Chapter III- ALEX

48 27 0
                                    


"It was hard, loving someone you barely knew, you try to make things work but destiny are not in your favor"

Sinusubukan kong tapusin ang last two chapters ng libro ni Khing C pero kinakalaban ako ng antok. Siguro dahil napagod na din ako sa tambak na assignments. It's been two weeks pero yung feeling ko, parang isang dekada na tong school year na to.

Hindi naman nakabase sa mga assignments na to ang kinabukasan ko pero dito nakabase ang grado ko which is magdedetermine ng future ko.

Paikot ikot lang ako sa kama ko habang nilalabanan ang antok pero makalipas ang ilang oras ay di ko na din kinaya.

I was partially asleep when my phone rang. Si Joy na naman.

Tinitigan ko pa yung screen ko at piangisipan ko kung sasagutin ko ba or magpapanggap na lang akong tulog.

Hinayaan ko lang iyon hanggang sa mamatay. Wala pang ilang minuto ay tumwag sya uli. Wala ako sa ulirat at sinagot iyon.

"Alex?" mahina nyang tawag sakin.

Nahimasmasan naman ako sa tamlay ng boses nya. Ano na naman bang problema nito?

"Oh Joy, anong nangyare?"

"Si Tom, nakipaghiwalay na sakin" mahina nyang sambit hanggang sa hikbi na lang ang narinig ko.

I was never in this situation, so I don't have any idea how to console her.

"Bakit daw ba?" Tanong ko.

Tom was her boyfriend for two years. Mahal nya si Tom at alam kong ganun din ang huli sa kanya. So wala din akong ideya kung bakit sila maghihiwalay.

Instead of answering pag iyak nya lang ang napapakinggan ko.

"M-meron syang iba"

Sagot nya after a long sob.

"Sino daw?"

"Hindi ko kilala at yun ang kailangan kung alamin"
Iyak nya pa. May kunting galit at gigil na sa boses nya. Kilala ko si Joy, mabait sya pero may pagka dominante ang ugali, at pag sinabi nya ay gagawin nya talaga.

Good luck na lang sa third party at kay Tom.





**

Kinaumagahan ay sinikap kong hindi ma late para sana kausapin si Joy, pagpasok ko sa room ay iilan pa lang sa kaklase ko ang naroon. Kinabahan ako ng makita ko si Joy habang kinakausap ni Tom.

Hindi naman sila nagsisigawan pero alam mong seryoso ang pinaguusapan nila, nasa may gilid sila malapit sa bintana, walang nakakapansin sa kanila dahil normal na sa kanila ang sitwasyong iyon, yun nga lang di pa nila alam na nagbreak na ang dalawa.

"Sino ba kasi yun?" Napataas yung boses ni Joy na pati lahat ay napatingin sa kanila.

"Joy, wag dito" awat naman ni Tom sa kaniya.

"Sabihin mo kasi kung sino" gigil na si Joy at nagbabadya na ang luha sa mga mata nya.

Lumapit na ako para awatin sila.

"Joy tama na" bungad ko.

Di nya ako tiningnan pero alam kong alam niyang nandun lang ako para sa kanya.

"Tom alis ka na muna kaya" mahina kung bulong.

Tumango tango pa ako sa kanya para mapilitan na syang umalis. Nakakahiya na yung sitwasyon at ayuko pang dagdagan iyon.

"Magusap na lang tayo mamaya" sambit nya bago tuluyang umalis.

"Okay ka lang ba?" tanong ko kay Joy pagkatapos umalis ni Tom. Ang tanga nung tanong ko pero dahil wala akong masabi ay natanong ko na lang iyon ng bigla.

Law of Attraction- RevisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon