'The greatest thing that could happened to you could also be the..... Saddest'
Ten times ko na sigurong nabasa tong libro ni King C pero iba pa din and epekto sakin. Those words na parang kahit di mo naman napag daanan, para ka pa ding nasasaktan. Ganun sya kagaling mag convey ng emotions through writing, it feels like I was reading his autobiography even though it's fictional.
Anyways malelate na ako para sa unang araw ng klase sa school year na to kaya naman tatayo na ako at itatabi ko na muna ang libro sa bedside table ko.
Hi guys, this is Alex Senior High School Student sa probinsya ng Batangas. Simple lang ako, simple lang din yung buhay ko. Tipikal na gigising para pumasok sa school at para magpasa ng mga nonstop na projects and assignments. First year of being a senior high is a hell, ano pa kaya ang last year? I couldn't imagine.
After a short shower ay nagbihis na ako, nilagay ko muna yung mga libro ko sa bag ko pati na din yung bago kung biling Cattleya notebook bago ko tuluyang ayusing ang buhok ko.
"Huy, Alex kumain ka muna!" bati sakin ni Mama, nasa kusina sya habang nagsasapatos naman ako sa sala.
"Magtitinapay na alang ako Ma! Malelate na ako eh!"
Saka ako kumuha ng pandesal sa may lamesa at pinalaman eto ng mainit init pang scrumbled egg."Eh pano ba naman, nagpuyat ka na naman kababasa mo ng kung ano ano, dapat kasi isa isa lang ang hinihingi mo sa ate mong libro para di ka basa ng basa dyan"
Sermon nya sakin, habang nilalatag nya sa lamesa ang kaluluto pa lang nyang fried rice."Ma, hayaan mo na ako, book worm anak niyo, at isa pa sign yun ng pagiging matalino" katwiran ko pa sabay kagat sa hawak kong tinapay.
Kumuha din ako ng tubig saka uminom ng mabilis.
"Ma una na ako!" sigaw ko pa ng makita kong 20 minutes na lang ang natitira sa oras ko. Kung magbabagal ako ay tuluyang malelate na talaga ako.
Mabilis akong sumakay sa bike ko saka pinandar ito sa kalsada papunta sa school namin.
Nagisispagpila na yung ibang estudyante ng makarating ako, pinark ko lang yung bike ko saka ako nagtungo sa pila ng mga seniors.
"Buti di ka nalate" Bati sakin ni Joy, kaklase at kaibigan ko simula kindergarten.
"Sarcastic mo" inarapan ko na lang sya saka ako pumila sa tabi nya.
"Siguro di naging masaya bakasyon mo no?" pang aasar ko pa.
"Ang saya kaya, buong bakasyon akong nakatengga sa bahay habang sinesermunan araw araw nina Mama dahil sa katamaran ko daw, like kasalanan ko ba kung mas sanay akong mag aral kesa sa mga gawaing bahay?" hindi man ako nakaharap sa kanya ay naiimagine ko kung pano umiikot ang mata nya sa arte.
" Hahahaha, magsipag ka kasi minsan, di puro social media, aral daw? Ulol".
"Huy wag mo akong itulad sayo na halos asawa mo na yung mga libro mo, kulang na lang pumasok ka dyan at maging karakter ka ng isa sa mga pantasya mo"
"Atleast di puro hugot sa fb"
"Atleast di book worm na puro fictional characters lang ang kilala, patawa ka friend na kahit si Zac Efron di mo kilala!"
"Kasalanan ko ba na di sila masyadong sikat na kahit sa libro di sila napadpad?"
"Ewww"
Natapos lang ang asaran namin ng magsalita ang Principal ng school namin para sa short orientation ng mga first year at ng mag start na ang flag ceremony.
Halos kumpleto na yung attendance ng section namin maliban sa isang kulang. Si Sean.
Unang araw late.
