Chapter Three: Fiancé

500 26 5
                                    

A/N: 

Dedicated to goddess_kim_jisoo 

thank you for voting My Vampire Duke <3 



NADATNAN ni Dina na nagkakagulo ang mga tauhan niya sa Aphrodite pagkarating niya sa umaga. Dahil nasa likod siya dumaan kung saan ang work space ng kanyang mga sastre and designers hinid na kataka-taka kung bakit maraming naglalakihang tela sa may isang gilid mga nakakalat na mannequins and of course mga retasong tela na nakakalat sa sahig.

Ang hindi lang niya maintindihan ay kung bakit wala sa kanya-kanyang workspace ang mga tauhan niya kung saan madalas niyang naaabutan ang mga ito.

"Ladies and half men, aren't you people still have work to do?" nagtatakang tanong niya.

Napatingin ang mga ito sa kanya halatang nananunudyo ang mga mata pero may kung anong pumipigil sa mga ito na sabihin sa kanya kung anong nangyayari hanggang sa daig pa ng mga ito ang red sea na bigla na lang nahati sa gitna.

Doon niya nakita ang isang bouquet ng Red Tulips that were arrange in an exquisite vase.

Napakunot siya sa nakita saka naghihinalang tinignan ang mga tauhan niya na parang patay-malisyang nagsibalikan sa mga pwesto.

Napailing na lang siya sa inakto ng mga ito saka humakbang patungo sa mga bulaklak.

Doon niya nakita ang isang maliit na envelope kung saan niya nakita ang sarili niyang pangalan.

Nagpalingon siya sa magkabilang gilid at nakita niya na nagkakanda haba ang leeg ng mga tauhan niya para lang malaman kung sino ang nagpadala sa kanya ng bulaklak.

Usually kasi Oo may nagpapadala ng bulaklak but it was not address for her rather it was address in her Botique Aphrodite.

Kaya kahit na siya ay hindi maiwasanag magtaka kung sino ang nagpadala 'non. Kaya nilayasan na niya ang mga tauhan niya, rinig na rinig pa niya ang ungol ng mga reklamo ng mga ito nang dinala niya ang vase sa workspace niya.

May malaking wooden board sa isang tabi kung saan usually pinipin niya ang mga designs na nagustuhan niya. May ilang mga papel na nakakalat sa sahig habang ang lamesa niya alam niyang konting araw na lang ang kailangan bago iyon pamugaran ng masamang ispirito.

Pero ano nga bang magagawa niya? Isa niyang eccenticity 'yon bilang isang artist gusto niyang makalat ang buong kwarto niya makalat talaga unless tapos niya sa project niya ay saka lang niya aayusin ang lugar para magkalat lang din para sa susunod niyang design.

Nagkibit balikat na lang siya saka basta na alng hinawi ang mga nakakalat sa sahig gamit ang paa niya saka binaba ang hawak na vase. Doon siya nagpasya na buksan na ang maliit na envelop.

Looking forward to see you

Your Fiancé

Kasunodn 'non ay may address at oras itong inilagay sa likod ng papel kung saan sila dalawang magkikita.

Napabuntong-hininga na lang siya saka napatitig sa mga Tulips, mukhang ito na talaga 'yon at wala nang atrasan.

May maliit na bahagi ng puso niya ang gustong tumutol pero sinasabi ng utak naman niya na eto ang dapat at hindi na dapat siya magdalawang isip. It's her for own good kaya ano pa ang irereklamo niya?

May imahe sa isip niya ang bigla na lang na lumitaw at hindi niya maiwasnag lihim na kastiguhin ang sarili isa pa ano nga ba ang inaarte niya ngayon, yes, noong una ay tumanggi siya pero napagisip-isip din niya wala rin namang mawawala sa kanya if she give this a shot.

My Beloved Enemy (PUBLISHED UNDER SKYWARD PUBLISHING HOUSE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon