Chapter 9

414 18 0
                                    

Sazchna Pov

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapatitig sakanya, hindi ko alam kung dala ba ito ng kalasingan ko o sadyang napaka gwapo niya lang ngayon.

"Bakit kaba kasi naglasing?" tanong niya habang ang paningin ay nasa daan pa din.

"Ikaw? Bakit ba ganyan ka makatanong? Grrr." tugon ko.

Humarap siya sa'kin. "Baka gusto mong ihulog kita jan sa kalsada? Nagtatanong lang ako e."

Lumapit ako sa leeg niya papunta sa tenga niya. "S-stop it." saad niya.

"Ang paghulog sa'kin sa kalsada, ginagawa yan, hindi sinasabi." saad ko tapos tumawa na parang takas mental.

Lalong kumunot ang noo niya. Isang oras lang ay nakarating na kami agad sa mansiyon niya.

Pasuray-suray akong naglakad papunta sa gate ng biglang pitikin ni Leijann ang noo ko. "Aray ko pota!" daing ko na ikinagalit ng mukha niya.

Pinitik niya ulit ako sa noo. "Sinabi ng masakit e." sigaw ko.

"Bakit ka nagmumura?" galit na saad niya.

Pinagkrus ko ang braso ko. "Wala kana don. Buksan mo na yang gate at ang bigat ng katawan ko." utos ko sakanya.

"Maka utos ka ah. Ikaw ang boss dito?"

"Pwede din naman." inagaw ko sakanya ang susi at binuksan na ang gate. "Ang dali lang buksan ng gate pero daldal kanang daldal jan."

Nauna na akong maglakad at nahiga ka sa sofa. "Hayyyyyy buhayyy!" sigaw ko.

"Stop shouting Sazchna!" suway niya sa'kin.

"Marunong kapa sa'kin. Inggit ka gumaya ka." sigaw ko ulit.

Lumapit siya sa'kin. "Subukan mo sumigaw hahalikan kita." pang b-blackmail niya sa'kin.

"Nababaliw kana." umiling iling ako.

Tumitig siya sa mga mata ko. "Yes Sazchna. Nababaliw na ako. You're driving me fucking crazy but this is wrong. Baka mabulilyaso ang gagawin ko." lahina ng pahina niyang sabi at hindi ko na narinig ang last sentence na sinabi niya. Dala na siguro ng kalasingan ko.

Inirapan ko siya. "Ewan ko sayo, basta masaya sumigaw." akmang sisigaw ako ng bigla niya akong halikan.

Natigilan ako sa ginawa niya pero agad akong tumugon. Pinulupot ko ang braso ko sa leeg niya at mas pinalalim ang halik.

"I'm sorry sa magagawa ko pero hindi ko yun pwedeng itigil." sobrang hina niyang bulong pero narinig ko ang kabuuan. Hinalikan niya ako sa noo at binuhat papunta sa kwarto ko...

Mataas na ang araw nang magising ako. "Fuck hangover!" pinukpok ko ang ulo ko sa sakit. Napatigil ako ng maalala ko ang nangyari kagabi. D-did I kissed him back? Fuck! Fuck! Fuck! Nakakahiya. Nagpagulong gulong ako sa kama.

Fuck! Hindi ngablang kiss e! Ano ba yung nangyari sa kotse, hindi ako 'yon!

Napatigil ako ng maalala ko ang sinabi ni Leijann kagabi. "Ano ang hindi niya pwedeng itigil?" tanong ko sa sarili ko. Napagdesisyunan ko na maligo nalang kesa isipin ang magulo niyang sinabi kagabi.

Lumabas ako sa sala para maghanap ng advil at wala akong makita. Fuck! Bumalik ako sa taas para kumuha ng pera ng madaanan ko ang kwarto ni Leijann na tahimik.Natutulog pa siguro. Naglakad na ako papunta sa kwarto ko at kinuha ko ang pera at susi...

Nagmadali akong pumunta sa Pharmacy store nang makita ko ang kapit bahay ni Leijann na kapitbahay ko na din. "Hello." masiglang bati ko.

"Hi." tugon niya. "Anong bibilhin mo?" tanong niya.

"Advil e hehe." kamot batok kong tugon. "Ikaw ba?"

"Hindi ko din alam e. Yung para sa sakit ng ulo ng bata sana." tugon niya.

"Bata? May anak kana?" gulat kong tanong. May anak na pala tong crush ko. Malas talaga.

"No. no. no." tanggi niya.

