Chapter One: Dream

734 23 5
                                    

A/N: 

Ikaw agad naalala ko for first chapter eh hahha 

dedicated to Freyavida11 sana di ka magsawa sa kakadedict ko 

pramis maglilista na talaga ko XD 

Enjoy Lovelies~ 



"KAHIT na maubos pa ang lahat ng mga babae sa mundo, kahit na kailan hindi kita magugustuhan,"

Iyon ang mga salitang umalingawngaw sa tenga ni Diana bago siya napasinghap at napaayos ng upo.

Parang may kung ano ang pumitik sa sentido niya kaya agad iyong hinilot bago inilibot ang tingin niya sa kanyang work station, nakatulog na pala siya sa lamesa niya nang hindi niya namamalayan, may nira-rush kasi siyang trabaho kaya ditto na siya sa boutique niya nakatulog.

Napapalatak na lang siya saka inabot ang water bottle sa tabi niya at aspirin, magdadalawang araw na kasing siyang hindi nakakatulog idagdag pa ang stress niya nitong mga nakaraang buwan dahil sa pangalawang branch niya ng boutique that was suppose to be managed by Cheska.

But she got pregnant at siya na mismo ang nagsabi na hayaan muna sa kanya ang pagma-manage. Isa pa nakikinita na niya na kukultahin lang siya ni Rey kakaalala sa asawa nito kung hindi pa niya 'yon ginawa.

Pero para sa kanya having a baby is a blessing ang problema nga lang masyado itong pinapamper ng mga kaibigan nila kahit na ba sabihin second baby na nila 'to sa kanilang barkada.

Huminga siya ng malalim saka umayos ng upo at tinignan ang gawa niya. Mukhang saw akas ay na-satisfied na rin niya ang sarili niya kaya siguro hindi na rin nakayanan ng sarili niya at tuluyan na siyang ginupo ng antok.

Mabuti na lang at mag-isa na lang siya sa shop kaya walang magsusumbong kay Cheska at sa Kuya Andro niya na umandar na naman ang pagiging workhalic niya.

Naginat siya sa sarili at tutal naman ilang oras na lang at mag uumaga na ay mas mabuting sa may couch na lang siya matulog, hassle pa kasi kung uuwi pa siya ng condo kahit na ba malapit na lang 'yon.

Isa pa ramdam pa rin niya ang antok niya saka siya natigilan, hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala na napanaginipan na naman niya ang lalaking 'yon at ang kahihiyang ginawa niya sa buhay niya.

Is that actually a sign? Kailan nga ba ang huling nabalitaan niya sa lalaking 'yon? Wala siyang ideya dahil sa totoo lang mas gusto niyang tuluyan na lang itong maging isang madilim na kahapon niya.

Tinapik tapik niya ang pisngi para mawala sa isip niya ang balintataw ng unang lalaking nagpatibog at bumasag sa inosente niyang puso Oo inosente kasi nung mga panahon na 'yon wala siyang ibang alam kung hinid ang mga fairytales na nababasa niya noong bata pa siya.

But life isn't a fairytale where you got your own happy ending just because you found your prince, it's just an illusion where she drown herself into. Kaya naman nang bumagsak sa kanya ang realidad ang laking naging epekto 'non sa pagkatao niya.

But hey, if those things didn't happen to her baka wala na rin siya sa kinalalagyan niya ngayon kaya hayaan na lang past is past, you just need to learn your lesson and move on.

Iyon ang nasa isip niya nnag tinungo niya ang couch saka pabagsak na humiga 'don basta na lang niya ginamit na unan ang throw pillow saka ginamit ang kumot na nakahanda doon para sa kanya.

Hindi nga lang niya akalain na sa paggising niya babaliktad ang mundo niya nang hindi inaasahan.

SINUSUKAT niya ang tela gamit ang medida nang bigla na lang tumunog ang cellphone niya, agad naman iyong inabot sa kanya ng assistant niya. Tinignan niya ang kugn sino ang tumatawag ay agad niyang ibinigaya ng medida sa assistant niya para ipagpatuloy ang ginagawa niya.

"Hello Kuya? Bakit ka napatawag?" nagtatakang tanong niya.

"Bakit hindi ba kita pwedeng tawagan,Yanna?" pinaikot niya ang mga mata.

"Kuya sa dami ng trabaho mo sa kompanya bakit ka magaabalang tawagan ako kung hindi rin lang importante?"

"Fine fine, you got me,"

"So? Ano na nga?" hindi niya maiwasang maitanong.

"He's back," agad na kumabog ang dibdib niya dahil sa sinabi nito.

Kahit na hindi nito banggitin ang pangalan siguradong iisang tao lang ang nasa isip nilang dalawa.

"And?" gusto niyang magmukhang normal lang pero sa totoo lang ay hindi siya makapaniwala na sa loob ng maraming taon akala niya ay hindi na magiging ganito pa ang reaksyon niya sa lalaking 'yon sa tinagal-tagal nilang hindi nagkita.

"Ayaw mo ba siyang makita?"

"Ay nako Kuya, ikaw na lang ang magpakita sa impaktitong 'yon hindi ko ikakayaman kapag nakipagkita ako sa kanya," isa pa alam naman niya sa sarili niya na hindi naman talaga siya nito gustong makita so why bother?

"Pero—"

"Sige na Kuya, kailangan ko nang umalis I still have many job to do and please kung tungkol lang din naman sa kanya wag mo nang ipaalam sa'kin because I'm sure nag anon rin namna ang gusto niya pagdatin sa'kin."

Natahimik ito sa kabilang linya dahil sa sinabi niya. She have her own life to take care off hindi na rin siguro magiging maganda kung basta na lang silang magku-krus ng landas. 

Nadia Lucia 

My Beloved Enemy (PUBLISHED UNDER SKYWARD PUBLISHING HOUSE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon