Chapter IV- ALEX

35 18 0
                                    

'Sometimes you fall in love with the most unexpected person at the most unexpected time'

Pinaglalaruan ko lang yung manggas ng pantalon ko habang nakaupo ako sa gilid ng pintuan ng library, nasa kabilang gilid naman si Sean.

Walang umimik saming dalwa, dalwang oras matapos naming sumuko sa pagkatok sa pintuan.

Hindi ako makapagcharge dahil walang kuryente, lowbat na din yung phone ni Sean, ending di na din ako nakapag text kina Mama.

Baka nag aalala na yun sakin.

Walang gustong bumasag ng katahimikan.

Hindi ko din naman alam kung anong topic ba yung gusto nyang pag usapan.

"Mahilig ka pala sa libro" halos mapalundag ako sa gulat dahil sa biglaang pagsasalita ni Sean. Kauna unahang beses ata yun.

Di ko alam kung swerte ba ako dahil ako ata ang una nyang kinausap sa tanang magkaklase namin or matatakot ako dahil baka may something sa kanya para makipagusap sya at mag open up sya ng convesation, o baka naman paranoid lang talaga ako. Pake ko ba.

"Ah oo, i-ikaw din p-pala" sabi ko na lang.

Teka bakit ba ako nauutal?

"Ah hindi naman pero kinuugalian ko na magbasa lately"

After nun, tahimik ulit.

"Naaalala mo pa ba ako nung grade 6 tayo?" Tanog nya.

Di ko alam kung ano yung gusto nyang puntuhin. Ang tanda ko magkaklase na kami since grade 6 dahil transferee sya nun. So meaning almost 5 years na kaming magkaklase.

"Bakit anong meron nun?"
Tanong ko.

"W-wala lang."

Odd. Duon ko lang na realize na pamilyar nga sya nun, pero di ko lang matandaan kung san ko nga ba sya nakita bago pa yung unang araw ng pasukan.

Sinikap kung makatulog at umasang pag gising ko ay may magbubukas ng library para samin.











**

"So na lock nga kayo sa loob ng library?" tanong sakin ni Joy for the second time.

"Oo nga eh, paulit ulit"

Nilagay ko sa bag ko yung mga hawak kong libro saka uli tumingin sa kanya.

"At hindi ko din alam kung bakit umabsent sya ngayon"

Kilala ko si Joy at alam kong yung ang sunod syang itatanong.

Napako ang tingin ko sa upuan ni Sean, pero wala sya dun, umabsent sya.

Sa pagkaka alam ko hindi sya mahilig umabsent, teka pano ko nalaman?

Magkaklase po kaya kami. Ba't ba nag eexplain pa ako?

Anyways sinamahan ko na lang si Joy sa canteen para bumili ng merienda. Nakasalubong pa namin si Tom pero di ito pinansin ni Joy, ganun din ang lalake sa kanya.

Law of Attraction- RevisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon