Chapter 4

533 26 0
                                    

Sazchna Pov

Nauna na akong lumabas ng sasakyan dahil sa excitement na naramdaman ko ng makita ko ang dagat.

Ngayon nalang ulit ako nakapunta sa dagat kaya nagmadali akong pumunta sa may tubig at binasa ang kamay.

Nang maramdaman ko si boss na nasalikod ko na ay agad akong kumuha ng tubig dagat at winisik ko sakanya.

Nagsalubong ang kilay niya na ikinatawa ko "Fuck!" mura niyang ng hindi ako tumigil sa pagbasa sakanya.

Itinaas niya hanggang siko ang kanyang long sleeve polo. "Hinahamon moko huh?"

Walang sabi sabi na winisikan niya din ako ng tubig at nagbasaan kami na umabot hanggang anim na minuto.

Humarap ako kay boss. "Leijann, basa na tayo e may gagawin pa tayo."

Nagpupunas na siya ngayon gamit ang towel na binigay sakanya ng staff sa reception. "Okay lang yan hindi naman tayo sobrang basa."

"Arat na po pala baka naghihintay na sila sa loob."

Humarap siya saakin ng may nagtatanong na muka. "A-arat?" "What's that?"

Bigla akong natawa sa reaction niya. "Nakuha ko lang po kahapon sa nakasabay ko maglakad sa highway. Salitang kalye yata? Diko alam kung ano basta binaliktad lang ng tara, arat." ngumiti ako.

"Okay. Arat?" natatawa niyang tanong.

Nauna na siyang maglakad saakin dahil may kailangan pa akong pirmahan sa reception.

Habang nakatingin ako sakanya napaisip ako bigla sa inaasal niya. Ang sabi ni Jinina masungit daw ang boss niya, pero totoo naman. medjo? Kanina naman ay mabait siya saakin at parang hindi empleyado ang turing niya saakin.

Am I special or special child? Natatawa nalang ako sa mga naiisip ko. Masyado na akong assuming.

Pumasok kami sa isang room na may dalawang babaeng nakaupo sa harap ni Sir Leijann at inumpisahan na nilang pag-usapan ang gagawin.

"Na take note niyo na ba ang lahat?" Leijann asked them.

"Yes, sir, but how about the catering? You didn't mention it." tanong ng isa sa mga staff at oo nga hindi niya nga ito nabanggit kanina.

"Ah yeah. About that, earlier I ate lunch at Saxima Restaurant. Perfect ang pagkain nila doon."

Nabulunan ako sa iniinom kong tubig dahil ng pagka ubo ko. Tinakpan ko ang bibig ko at nag excuse sakanila sandali na pupunta akong restroom. Nang tumigil na ang pag ubo ko ay lumabas ako ng restroom at nakita ko sa labas si sir Leijann na nag aantay saakin.

"Are you okay?"

"Ah, yes. Napadami lang yung nalunok kong tubig, sorry." paliwanag ko sakanya at mukhang satisfied naman siya sa sagot ko dahil ayos naman na ang pakiramdam ko ngayon kaya naman bumalik na kami sa meeting na ginagawa namin kanina at pinagpatuloy ang pinag uusapan.

"About that restaurant, contact the restaurant Sazchna, make an appointment with them."

"A-ako po y-yung may ari ng restaurant, Sir hehe." itinaas ko ng konti ang kamay ko at tumawa ng peke.

Nakita ko ang pagka bigla sa mga mukha nila, "G-great!" uminom siya ng tubig na para bang hindi makapaniwala.

Mag alas dose na ng tanghali ng matapos ang pinag uusapan namin. Nag tanghalian muna kami bago umalis sa isla. Hindi kami nag bangka para makapunta pa sa isla dahil may pathway naman para sa mga sasakyan ang isla nila.

Walang imik kaming bumalik sa opisina para tapusin ang mga naiwan naming trabaho.

Pipindotin ko na sana ang floor kung saan ang office ni Sir Leijann ng matama ang kamay namin sa pagpindot. Hindi ko nalang iyon ponansin.

Until We Meet Again [Tzusander Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon