Choosing the Second

18 8 0
                                    

UMALINGAWNGAW ANG SIGAW niya sa buong kwarto. Sumilay ang ngiti sa labi ko. Tila musika sa pandinig ko ang paraan niya ng pagsabi ng, "Yssiam!"

"Did you like that, Dane?" Tanong ko sa kanya. Mahigpit ang kapit ng mga daliri ko sa kanyang buhok. Sinubukan kong hilain pa paitaas ang mga ito.

Kung gaano ko kagusto na banggitin niya ang pangalan ko noon, ganoon ko naman kinapopootan ang pagdugtong ng sumpa rito ngayon.

"Yssiam!" Halos mawalan na siya ng boses sa pagsigaw. "Bwisit ka talaga!"

"Woah!" Malakas kong tinulak ang ulo niya at nagpakawala ng dalawang sampal, "nasasaktan ka na ba, Dane?"

Wala ata akong kinikilalang pakiramdam ng pagiging kalmado kaya kinuha ko ang latigo sa mesa.

"You want this?"

"AH! YSSIAM!" Pinatamaan ko ang hubad niyang hita. Bawat hampas ng dulo ng latigo, sumasabay ang hiyaw niya sa sakit. Hindi ko mapigilan ngumisi. Ang huling pagkakataon ang siyang pinakamalakas kaya napapikit ako noong matagal sa hangin ang pagsigaw niya. Parang musika.

"You can't escape from me. Matibay ang pagkakatali ko sayo." Pilit pa niya kasing kumakawala sa inuupuan niya. Imposible.

"Please, Yssiam, stop.." Napailing ako. There's no way na palalayain ko siya sa kwarto ko.

Not this time.

Lumapit ako sa side table at kumuha ng dalawang bote. Bumalik ako sa pwesto ni Dane sa tapat ng kama ko at naupo kaharap siya.

"Hey, Dane, choose," pinakita ko sa kanya ang dalawang bote na hawak ko, "alcohol o vinegar?" tanong ko.

Tamang-tama para hugasan ang papercuts na ginawa ko sa kanya kanina, mga sugat na dulot ng latigo, ano pa ba? Oh, may sugat rin dahil pinaso ko pa siya ng sigarilyo.

Binaba ko ang bote ng suka at hinawakan ang baba niya. Puro pasa at ilang gasgas na rin.

"Kailangan mo ng magamot, Babe," matamis ang ngiti na binigay ko kay Dane. Isa pa rin naman akong caring boyfriend sa lovable kong girlfriend.

"Now, choose, alcohol o vinegar-oops! I forgot-" Kinuha ko sa side table ang isang platito at kutsilyo- "calamansi pa pala. Pili ka na Babe."

"Hayop ka talaga Yssiam," matalim ang tingin sakin ni Dane. Wow. May gana pa siyang sabihin sa'kin yan?

"Mas hayop ka Dane," ganti ko.

"What did I do to you?!" Shit.

"Tangina, Dane! Hindi mo alam?!"

Walang anu-ano'y binato ko sa kung saan ang mga hawak ko. Tunog ng pagkabasag ang sunod kong narinig. Nagmamadali akong lumapit sa babaeng iyon at pinulot ang natapong kutsilyo.

"Nakalimutan mo na?" Mas lalo kong diniin ang talim sa leeg niya.

"You cheated on me, Dane." nanggagalaiting bulong ko sa tenga niya. Halos madurog na ang mga ngipin ko sa pagkakadiin ko sa mga ito.

Tinapon ko ang kutsilyo at kumuha ng isa pang bote sa side table."For 8 years, Dane," binuhos ko ang laman sa sugat niya sa hita.

Puro mura at hagulgol ang narinig ko sa babaeng kasama ko.

"I have loved you. But what did you do?" Sunod kong pinampaligo sa kanya ang alcohol.

"AHHHHHH! YSSIAAAAAM!" Wala na para sa akin ang nakakabingi niyang pag-iyak. Kulang pa ang lahat ng iyan sa mga pinagdaanan ko.

"Nag-cheat ka. Ilang lalaki ang naging karelasyon mo habang tayo pa?" Inubos ko na sa kanya ang isang bote ng alcohol. Binato ko pa sa nagdurugo niyang sigat sa hita ang boteng iyon.

Choosing the SecondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon