#ENM
"Naka busangot na naman yang mukha mo!" eto na naman si Venice
"wala to." matipid kong sagot
"ano na naman bang problema? Siya na naman?!" awtomatikong lumabas ang mga luha ko nang dahil sa tanong niya..
Oo, palagi akong ganito everytime na nagaaway kami. I'm going to cry and cry hanggang sa suyuin niya ako.
Ano nga bang magagawa ko? Magulo ang relasyon namin eh..
"kapag nasasaktan na, tama na." saad niya bago siya tumalikod
Wala sa isip ko ang bumitaw, mahal ko siya kaya lahat titiisin ko.
Siya na nagiging dahilan ng mga luha ko sa tuwina, siya na hindi ko matiis, siya na nakakapagod mahalin pero in the end, babalik at babalik pa rin ako sa kanya..
"ESRA, SI HAMTO NASA LABAS!" sigaw ng isa kong kaklase. As usual, pupunta siya dito sa classroom para magsorry or what so ever.
No choice naman ako kaya lumabas na ako..
"bakit?" walang gana kong sagot sa kanya
"baby naman" no, hindi ako bibigay agad
Nakita kong nakatingin sa direksyon namin si Venice and she gave me a weak smile. What's with her?
Venice Cabuhat is my bestfriend. She's my human diary.
Pinabayaan ko na lang siya at itinuon ang atensyon sa lalaking kaharap ko ngayon.
"uy baby, sorry na. Na-late lang ako ng gising kaya hindi kita nasundo" he's too cute, hindi ko siya matiis ugh.
"Palagi ka naman kasing ganyan! kapag sa ibang bagay may oras ka, sa akin wala!" Totoo naman eh. When it comes to his friends, mabilis pa sa alas-kwatro sinasamahan niya agad pero kapag sa akin, dadaanin pa sa dahas -__-
"sorry na baby. babawi ako" and he hugged me, hug that makes me feel comfortable.
Nagsasawa na ako
Napapagod na ako
Hanggang kailan ba magiging ganito? Magtatampo ako tapos siya naman susuyuin ako. At dahil hindi ko matiis, patatawarin ko kaagad.
Hindi ko alam ang rason kung bakit ganito. Kung bakit isang sorry niya lang, nagiging tanga na naman ako..
"baby, disco mamaya ah? pupunta ka?" end of the second grading na kaya may celebration at ang theme ngayong buwan ay disco party. But sad to say, hindi ako makakapunta.
"hindi eh. pupunta kami ni mama sa Quezon, dadalawin namin yung lolo ko"
"ah ganun ba? wala pala akong date mamaya" I saw the sadness in his eyes. Kasi naman eh! Bakit ngayon pa kailangan umalis? psh.
"Sorry ah? Nangako kasi kami kay Lolo na pupunta kami.."
"Sige okay lang, ihahatid na lang kita mamaya. Bye! See you later!" and he kissed my forehead. Gosh! Kinikilig ako :">
Hanggang sa mag uwian nakangiti ako at lahat ng kaklase ko ay kinukulit ko.
"Ang hyper mo Esra!" sigaw sa akin ng isa kong kaklase
"Malamang bati na sila eh" singit ni Venice with her cold voice
Ano bang problema nito? Nakakainis na ah?! Hayaan na nga lang!

BINABASA MO ANG
Unknown reason
Short StoryPitong kwento ng mga babaeng umiyak, umasa at nasaktan pero dahil sa di malamang dahilan patuloy na bumabangon dahil sa pag-ibig.