Chapter 2 what a bad day

118 2 0
                                    

Kim Pov

Kasalukuyan akong nagmamaneho ng bisiklita ko papuntang Villa habang pakantakanta. E sa ganda ng araw ko e. Halos lahat ng madada anan ko binabati ko, pati bulaklak, aso, puno. binabati ko.

Parang tanga lang.. hahaha

Dinadama  ko ang simoy ng hangin na dumadampi sa pisngi ko. Ang sarap nga naman ng hangin pag sa probinsya ang sariwa.

"Beeeppp!!!!!!". Nagising agad ang diwa ko.

O__O .... Lord Katapusan ko na bato?! Wag naman sana, ang bata ko pa para kunin nyo.

Ni liko ko agad yung bisiklita at nagbreak sa abot ng makakaya ko. Dahil sa lakas ng impak ng pagkabreak ko tumilapon ako.

At kung minamalas ka nga naman sa putikan patalaga ako tumilapon. >_<

Ano ba naman to .Ang ganda na ng mood ko kanina tapos ito pa ang mangyayari.

"Hoy! Kung maka asta kayo kala nyo sa inyo tong daan! Mga walang puso!.Porket mayayaman kayo!". Sigaw ko dun sa kotseng  papalayo.. Porket mayayaman.

Sa pagkaka alam ko tama naman yung daan na dinadaanan ko.

Humanda talaga yung may ari ng kotse nayun. Magbabayad sya..

Tumayo ako at pinagpag yung damit ko na puno ng putik. Makakapunta pa kaya ako sa Villa Salvador sa ayos na to? E daig ko pang taong grasa nito e.

Malamang hindi.

Buti hindi nasira tong bisiklita ko. Bigay pa naman to ni tatang.

Pag nagkataon talagang hindi ko talaga titigilang hanapin kung sino man may ari nun talagang papalitan ko mukha nya ng aso.

Makabalik na nga lang sa bahay. Mukhang hindi ko din naman na kaya tumulong sa Villa ngayon, bukod sa Maysugat ako, masakit ang braso ko na tumama dun sa bato.

E tetext ko nalang si Tatang na hindi ako makapunta.

Kinuha ko yung Cp at nagtxt… Narealize ko naman na wala pala akong load… pag minamalas kanga naman talaga.,

-____-

Kay langan kung ma text si tatang na hindi ako makakarating baka kasi mag alala yun e.

makikitxt nalang ako kay Sky sigurado akong hindi yun nawawalan ng load, kaliwat kanan kaya mga kaflirt nun.

"Koist, anyare bat puro putek ka? akala ko ba papunta ka sa Villa?" salubong saken ni sky pagkadating ko sa kanila. Pinapasok naman nya ako agad sa bahay nila.

"Yun nanga koist e. kung di lang talaga sa dun walang kwentang may ari ng kotse nayun. Nakarating nasana ako ng Villa ngayon at sana di nangyari to sakin ngayon. ".

"Teka, koist pahiram muna ng cp mo e tetext ko lang si Nang at tang na hindi ako makakapunta, baka kasi mag alala yun.".

Pinahiram nya naman agad ako. Kaya tinext ko agad si Tatang na hindi ako makakapunta dahil nagkaroon ako ng sugat. Gusto nga nya umuwi para alamin kung bakit ako nagkasugat, pero sabi ko nalang na pag uwi nalang nila at hindi naman masyado malala tong sugat ko kunting galos lang namaman., at alam ko naman na hindi basta basta makaka uwi yun kasi darating nga yung apo ni Donya Lucia at Don Juan ngayon.

"Ano ba kasi nangyari?" tanong ni koist matapos kung ma inform sila tatang

" Bigla na lang kasi lumiko yung kotse na nakasunod sakin. Halos muntik nanga ako mabundol nun e ., buti nalang at naka iwas ako agad. kundi kataposan ko na talaga..". Kwento ko sa kanya.

"Ang laki pala ng kasalanan ng Kotse nayun sayo, dahil dun di mo tuloy nakita yung nag iisang apo ng  Salvador.". Gago talaga to akala ko concern to mas inaala la pa talaga nya yung itsura ng apo ng salvador

"Gago! wala naman akong pakialam kung ano itsura noon. at bakit parang sigurado ka na maganda yun ha?"

"Ano kaba. ang ganda kaya ng lahi nila., Tignan mo si Donya Lucia at Don Juan kahit matanda na ay kita mo parin na maganda at gwapo sila nung nasa edad palang natin sila". sabi nya sabay abot ng T- shirt na pinahiram sakin.

"Ewan ko sayo puro magaganda nalang nasa isip mo., Alam mo wala naman yan sa anyo e, nasa ugali yan ng tao..Dyan ka na nga bihis muna ko". kinuha ko yung damit na binigay nya at pumuntang banyo.

Hindi naka lock ang Pinto ng banyo kaya pumasok agad ako. Malaki yung bahay nila pati banyo nila.Medyo may kaya kasi pamilya ni koist e.

Sinimulan kong hinubad yung T-Shirt ko.

Tatanggalin ko sana yung sando ko "Sky ikaw bayan?!." Shit! may tao pala dito?! Bukod kay sky si mona lang naman yun kasama ni sky dito sa bahay nila.

"Sky dito ako naligo nasira kasi yung CR ng kwarto ko e. at pwedi ba ugali in mo naman kumatok paminsan minsan ". Alam kung boses  ni Mona yun. Nasa may bath tub

Putcha! A-anong gagawin ko?!

Ang tanga mo naman kasi Kim bat kasi hindi ka kumatok?!

E malay ko ba, hindi naman kasi naka lock yung pinto..

Para akong tangang nakikipag talo sa sarili ko.

Nakatalikod ako at pinihit ko ng dahan dahan yung door knob aalis na sana ako. Dinig ko naman na gumalaw yung kurtina nung bath tub.

Shit! What am I going to do?!

__________-____-


Pa BITIN muna guys!

ABANGAN NYO NALANG PO YUN NEXT CHAPTER..kung ano mangyayari kay Kim at yung reaction ni Mona.

What a bad Day!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Alipin AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon