#1

27 1 0
                                    

"Jaaaydsss! Ano na?! Lumabas ka na nga d'yan!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Jaaaydsss! Ano na?! Lumabas ka na nga d'yan!"

Panay na ang pagkalabog ni Rachel sa pinto ng kwarto ko. Halos isang oras na kasi ako dito sa loob. Sinisipat ang sarili kung tamang bang ito ang isuot ko sa club. Isang sulyap pa at nagpasya na akong lumabas na bago pa gibain ng bestfriend ko ang pinto ng kwarto ko.

"OMYGOOOD! You're hot, bestie!!! Finally, ipinack up mo na din ang Lucy Torres mo! Lumabas na si Gretchen Barreto!" Nagtatatalon at pumapalakpak pa ito, excited na excited sa itsura ko, eh, siya nga itong ubod ng sexy!

"Heh! Ang dami mong alam." Pagsusuplada ko naman dito sabay ngisi na. "Ano? Tara na, nang makarami tayo!"

"Makarami ng ano? Alak o hot fafas?" Nakangising turan nito.

"Alak, syempre!" Natatawang sagot ko saka isinukbit ang maliit na sling bag. Lumabas na kami ng aming shared apartment at siniguradong naka-lock na ang pinto saka naglakad para pumara ng taxi.

Pagdating namin sa club ay dumadagundong ang tunog mula sa loob. Marami ding kakaibang ilaw ng spotlights ang gumagala sa paligid ng club. May dalawang malalaking guards ang nakabantay sa entrance. Muntik pa akong hindi papasukin dahil mukha daw akong minor. Mabuti na lamang at kilala ni Rachel ang bouncer kaya naman nakapasok na rin kami sa wakas.

 Mabuti na lamang at kilala ni Rachel ang bouncer kaya naman nakapasok na rin kami sa wakas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagpasok namin sa loob ay siksikan na dahil nagsasayawan ang mga tao. Halos maipit na kami habang papunta sa main bar counter. Sobrang lakas ng sounds kaya naman nagsisigawan kami ni Rachel habang magkasunod na nakikipagsiksikan sa mga tao. Nang makarating sa bar counter ay naupo muna kami sa stools na magkatabi.

"Rache! Grabe! Ang daming tao!" Sigaw ko rito habang ito naman ang umo-order ng cocktails namin.

Humarap ito sa akin at iniabot ang isang glass na may lamang pulang likido. "Don't worry, safe tayo dito! Pinsan ko iyong isang bouncer dito."

Tumango na lang ako at sumimsin sa basong hawak ko. I grimaced as the liquid flows down my throat. "Yuck! Rachel Fernandez! Ano ito?!"

Nginisihan naman ako nito. "Bloody Mary!" Lumagok din ito mula sa baso nitong may pale green na kulay. "Beshybels, pinagtitinginan tayo kanina pa ng mga fafabols!" Lumapit ito upang maibulong sa tenga ko.

The Lazaro Effect Series: The KING of CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon