalawang babae at itinaas nito ang gitnang daliri nito saka ipinakita sa dalawa bago tuluyang nagsara ang pintuan ng elevator.
"Mga malalandi, akala mo naman magugustuhan kayo ng boyfriend ko? Sorry kayo, akin na siya." Bulong ng dalaga sa sarili at hinawa ang buhok saka naglakad papunta sa opisina ng binata.
Nang marating ng dalaga ang opisina nito ay kumatok ito ng tatlong beses. Nang walang sumagot, puwersahan na niyang binuksan ang pinto at walang sino mang bumungad sa kaniya kung hindi ang malinis na opisina ng binata. Ipinatong niya ang dalang pagkain sa ibabaw ng lamesa nito at inilibot ang tingin sa buong opisina. Maya't maya rin ang lakad nito sa mini library ng binata. May mangilan-ngilan itong binubunot na libro, bubuksan nang kaunti at kalaunan ay ibinabalik rin.
BINABASA MO ANG
Will You Marry Me? (COMPLETED)
Romance"If you love me, be with me forever." Date Started: April 10, 2020 Date Published: May 27, 2020 Achievements: Highest Ranks of Will You Marry Me?: (as of December 2021) #2 in Cyrus #2 in Emmanuel #1 in Atasha #2 in Shawn #3 in NotYourTypicalLo...