"Bus stop po tayo! Bus stop!!!"
"Yung mga iihi po jan o may bibilhin ay puwedeng bumaba mamaya!"
Naalimpungatan ako dahil sa ingay na nagmumula sa konduktor ng bus. Agad akong umupo ng maayos ng mapansin ko ang puwesto ko habang natutulog. Paano ba naman kasi, halos ukupado ko na ang pandalawahang upuan malapit sa likuran! Nakataas pa ang paa ko habang mahigpit ang hawak sa bag na dala-dala ko. Nakakahiya.
"Sige puwede nang bumaba! Kinse minutos lang ang ibibigay na oras kaya bumalik kayo rito kaagad!" Sabi ng driver.
Bago ako bumaba ay nagtanong muna ako sa driver kung nasan na ba kami.
"Manong puwede po bang magtanong?"
"Sige, ano yun?"
"Nasaan na po tayo?"
"Ah nasa Palo na tayo."
"Malapit na po ba ito sa Cebu?"
"Oo ineng, mga isang oras na lang ay nandun na tayo."
"Ganun po ba. Sige po maraming salamat."
Ngumiti na lamang si manong at bumaba na. Sumunod na rin ako sa kaniya.
Pagbaba ay napansin kong malapit pala ang mini canteen na ito sa dagat. Napagtanto kong napakalayo na pala ng narating ko, mula sa mga nagtatayugang gusali sa Maynila hanggang sa puro punongkahoy na lamang ang nakikita. Nasiyahan ako sa tanawing nakita. Para akong nasa lugar na payapa at walang gulo.
Dumiretso na ako sa canteen para kumain. Sa sobrang kaba ko kanina, 'diko napansin na nagugutom ako. Ngayon ko lang napansin nung tumunog na ang sikmura ko matapos makita ang maraming pagkain.
Agad akong pumila at bumili ng makakain. Sa pinakadulong parte ako ng canteen kumain para walang makakilala sa akin. Gusto ko lamang makasigurado.
Naisip ko lang na okay na siguro na dito ako bumaba. Kasi kung nagpunta na siya roon ay malamang alam na niya kung saan ako pupunta kaya mas mainam kung hindi sa mismong lugar ako bumaba. Maghahanap na lang din ako ng trabaho rito.
Kaya nang papaalis na ang bus ay 'di na ako sumakay at nagpasyang magpaiwan na rito.
Agad akong bumalik sa canteen para magtanong kung puwede ba akong mag-apply na kusinera o tagatinda. Kahit na lumaki akong marangya, may alam naman ako sa mga gawaing bahay.
"Magandang hapon po." Bati ko sa babaeng nakita ko sa counter.
Hindi ako pinansin ng tindera kaya tinawag ko ulit siya.
"Manang magandang hapon po. Puwede ho bang magtanong?"
Hindi pa rin niya ako pinansin kaya kinalabit ko na lang.
"Manang? Puwede pong magtanong?" Sabay kalabit.
Mukha siyang nairita nang humarap siya sa akin.
"Ano ba? Bakit ka ba nangangalabit?" Tanong ng tindera sa akin.
"Puwede po bang magtanong?" Ulit ko na naman.
"Ano?" Sabi nito na siyang nagpapairita na rin sa akin.
Magsasalita na sana ako nang may nagsalita sa likuran ko.
"Bingi si Manang Lydia kaya 'di ka niya maiintindihan." Sabi nito.
Hindi ko alam kung ako ba yung pinagsasabihan niya pero base sa tono ng pananalita at sa salitang binibitawan niya, mukhang ako nga ang pinagsasabihan niya.
"Man....."naputol ang sana'y pagkausap ko ulit kay manang nang magsalita ulit siya.
"May nakikita ka namang papel at ballpen diyan sa harap mo di ba?Kung ako sa iyo, isulat mo na lang ang sasabihin mo kasi tiyak na dika papansinin niyan." Dagdag niya.
YOU ARE READING
Untangled Past
Любовные романыSerena has only one dream, to make her as herself, the way she wanted to be herself but, there are times that life has to give you many tragic problems that leads Serena to regret her decisions. There are certain people who would show you the right...