Sinundot ko siya sa tagiliran. "Ikaw naman nahiya kapa isabi sa'kin. Sabihin mo sayo iniwan yung anak niyo ni misis mo kase maggogrocery siya tapos masakit pala ang ulo kaya andito ka ngayon bumibili ng gamot." paused. "A-ano? Nasa grocery store si misis tapos iniwan mo mag isa yung bata sa bahay mo?" sigaw ko.

Kumunot ang noo niya. "Anong pinagsasabi mo? Di mo muna kase ako pinatapos e." tawang tawa niyang saad. "Unang una miss beautiful, wala pa akong asawa. 23 palang ako di pa ako magaasawa. Pangalawa, pamangkin ko lang yun at yung mommy and daddy niya ay nasa second honeymoon. Pangatlo iniwan ko nga ang bata sa bahay." kamot batok niyang paliwanag. Siguro hindi to naghihilod ng batok kaya kamot ng kamot.

"P-paano yung b-bata don? Baka mapano yun. Baka mahulog sa hagdan." tanong ko.

"Kaya nga binilisan ko papunta dito pero ang ingay naman nating dalawa kaya ewan ko din kung ano ng nangyari sa bata." tugon niya.

"Dalian na nating mamili ng gamot ako na mag-aalaga sa bata." offer ko.

Tumango naman siya at mabilis kaming bumili ng gamot. Naghiwalay muna kami ng sasakyan at convoy kaming pumunta sa bahay niya.

Nagmamadali kaming pumasok ng gate ng mauntog ako sa gate nila. Sapo sapo ko ang noo ko sa sakit. Lumapit sa'kin si Andre para tignan ang noo ko. "Di ka kase nag iingat, ayan tuloy napala mo." ani niya at hinipan ang noo ko. Kinikilig ako! Animal na hayop bakit maalaga si Andre? Nafafall ako. Kese nemen e! Joke! Wala akong bawal ma fall kahit kanino.

"Tara na sa loob para malagyan na din ng yelo yan para hindi magkabukol. Pasalamat ka namumula lang kundi muka kang lumobo na bola. HAHAHAHA!" tuwang tuwa pa ang kumag. Animal na hayop talaga.

Pumasok na kami sa loob ng mansyon niya at umakyat kami sa second floor kung nasaan ang bata. Nadatnan namin na tinutusok tusok niya ang tiyan niya gamit ang daliri niya. So cute.

Tumingin sa'min ang bata. "Tito Andre!" masiglang saad ng bata at tumakbo papunta kay Andre.

Lumuhod ako para magkapantay kami nung bata. "Hello! Ako si Ate Sazchna." nakangiti kong bati.

Nagulat ako ng bigla siyang yumakap sa'kin ng mahigpit at pinaulanan ako ng halik sa muka. "Hi ate Sazchna. I'm Kendilyn Caceres." malapad na ngiti ang nasa labi niya.

"Caceres?" tumingala ako kay Andre. "Caceres ang last name mo?" mangha kong tanong at tumango naman siya. "P-pinsan mo si Cyhril Jane Caceres?" Tanong ko ulit at tumango ulit siya. Lokaret na babae yun hindi man niya sinabi sa'kin na may pogi siyang pinsan. Masasabunutan ko siya pag nagkita kami. Grrrr.

Naputol ang masama kong balak kay Cyhril ng biglang magsalita si Kendilyn. "Ate Sazchna, Can I call you ate pretty? Ang pretty pretty mo po kasi e." tanong ni Kendilyn.

"Pretty ba ako?" tanong ko.

"Opo, ang pretty mo po bagay po kayo ni Kuya Andre." malakas na sagot niya.

Napakagat labi ako sa sinabi niya. "Ah, eh, a-ano kase. Masakit paba ulo mo?" pag-iiba ko sa usapan.

"Hindi na po." andito na po kasi kayo.

"Binola mo pa kami." tugon ko at ginulo ko ang buhok niya.

"Ate pretty naman e, yung hairstyle ko po sira na." saad niya habang inaayos ang buhok niya.

"Naku! Ikaw talagang bata ka si ate pretty ang bahala sayo." kinarga ko si Kendilyn.

"Tara na sa sala?" tanong ko kay Andre.

"Ang cute niyo tignan, mukha kayong nagmamahalan na mag nanay." saad ni Andre.

"Cute talaga kami, ikaw ba cute ka?" pang-aasar ko sakanya.

"Ewan ko sayo." ginulo niya ang buhok ko at kinuha si Kendilyn sa braso ko.

"Ako ng magbubuhat sakanya, ayokong nahihirapan ka." saad niya sabay kindat.

"Ayieeeeee! Sabi sayo ate pretty bagay kayo e." panunukso ni Kendilyn.

Until We Meet Again [Tzusander Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon