PROLOGUE
Hindi mo alam kung paano nangyari basta bigla mo na lang mararamdaman.
Ganoon nga ba talaga kapag nagmamahal?
Ngingiti pa lang siya, kikiligin ka na
Sa tuwing lalapit siya, tumitigil ang nasa paligid mo
Hindi mo napapansin ang milya milyang distansya niyo sa isa't isa, maparamdam mo lang sa kanya ang pagmamahal mo
Kapag may kasama siyang iba, nagseselos ka pero wala namang masasabing 'KAYO'
Nageexpect ka sa kanya pero sa huli, iiyak ka
Hindi mo naiisip na dahil sa pagmamahal mo sa kanya, nakalimutan mo na ang mga taong totoong nagmamahal sayo...
Talaga bang nagiging tanga ang isang umiibig?
#DDS
-Meeting him
"Mahal, happy 1 year and 2 months! Alam ko na hindi ako perfect boyfriend for you pero I'll promise na gagawin ko ang lahat mapasaya ka lang. Sorry kung nasasaktan kita nang hindi ko alam, pinaghihintay kita ng matagal sa mga text ko, pinapaasa ka sa mga pangakong binibitawan kong hindi naman natutupad. Yung mga bagay na pinagseselosan mo, alisin mo yun kasi hindi healthy yun sa relationship natin. Mahal ko, baby ko, wifey ko, Ikaw lang ang mahal ko wala nang iba. Si God ang center natin kaya alam kong walang makakasira sa atin. I love you Mrs. Donnabel De Salas-Francisco
A sweet text message from him. Kagigising ko pa lang tapos eto na ang mababasa ko what a great morning!
Parang kailan lang..
hindi pa kami magkakakilala
hindi pa kami close
tipong hinahangaan ko lang siya mula sa malayo
pero ngayon siya at ako ay nagkatotoo...
-----
"Ate, wala akong assignment sa Science, kailangan pang i-research yun eh"
nagmamaktol na naman tong kapatid ko, pasalamat siya mahal ko siya eh
"Nako Lovely! Humingi ka ng pera kay mama ako na bahala"
Hay nako! Mahigit isang oras din ang ginugol ko dito sa assignment ni Lovely
"Magkano po lahat?" tanong ko sa tinderang kala mo naman kagandahan duh? -__-
"25 pesos lahat" nagbayad na ako at sabay talikod sa kanya pero may nakabangga ako
Pucha! Hindi kasi tumitingin sa dina.....
ang gwapo niya, maputi, ang ganda ng mata at ang kisig ghaaad!
I don't believe in love at first sight but this time, I really do..
"Miss, yung flashdrive mo" naiwan ko pala doon sa table
that angelic voice of him
"ahh.. s-salam-at" nauutal kong sagot sa kanya
Mabilis akong lumakad papalabas baka isipin niya pa na masiyado akong na in-love sa pagmumukha niya.

BINABASA MO ANG
Unknown reason
Short StoryPitong kwento ng mga babaeng umiyak, umasa at nasaktan pero dahil sa di malamang dahilan patuloy na bumabangon dahil sa pag-ibig.