#EMC
-trials
Akala ko noong una hindi ko na mahahanap yung talagang para sa akin.
Akala ko hindi na siya darating
Akala ko lahat ng mamahalin ko, iiwanan at sasaktan lang ako.
Pero hindi pala. May mga tao palang pahahalagahan at mamahalin ako kung sino ang totoong ako.
"Misi ko!" he never fails to make me blush :">
Nandito kami ngayon sa field, vacant time kasi namin ngayon at dito namin napiling tumambay.
Nakita kong papalapit siya sa direksyon ko wearing his killer smile
"Misi, kumain ka na?" Misi is short for 'misis'
"hindi pa eh. Ikaw, kumain ka na! Ayokong nagugutom ang Miste ko" and that's it! Napangiti ko na naman ang mahal ko.
Miste is short for 'mister'
"Alam mo Misi, wala akong pinagsisisihan na ikaw ang pinili at minahal ko. You always make me happy in every little thing you do. Mahal kita at patuloy kitang mamahalin."
Unti-unti ng umiinit ang gilid ng mga mata ko..
"Hindi ko inakala na magiging masaya tayo ng ganito.. Ang daming struggles na ang lumipas but still, nandito ka pa rin sa tabi ko at patuloy akong minamahal. Mahal na mahal kita Miste!"
FLASHBACK
"bakla ka! may girlfriend yung tao!" pagsermon sa akin ni Leslie
"I know pero hindi ko alam kung paano 'to pipigilan and besides, he said na makikipag break na siya"
Yes, may girlfriend siya pero sabi niya sa akin na hindi na daw niya mahal yun at humahanap lang siya ng tiyempo.
"but.."
"no but's Les. Alam ko ang ginagawa ko. I trust him" humiwalay na ako ng daan sa kanya
May tiwala ako kay Edcel. Alam kong ako na ang mahal niya..
sana nga ako na talaga.
tut.tut.tut.
biglang nagvibrate yung phone ko.
1 message recieved
Unknown number?
[Mahal na mahal ko si Edcel, alam kong alam mo yan. Binigay ko sa kanya ang buong pagkatao ko kahit na wala nang matira sa akin. Siya ang dahilan kung bakit nagiging masaya ako araw-araw pero alam kong hanggang dito na lang. Nakipag break na siya sa akin. Masaya ka na ba? Mahalin mo siya higit sa pagmamahal na binigay ko sa kanya. Maraming salamat]
I know it's her..
Why do I have this feeling? Bigla akong nakaramdam ng guilt. Nakasira ba ako ng relasyon?
Naramdaman kong biglang may yumakap sa akin mula sa likuran ko..
"Nakipagbreak na ako sa kanya"
Ramdam ko sa boses niya ang kaligayahan
"pero mahal na mahal ka niya" mali ba tong ginagawa namin?
"pero hindi ko na siya mahal, kaya nga ako nakipagbreak diba?" sapat na nga bang rason iyon?
"No. Ayokong isipin ng iba na mang-aagaw ako or sinira ko ang relasyon niyo ni Caroline. Kasalanan ko lahat to eh.."
BINABASA MO ANG
Unknown reason
Short StoryPitong kwento ng mga babaeng umiyak, umasa at nasaktan pero dahil sa di malamang dahilan patuloy na bumabangon dahil sa pag-ibig.