Chapter 5

479 24 0
                                    

Leijann Pov

"Sazchna doon sa second floor ang kwarto mo, mamili ka nalang kung saang guests room ang gusto mo." saad ko ng makababa ako sa hagdan.

"Okay Sir." nakatingala niyang sabi na parang sinusuri kung saan ba ang pipiliin niya. "Sir doon nalang po ako sa malapit sa hagdan."

"Don't call me Sir." paulit-ulit ko na tong sinasabi pero hindi niya pa din makuha-kuha.

"Pero Sir andito parin ako para mag work kaya boss pa din kita."

Hindi pa din ako sanay na tinatawag niya akong Sir or Boss. "I'm your boss at gagawin mo lahat ng sasabihin ko."

Tumango lang siya at nagtakip ng bibig ng biglang humikab. "Sorry Leijann, hehe." naka peace sign pa ang loko.

"Magpahinga kana." binitbit ko na ang dalawa niyang maleta para hindi na siya mahirapan. Mukang pagod siya sa dami ng trabaho kanina.

"Leijann ako na jan." sigaw niya ng makitang dalawang mabibigat na maleta ang hawak ko. Tinignan ko lang siya at nagpatuloy ng pumunta sa silid na napili niya.

Bigla siyang lumundag sa kama at masayang tumalon talon na parang bata. "Leijann ang lambot ng kama." Masigla niyang sambit na akala mo batang 8 years old.

"Magpahinga kana dahil maaga kapang gigising bukas para magluto." pagkasabi ko nun ay isinara ko na ang pinto.

Nagpahinga na din ako agad dahil pagod din ang sa dami ng tambak na trabaho kanina.

Wala pa ring pinagbago ang pagiging isip bata niya, cute pa din siya...

Nagising ako ng may kumakatok sa pintuan. Naalala ko na andito nga pala si Sazchna "Leijann, gising na. Luto na ang almusal." sigaw niya mula sa labas.

Hindi ko siya pinansin ako dali dali akong pumuntang cr para makaligo na. Nag shave muna ako ng balbas bago ako lumabas.

Nakangiti siyang bumungad saakin sa pintuan at nakabihis na din. "Luto na ang breakfast mo." nauna na siyang bumaba at kinuha ang bag niya.

Tumigin ako sa lamesa at mukang wala pang bawas ang niluto niyang pagkain."Saan ka pupunta?"

Nakangiti pa rin siyang humarap saakin. "Mag b-breakfast sa labas."

Kumunot ang noo ko sa sagot niya. Anong klaseng sagot ba naman yon? "Bakit sa labas kapa magb-breakfast? May ka date ka?" hindi mapigilan ang iritasyon sa boses ko.

Nawala ang ngiti niya sa tanong ko at biglang nagseryoso. "Wala akong ka date kase hindi yun ang priority ko sa ngayon at tsaka yaya lang ako dito kaya para sayo lang ang niluto ko."

Medyo nabawasan ang iritasyon ko. "Umupo kana sa lamesa, sabay tayong mag b-breakfast."

Parang gulat na gulat siya sa sinabi ko. "Sure ka?"

Nasasayang ang oras sa ginagawa namin. "Umupo kana at nasasayang ang oras natin." napatingin ako sa gatas na nakalagay sa lamesa. "Hindi ako umiinom ng gatas. Ikaw nalang ang uminom niyan." nag umpisa na akong kumain.

Kinuha niya naman ang gatas. "Sarap." parang bata niyang sabi at may gatas pa siya sa taas ng labi.

Naging mabilis ang kilos ko na maging ang sarili ko ay hindi ko na namalayan ng punasan ko ang taas ng labi niya. "L-let's go. Mamaya mo na ligpitin ang mga pinagkainan natin. Ilagay mo nalang muna sa sink." nauna na ako maglakad sa kahihiyan na ginawa ko.

Ano bang nasa isip mo Leijann? Bakit mo ginawa 'yun?!

Ilang araw na din ng hindi ko kinaka usap si Lea, hindi rin naman niya na ako ginugulo kaya naman maganda na rin iyon. Alam kong hindi saakin 'yon kaya naman panatag ang loob ko.

Until We Meet Again [Tzusander Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon