PROLOGUE

39 3 0
                                    

Sisinghut-singhot na naglalakad si Jaydee sa open field ng Yang Gwon University habang kinakalkal ang bag nya. Lahat ng mahawakan ng kamay ay inihahagis nya palabas ng bag. Isa siyang environmentalist, sumali pa nga sya noon bilang aktibista ng isa sa Environmental organization ng YGU, pero dahil sa heartbroken sya ngayon ay wala siyang pakialam kung nagkalat na ang mga basura at iba pang gamit na galing sa bag nya.

"Excuse me, Miss. Bawal magkalat dito."

Agad na nag-init ang kanyang ulo nang makarinig ng tinig ng lalaki na sa likuran niya nagmumula. HIndi na lamang niya ito pinansin at patuloy na kinalkal ang bag niya.

"Miss, ang sabi ko, bawal magkalat dito." Ulit nito.

Nag-angat siya ng tingin at magtitikwasan na sana ang kanyang mga kilay pero agad na natigilan nang masilayan niya ang guwapo nitong mukha. Mukhang suplado, na mayabang na maangas, pero guwapo.

'Baliw! Guwapo lang iyan. Pero certified heartbreaker din! Marami na iyang dinurog na puso.' Paalala niya sa kanyang isip.

Nang makabawi ay pinagtaasan niya ito ng kilay. "Ano ba'ng pakialam mo, ha?"

"I saw you throwing your trashes here. Aren't you even a least bit concerned about your surroundings?" Kunut-noong sita nito sa kanya.

"Hoy. For your information, Environmental Activist ako! Pero heartbroken ako ngayon. Kaya puwede ba, lumayas ka sa harapan ko at baka ikaw ang maitapon ko." Pagtataray naman niya sa lalaki.

He smirked smugly. "Hindi sa'yo o sa lalaking nanakit sa'yo umiikot ang mundo. Walang pakialam ang kalikasan kung heartbroken ka man, hindi iyon excuse. Mali pa rin na magtapon ka ng kung anu-ano dito."

Napasinghap si Jaydee at nanlalaki ang mga matang napatitig s'ya sa binata. 'The nerve of this guy!'

"Yo, King!"

"Hinahanap ka na ni coach, bro!"

Napalingon sila pareho kung saan nanggaling ang mga boses. Nakita niya ang dalawang lalaking pinapanood sila. Ang isa ay nakapamulsa at ang isa naman ay nakataas ang isang kamay at nakangisi.

Napatingin siya sa lalaki at bumaling naman itong muli sa kanya. "Pakipulot na lang ng mga ikinalat mo, Miss. I have to go." He smirked at her again.

Inismiran naman niya ito nang tumalikod ito at nagsimulang maglakad papunta sa mga kaibigan nito. Nakita pa niyang binigyan siya ng makahulugang ngisi ng dalawang lalaki nang tumalikod na ang mga ito para sundan ang mayabang na kutung-lupang guwapong hudyo.

'Akala naman niya perpekto siya. Akala mo kung sinong santo na kunwari concerned sa kalikasan. Fuck boy naman. Yuck!'

"Girl, ang pangit na nga ng panahon, ang pangit pa ng awra mo." Napalingon siya sa nagsalita at napairap sa kaibigan.

"'Wag mo akong binibiro-biro ngayon, Rache. Baka masakal kita ng wala sa oras." Seryosong banta niya dito sabay singhot. Pinahid nya din ang luhang nagbabantang pumatak mula sa mga mata nya gamit ang nakalkal na panyo mula sa bag.

Natatawang itinaas nito ang dalawang kamay tanda ng pabirong pagsuko. "O, easy. Hindi ako ang kalaban. Iyong animal mong ex ang sakalin mo, huwag ang kagandahan ko."

Natahimik silang dalawa sandali habang nasinghut-singhot na naman siya.

Alam niyang liban sa katahimikan ng kaibigan ay nakikisimpatya ito sa wasak niyang puso. "So bakit kausap mo iyong hot fafa kanina?"

Kunut-noong tiningnan niya ito. "Hot fafa?"

"Si Greyson King Lazaro! Duh!"

"Ang epal mo, Rachel Fernandez." Nahampas naman siya nito sa braso. "Aray, ha! Ang bigat ng kamay mo!"

"Mas epal ka kasi! Dapat nakipag-flirt ka na lang kay Fafa King! Para 'pag close na kayo, maging close na din kami ni Fafa JC." Napairap naman siya sa sinabi nito. High school pa lang sila ay crush na crush na kasi ng kaibigan si Juan Carlo Federizo aka JC na tropa naman ni King.

"Mandiri ka nga sa sinasabi mo! Kakagaling ko nga lang sa heartbreak! At kung i-flirt ko iyon, na hindi naman mangyayari, ikakama lang ako ng hayup na 'yun. Yuck!"

"Maka-yuck naman ito! Ang hot niya kaya! At least nadiligan na ang pechay mo, naranasan mo pang maging Queen of Campus!" Parang inasinang bulate ang kaibigan habang humahagikhik.

Inirapan naman niya ito. "Kinikilabutan ako sa ideas mo."

Ilang sandaling tawa lamang ito ng tawa bago sila muling natahimik. Saka siya napabuntung-hininga.

"Rache."

"Yes, bestie?"

"Gusto mong mag-bar?"

Nanlaki ang mga mata ng kaibigan at malapad ang ngiting bumaling sa kanya saka nagpakawala ng impit na tili.

Nanlaki ang mga mata ng kaibigan at malapad ang ngiting bumaling sa kanya saka nagpakawala ng impit na tili

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Lazaro Effect Series: The KING of CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon