KABANATA 3

0 0 0
                                    

"San na kaya ako maghahanap neto?"

Tanong ko sa sarili ko nang makalabas sa canteen. Nagpasya muna akong maglakad-lakad,  baka sakaling makahanap ng inn, hotel o kahit ano na puwede ko munang tulugan pansamantala.

Nakakaramdam na ako ng matinding pagod sa tagal kong nagpalakad-lakad. Kung minamalas nga naman, dahil hindi rin ako pamilyar dito at medyo may pagkaliblib ang lugar,  mahirap makahanap ng inn o kaya hotel man lang.

"Pagod na talaga ako." Nasambit ko na lamang sa sarili ko.

Sa 'di kalayuan,  nakakita ako ng bench kaya naupo muna ako.

"Hayy,  salamat." Sambit ko na lang. Ipinikit ko muna ang mata ko habang nakasandal sa upuan.

Habang inienjoy ko ang pagpahinga, nakaramdam ako na may umupo sa tabi ko. Nanginig kaagad ako sa takot.

Baka tao naman yan na nakiupo lang sa tabi ko? O kaya puwede ring hindi. Baka patayin ako o irape!" Sabi ko sa isipan.

Ayokong buksan ang mata ko. "Lord please, makaalis lang talaga ako rito ng ligtas, malaki nang tulong sa akin." Tiimang dasal ko.

Dahan-dahan na sana akong aalis habang nakapikit ang mata nang magsalita siya.

"Mukhang pagod na pagod ka." Sabi nang boses na narinig ko.

In fairness mukha namang mabait siya kasi mahinhin ang boses at tiyaka boses babae ang narinig ko! Salamat lord at hindi rapist. Pero baka magnanakaw? OMG natatakot ako!

Napansin niya siguro na natatakot ako kaya nagsalita ulit siya.

"Huwag kang matakot, hindi naman ako masamang tao. Nakita kasi kita na mukhang pagod na pagod. At tiyaka sa tagal ko na rito, hindi pa kita nakikita rito kaya alam kong bagong salta ka. San ka ba nakatira?" Sabi nito habang nakapikit pa rin ako.

Ayaw ko sanang sagutin kaso may parte sa akin na gustong tingnan siya at sagutin. Kaya napagdesisyunan kong imulat ang mata ko, tingnan at sagutin siya.

Pagmulat ko ng mata, napansin ko na ang magaganda niyang mga mata. Mahaba ang kaniyang pilik-mata, at animo'y nangungusap ang mga tingin nito. Maamo rin ang kaniyang mukha. She seems harmless naman. Disente ang kaniyang pananamit,  maalon ang dulo ng kaniyang buhok at may kaputian ang balat.

"Pasensya na, hindi kita agad nasagot. Natakot kasi ako." Mahinang sambit ko.

"Oo bagong salta lang ako,  ikaw ba? Matagal ka na rito?" Balik na tanong ko sa kaniya.

"Oo"  ngitinngiting sambit niya. "Dito na ako pinanganak at lumaki. Kaya kabisadong-kabisado ko ang lugar na 'to. Bakit ka nga pala napadad dito? May kamag-anak ka ba na tinitirhan malapit dito?"

"Ano ba naman to? Tanong ng tanong?" Miing tanong sa isip ko. Para  hindi mapansin ang totoo kong kalagayan,  kailangan kong mag-isip ng magandang sagot.

"Wala akong kamag-anak dito. Nagbabalak kasi akong magbakasyon,  nakita ko ang lugar na ito sa internet kaya dito ko naisipang magbakasyon." Agad na sagot ko. Totoo namang wala akong kamag-anak dito kaso kailangan ko talagang gumawa ng istorya para paniwalaan niya ako. Walang dapat makaalam kung sino ako at kung 'san ako galing.

"Talaga? Nakakapagtaka naman,  masyadong liblib ang lugar na ito para pagbakasyunan mo?"

Kinabahan ako, sana 'di niya mahalata.

"Pero anyways, may maganda naman talagang dagat dito. Pero 'dipa naman siya gaanong kilala kasi tago lamang ang dagat na ito at iilan lang ang nakaaalam. Baka nga naging sikat na rin ang lugar namin dahil may mga bus stop dito." Pagkumbinsi niya sa sarili niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 01, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Untangled PastWhere stories live. Discover now