17

75.4K 2K 45
                                    


      SA LOOB NG tatlong oras ay napuno ng tawanan ang loob ng cottage na iyon. Tuwang tuwa ang bawat isa sa pagbabalik tanaw sa naging karanasan nila noong kolehiyo, at kahit maging ako ay natatawa lalo na pag tungkol kay Marcus ang usapan.

Karamihan sa mga nandito ay mga kalalakihan kagaya ng sinabi kanina ni Missy. Apat lang ang babae samantalang asa labing isa ang mga lalaki.

"Kung nakita mo lang ang mga babaeng naghahabol kay Marcus 'non, maawa ka sakanilang lahat." Naiiling na sabi sakanya ni Missy habang tumatawa.

"Kahit naman kay Micaela, sobrang daming nagkakagusto. Kaya hindi nawawalan ng tao sa department natin dahil sakanilang dalawa." Si Rashid naman iyon habang nagbabalat ng mansanas.

Ngumiti lang si Micaela sa sinabi ni Rashid. Samantalang si Marcus naman ay hindi kumikibo. Sumasagot lang ang lalaki kapag direkta sakanya ang tanong, kapag hindi, paniguradong wala kang maririnig mula rito.

Kumuha ako ng orange na nasa mesa at nagsimulang balatan iyon, balak ko sanang bigyan niyon si Marcus. Habang nagbabalat ay lumapit sa kinatatayuan ko si Micaela.

"Matagal na ba kayong magkakilala ni Marcus?"

Nag isip ako bago tumango, "Medyo. Pero hindi pa sobrang tagal."

Tumango tango ito. Kumuha din ito ng prutas sa mesa pero mansanas. Babalatan na din sana nito ang mansanas gamit ang kutsilyo ng bigla siyang pigilan ni Rashid.

"Ella, ako na ang mag babalat." Sabi nito sabay kuha ng prutas sakanya. "Baka masugatan ka pa."

Mahinhin na tumawa si Micaela, "Kaya ko naman. Pero salamat, Rashid."

Nang matapos na ako sa pagbabalat ay hinati ko ang orange sa gitna, akmang aabot ko na iyon kay Marcus ng biglang magsalita si Micaela.

"Gusto mo ng apple, Marcus?"

Naputol ang plano niyang pag abot kay Marcus ng orange. Bahagyang napaurong ang kamay niyang mag aabot sana ng prutas sa binata.

Nilingon ni Marcus si Micaela na kanina'y nakikinig sa iba pa niyang kaklaseng nag uusap. Dahil na rin siguro sa nagsalita si Micaela ay tumahimik ang lahat ng nandoon.

Kanina pa niya napapansin na mukhang gustong gusto ng lahat si Micaela. Sa bawat oras kase na mag salita at tumawa ito ay nakikinig ang lahat sakanya. Nasabi din kanina sa usapan na sobrang bait, talino at maraming nagkakagusto dito.

"No, thank you." tanggi ni Marcus.

"Akin na lang, Ella." Sabi ni Kalem, isa sa mga kaklase nila. "Ako gusto ko ng apple."

Ngumiti si Micaela, "Okay."

Binigay nito ang mansanas na binalatan kanina ni Rashid para sakanya. Nang lingunin ko si Rashid sa reaksyon niya ay parang wala lang iyon rito.

Nahiya narin siya at hindi na niya inabot ang binalatang orange kanina. Kung ayaw nito sa apple, malamang ay ayaw din nito sa orange.

Ilang oras pa ay nagpaalam na ang iba at sinabing mag kita-kita sila mamayang gabi para sa balak nilang bonfire.

Samantalang magkasama naman silang bumalik ni Marcus sa hotel dahil sa iisang kwarto lang naman silang dalawa.

Montreal 2: Marcus Vernon Montreal [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon