#3

39 2 0
                                    

"Hi."

Nag-angat ako ng mukha mula sa pagkakasubsob sa librong kunwari ay binabasa ko nang may marinig na baritonong tinig. Awtomatikong tumikwas ang kilay ko nang masilayan ang mukha ng isang seryosong lalaki.

 Awtomatikong tumikwas ang kilay ko nang masilayan ang mukha ng isang seryosong lalaki

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Yes?" Agad naman itong ngumiti nang magsalita ako.


"Uhm..."

Napakamot ito sa ulo nito at nag-iwas ng tingin. "May problema ba?"

"Ah, kasi.. Ano.."

Nakita ko ang pamumula ng tenga nya, miski ang mga pisngi nya ang bahagyang namumula din. "Okay ka lang?"

"Ah... Ha?"

"Namumula ang mukha at tenga mo."

"Ay, shit!" Tumalikod ito sa akin tapos ay humarap ulit. "Sorry, sorry. Hindi ko sinasadyang magmura sa harapan mo, Jaydee."

"Kilala mo ako?"

"We were classmates last semester sa Pol. Sci."

"Ah, oo. I remember you."

Napangiti ito at bahagyang namula na naman ang tenga. May sakit ba sya?

"Anong kailangan mo sa akin?"

Nanlaki ang mga mata nito at nag-iwas na naman ng tingin. "Ah, wala naman.. Actually.. Ano kasi.. Nakita lang kita.. And I.. Wanted to say 'hi.'"

Napangiti ako at namula na naman ang mga pisngi nya. Weird guy. But yes, of course I know. Hindi ko lang akalain na kilala o naaalala niya ako. "Gavin Jack Lazaro?"

Ngumiti ito at umupo sa upuan na nasa harap ko. "Jack na lang. My close friends calls me Jack."

"Pero hindi tayo-"

"Kuya Jack!"

Napatingin kami pareho sa pinagmulan ng humiyaw sa pangalan ng lalaking nasa harapan ko. Naglalakad na ito papasok ng library.

"SHH!" Agad na suway ng librarian sa lalaki. Nangingiting humingi ito ng paumanhin at dumiretso sa table na inookupa ko. Kaunti lang ang tao sa library at karamihan ay mga babae na ngayon ay nakatingin na sa direksyon ko. Paano ba namang hindi?

Nakaupo ba naman sa harapan ko si Gavin Jack Lazaro at naglalakad naman palapit sa amin ang kapatid nitong si Gabryel Ace Lazaro.

Nakaupo ba naman sa harapan ko si Gavin Jack Lazaro at naglalakad naman palapit sa amin ang kapatid nitong si Gabryel Ace Lazaro

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Lazaro Effect Series: The KING of CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon