"Serena, come here baby!" Sabi ni Mommy habang ako ay nakikipag-usap sa aking mga kaibigan.
Sabi ng iba sa akin, masuwerte raw ako at nakukuha ko ang mga gusto ko. Syempre mayaman daw ako. Pero para sa akin, ang mga natatamasa ko ay kayamanan lamang ng mga magulang ko. Wala pa akong napapatunayan.
At the age of 5, my mommy race me to be a prim just like what other richest people may be. Kailangan na kapag nakipag-usap ako sa ibang tao ay mahinhin at my sense of humor. Sa hapagkainan naman, kailangang dahan-dahanin ang pagkain.
Naalala ko pa nung apat na taon ako, wala akong pakialam sa ibang bagay. Basta't masaya lang ako, ayos na. Hilig ko pa non ang maglaro sa putikan habang umuulan, maghabol-habulan at kumain ng marami. Madaldal din ako. Hihi kung kaya't nairita si Mommy at tinuruan ako ng what you call "proper ettiquette" ng mga mayayaman.
Habang papalapit ako kay mommy, naaninag ko ang isang bata malapit sa may chocolate fountain. Sarap na sarap siya sa kaniyang kinakain na akala mo walang taong nakatingin sa kaniya. May mga kasama siyang wari ko'y kasing edad din niya. Nainggit ako sa pagiging masaya nila. Yung feeling na masayang walang inaalala. Hayss.
Bago pa ako makapag-isip ng mas malalim ay lumapit na ako kay mommy, baka pagalitan pa niya ako.
"There you are!" ani mommy.
"Antoinette, I'd like you to meet my daughter, Serena." Pakilala sa akin ni Mommy.
Agad ko namang nginitian ang ginang.
"Wow! I don't know you have a beautiful daughter Flor." Sabi nito sa aking mommy.
"Ano kaba naman Antoinette, syempre nagmana sa akin, ano pa nga ba?"
"Sabagay." Wika nito.
Mommy Flor is not my real mother. Sabi ni daddy. Bata pa lamang ako ay namatay na ang aking tunay na ina. Sa edad na 3 ay muling nag-asawa si daddy kung kaya't nakalakihan ko nang mommy si Mommy Flor.
Mabait naman sa akin ang mommy. But there are times na she's very strict lalo na kapag nakaharap ako sa maraming tao. Kailangang pulido lahat. Walang labis, walang kulang. Pero kahit ganun si Mommy ay Mahal na Mahal ko siya at itinuring ko siyang parang tunay na ina.
Ngunit sa isang banda, naisip ko rin ang aking tunay na ina. Sabi ni daddy ang pangalan daw niya ay Serene Villegas. Napakaamo raw ng kaniyang mukha kagaya ng kaniyang pangalan. Una pa lamang daw na nakita ni Daddy si Mommy ay na love at first sight na raw ito because you would feel the calmness and peacefulness in her aura. Ang Daddy kasi ay isang Engineer at ang Mommy naman ay isang guro sa pampublikong paaralan.
Serena naman ang ipinangalan sa akin upang maging hawig sa aking ina. Kamukha ko raw kasi siya sabi ni Daddy.
Even though I don't saw her while growing, deep inside, she has a place in my heart because she is my real mother and I love her.
"Diba, you have a son, Antoinette? Where is he?" Tanong ni mommy sa gitna ng kanilang pag-uusap.
"Naku Flor, I don't even know where he is. Nandito lang siya sa tabi ko kanina." Sabay lingon niya upang hanapin ang kaniyang anak.
"Oh? There he is." Sabay sabay pa kaming napatingin sa gawing tinitingnan ng ginang.
May tinawag ang ginang sa kaniyang likuran.
"Please call him and get him here." Yun lang ang narinig ko sa kanilang pag-uusap.
Habang hinihintay namin ang anak ng ginang ay napatingin muli ako sa gawing chocolate fountain at kung san nakatingin ang ginang kanina. Nakita ko pa rin ang lalaking nagsasawsaw na ngayon ng marshmallows sa fountain at sarap na sarap sa kaniyang kinakain habang nakikipagtawanan sa mga kasama. Napangiti ako sa nakikita. Sana ganiyan din ako kagaya niya. Na walang iniintindi, basta't masaya lang.
YOU ARE READING
Untangled Past
RomanceSerena has only one dream, to make her as herself, the way she wanted to be herself but, there are times that life has to give you many tragic problems that leads Serena to regret her decisions. There are certain people who would show you the right...