Hanggang sa matapos ang buong araw ay nakatitig lang ako sa black leather jacket na ibinigay sa akin kanina ni Victor. Bakit ba kasi ayaw akong tantanan ng Greyson na iyon? Gusto niya yatang bayaran ko pa ang paggamit sa jacket nya. Pero imposible naman. May share ang pamilya nya sa university.
"Aaargh!"
"Huy!" Napalingon ako sa tumapik sa balikat ko. Naupo ito sa kinauupuan kong bench dito sa open-field. "Bakit feeling ko masisiraan ka na ng bait, bakla?"
"Rachel..." Naka-pout at nagpapaawang tiningnan ko ito.
"Tigilan mo nga iyan, Jayde Denerys Samaniego. Hindi na eepekto sa akin iyan." Tiningnan nito at jacket na nasa lap ko at napangisi naman ito.
"Ano ba kasing gagawin ko?"
"Ibalik mo na kasi iyan kay King. Tapos. Ang gusto lang naman nung tao ay ikaw mismo ang magsauli niyan sa kanya."
"Bakit kailangan ako pa? Nagpasalamat naman na ako sa kanya sa bar. Ayokong lumapit sa kanya." Nakasimangot na sagot ko.
"Eh, bakit nga ba?" Tapos sumilay ang mapang-asar na ngiti sa labi ni Rachel. "Crush mo ba si King?"
Nanlaki naman ang mga mata ko, hindi makapaniwalang sinabi iyon ni Rachel. "Ano ba 'yan, Rache?! Alam mo namang hinding-hindi mangyayari iyon."
"Talaga? Hinding-hindi? As in never? Never ever ever?"
"Ewan ko sa'yo!" Tumayo na ako para iwasan na ang panunukso ng bestfriend ko. "Sige na, isosoli ko na 'to kay Mr. Lazaro."
Tumatawang tumayo na din si Rachel. "Go, bakla! Hihintayin kita sa Untitled!"
Tumango na lang ako at naglakad na papunta sa band room. Iniisip ko kung ano ba'ng pwedeng sabihin. Pero wala naman talaga akong masasabi kundi salamat. Hindi naman ako kailangang mag-sorry dahil wala naman akong ginawang masama sa kanya.
Eh, bahala na nga!
Huminto na ako sa labas ng band room at huminga muna ng malalim.
"Jaydee?" Napatingin ako sa kanan at nakita ang nagtatakang mukha ni Yohan Dizon.
Nag-aalangang nginitian ko ito ng bahagya. "Ahm... Yohan? Hehehe.." Naging kaklase ko na rin dati ang pinakamabait na member ng The VIPs sa isang minor subject noong 1st year kaya namankung tawagin nya ako ay parang pamilyar sya sa akin.
"Hinahanap mo ba si King?"
"Ahm..."
Napangiti ito. "Sige, pumasok ka na. Nandyan sya sa loob mag-isa." Akmang tatalikod na sana si Yohan nang pigilan ko sya.
"Sandali!" Napalingon ito nang pigilan ko sya, nakahawak ang kamay ko sa dulo ng t-shirt nya at saktong bumukas ang pinto.
Napatingin kami sa taong lumabas. Napakunoot ang noo nito nang mapadako sa amin ni Yohan. Nakatingin ito sa kamay kong nakahawak sa dulo ng damit ni Yohan na nalukot na dahil sa paggasumot ko dito.
Mabilis na binitawan ko ang t-shirt ni Yohan. Natatawa naman itong nagpapalit-palit ang tingin sa amin ni Greyson. Ano bang nakakatawa? Siguro kaya The VIPs ang pangalan ng banda nila dahil pare-pareho silang may sayad, mga bukod-tangi. Hmp.
BINABASA MO ANG
The Lazaro Effect Series: The KING of Campus
RomanceMeet Greyson King Lazaro, the most popular boy in the university. He is extremely handsome. He is talented beyond belief. He is someone that everyone admires. He is the KING of Campus. He has it all... Or does he?