Tha hardest guy to deal with. Masyadong aloof sa klase, hindi marunong makisama, laging parang pasan ang mundo, di naman masama ang ugali at tahimik, in short pabibong feeling character sa fictional novel.
Why do I feel na masyado syang feeling na kahit junior pa lang kami ay ang init na ng dugo ko sa kanya. How ironic.
Anyways dumating na din sya with his mock face saka umupo sa pinaka dulong upuan malapit sa basurahan.
Maya maya pa ay dumating na din si Ms Olivarez, advisor ng klase namin. Quick introduction lang para sa ilang subjects nya samin at after nun puro kwentuhan na. Bata pa si Ms Olivarez na kagragraduate lang sa College 2 years ago, kaya naman sobrang light lang ng first day of class namin with her.
Vaccant period namin kaya kumuha ako ng libro saka muli akong nagbasa. Busy naman sa kani kanilang business yung mga kaklase ko. Si Joy, naman ay pagpopolbo ang inaatupag.
Di naman sa pinupuna ko pero ayun si Sean, nakaupo habang nakatulala lang sa hangin. Parang tanga. Walang emosyon basta nakatunganga lang. Hirap basahin ng isang yun.
Sasabay sanang umuwi sakin si Joy kaso pinauna ko na sya dahil may dadaanan pa akong library slash tindahan ng mga libro at ayukong gabihin na kasama sya dahil baka sisihin na naman nya ako pag napagalitan sya.
Isang lumang library sa bandang bayan ang naisipan kong puntahan ngayon. Try ko kung makahanap ako ng pwede kong rentahan or hiraming mga libro.
Luma na yung mga libro sa fictional section pero mga interesting yung mga stories. Nagtrtry akong magbasa ng mga unang pages ng ibat ibang libro at kapag nagustuhan ko ay saka ko ito pipiliin.
Nakaka dalawang libro pa lang ako sa halos isang oras ko, buti na lamang maunti yung mga tao, in short halos solo ko ang pamimili.
Lumapit na ako sa librarian para magpa alam.
"Naku hijo sigurado ka ba na yan lang ang kukunin mo?" tanong ng Librarian na si Mrs, Ramos.
"Opo, magiging masyadong mabigat na po yung bag ko kung magdadala pa ako ng mas marami"
Tumango tango naman si Mrs Ramos.
" O sya bumalik ka na lang sa makalawa tutal malapit ng magsara ang library na to, idodonate na din yung mga ilang libro kaya may apat na linggo ka pang mamili ng kung anong gustuhin mo"
Parang kalembang ng kampana naman sa tenga ko ang payo ni Mrs. Ramos sakin.
"Ay talaga po? Sige po!"
Nagstroll pa ako sa ilang mga bookshelves bago umalis. Napatigil ako sa isa mga bookshelves ng makita ko si Sean na classmate ko habang nag aayos ng ilang mga libro.
Anong ginagawa nya dito?
So mahilig din ba sya magbasa ng libro?
Nagdadalawang isip pa ako kung lalapitan ko ba sya or wag na lang pero dahil di naman kami close ay umalis na lang ako.
Baka sabihin pa nun na ang feeling close ko masyado.
Ng makauwi ako ay nilagay ko sa maliit kong kabinet malapit sa bedside table ang hiniram kong mga libro.
Nagbihis ako at saka sumalampak sa kama at muling nagbasa.
Nagtext pa si Joy ng mga ilang hugot nya pero inisnob ko lang sya. Ang drama masyado.
Authors Note: So ayun nakilala nio na po si Alex, next chapter, another important character naman ang makikilala nyo. Ayieeeee Support support, Don't forget to Vote and Comment your own opinion.
Wag na po yung "Update please" matic na yun eh. Hahahaha anyways mahal ko kayo and keep in supporting.
BINABASA MO ANG
Law of Attraction- Revised
RomansaA story of two individuals with different personality and different views in life. One who never been in love and the other who have loved but never been reciprocated.