Prologue

114 2 0
                                    

Kamot dito..

Kamot doon..

Ang katiiii !!!

Grabe !!!! waaaaa !!

Hala !! Nagdugo naa !!

huhuhu:((

Dagdag na naman to sa mga sugat ko. Nakakainis. Hindi ko alam kung anong problema ng balat ko pero talagang naiinis na ako. Napakasensitive! Konting kamot lang magsusugat na. Kainis ! Kaya naman hindi ko hinahayaan na humaba yung mga kuko ko dahil sigurado ako baka isang kamot ko pa lang dumudugo na yung balat ko at may sugat na. Hindi naman ako grabe sa pagkamot. Yun yung pagkakaalam ko.

Nagpunta na kami ni Mama dati sa Doctor at nagpacheck up galing daw to sa aso at alikabok kaya naman kahit love na love ko ang dogs ay pinamigay yun ni Mama sa mga kamag-anak namin. Binigyan naman ako ng gamot ni Doc pero nabutas bulsa namin dahil sa mahal ng gamot Php 1000 tapos halos 1month lang magagamit. Effective naman natutuyo na nga yung iba kong sugat e. Yung tipong papeklat na. Kaso naubos na kaya di na kami ulit nakabili kasi naman ang mahal. Kaya eto yung mga sugat ko nangati na ulit. Minsan nga pag naiirita ako nilalagyan ko na lang ng pulbos, yung pang mukha. Di na siya nangangati pero di naman gumagaling yung sugat.

Eeeeww ba ?? Pero yun ang katotohanan. Hindi naman tayo lahat pinanganak na perpekto. May makinis na balat, yung tipong titignan mo pa lang masasabi mo na agad na wow Flawless ! Minsan nga naiimagine ko kung ano kaya itsura ko kung wala akong mga sugat sugat ? Maganda kaya ako ? Makinis ang balat ? Hanggang imagination ko na lang ata yun kasi bata pa lang ako ganto na ako may mga sugat.

Nung bata ako may mga kaibigan pa ako na nakikipaglaro sakin syempre bata pa wala pa sa isip na nakakadiri yung mga sugat ko saka naka panjama ako lagi kaya di pansin. Pero nung lumaki na ako unti unti na nawala yung mga kalaro ko. Kesyo mahahawa daw sila, kesyo nakakadiri daw. Sus !! Nandidiri lang cla ! Nakakahawa ? E di sana sina Mama at Papa nahawa na sakin.

Pumapasok ako sa skul ng balot na balot. Kumbaga nakajacket ako at nakamejas na mahaba yung hanggang lagpas tuhod lagi buti na nga lang at di ako napagkakamalang masamang tao dahil parang ganun na yung itsura ko dahil sa jacket ko. Nakajacket ako kahit na mainit. Ang dyahe diba ? Tinitiis ko kasi yung mga braso ko may mga sugat na din hindi naman siya super dami pero ayoko na kasi madagdagan at iniiwasan ko ding makamot sila. Pero yung paa ko. Grabe parang sugat na tinubuan lang ng paa. Im not being exaggerated pero tingin ko ganun e. Naawa na nga lang ako sa sarili ko minsan kaya gusto ko na talagang matapos sa pag-aaral para naman mabilhan ko na ng gamot yung mga sugat ko.

Sa skul wala akong kaibigan tawag nga nila sakin galisin e o kaya naman sugat na may mukha. Dati kasi nangati yung paa ko mejo nakamot ko dumugo bumakat sa mejas ko tapos sabi ng klasmeyt ko " uy dumudugo oh" binaba niya pa yung medjas ko. Pagbaba niya nakita niya na ang dami kong sugat. Napatingin lahat ng klasmeyt ko dun kaya simula nun nilayuan na nila ako. Nandiri sila. Para lang naman akong tae. Di nila ako malapitan kasi nandidiri sila.

Minsan kapag may groupings hindi ko na pinupush yung sarili ko na makisama sakanila kasi alam ko naman na yung mangyayare. Mandidiri lang cla. Kinakausap ko na agad yung Teacher ko na mag-iindividual na lang ako kaya naman pumapayag siya. Naiintindihan naman ako ng teacher ko. Alam niya siguro yung pakiramdam ko na nasasaktan ako dahil nandidiri sila sakin. Pero di ko naman ginusto na maging ganto yung balat ko. Mas okay pa nga minsan na ako lang gumagawa sa mga projects or anything kasi atleast i can handle my time di ko need pumunta sa mga bahay bahay nla at mas maayos pa yung gawa ko kasi walang magulo o maingay. Masaya din naman minsan ang pagiging introvert, may sarili akong mundo.

Crush ?? Di uso sakin yun. Kasi sino ba naman magkakagusto sakin? Hello ??? Tignan niyo na lang baka nga pag nakita niyo ako mandiri din kayo sakin. Wala akong crush. Baka di pa pinapanganak. Alam ko na sa sarili ko na tatanda akong dalaga kaya ready na ako dun. Di na ako umaasa na mgakaroon ng lovelife dahil imposible talaga yun. Well, di pa siguro kaya nakakakilala ng babaeng walang crush pero now meron na at ako yun. Abnormal na kung abnormal pero wala talaga akong crush. Oo naman may gwapo dito sa skul namin pero wala e. Wala yung spark kasi siguro mayayabang sila and lahat sila nandidiri sakin. You know the reason.

Ako nga pala si Hillary. Hillary Ganda ! Choz lang ! Hillary Dela Cate. Ang ganda ng pangalan ko no? Hanggang pangalan lang ang maganda sakin kaya okay lang yan atleast kahit papano may maganda pa din sakin. Yung basa pala sa Cate is Kaaaaaati. Ewan ko ba kung san nakuha yung apelyido ko pero talagang match na match sakin kasi lagi akong nangangati. yan din ang asar sakin ng mga classmates ko e. Ewan ko pero sanay na din ako pag tinatawag nila akong " kaaati!! " tapos mag-aact silang nangangati. Di ko na lang pinapansin.

Ang hirap kapag mahirap ka tapos may ganto ka pang problema. Tatawanan mo na lang kasi wala e. Wala tayong magagawa kundi tanggapin kasi wala tayong pangsolusyon sa problema.

Maya maya biglang naghiyawan yung mga classmates ko. Kahit nakaearphones ako rinig ko yung mga nakakarindi nilang hiyawan. May bagong transferee daw at sa section namin mapupunta. Section A ako kahit ganto naman ako may utak ako. Gusto ko rin naman sana makita yung sinasabi nilang transferee kaso wag na lang kasi ayoko makipagsiksikan sa mga taong asal hayop. Parang kakainin kasi nila ng buhay yung transferee lalo na yung mga babae.

Lagi akong nasa last row at walang katabi sa kanan man o sa kaliwa. Kahit saan kami umupo ay pwede. Dahil introvert nga ako I chose to sit at the back kung saan wala akong katabi at walang maingay. Pwede ko pang gawin yung mga gusto ko.

Then suddenly a man sit beside me.

[A/N: hehe ! Annyeong ! Gumawa na naman ako ng story kahit di ko pa tapos yung iba.. Sorry !! Natuwa lang ako ! :)) Napakabusy na kasi e. Pero this december try ko mag-update sa iba. Happy Reading ! ]

Loving HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon