YVONNE'S POV
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit napasali ako sa 'Royal Bloods' o 'The Eximiums' o kung ano mang tawag nila sa grupo nila.
Unang-una, wala akong dugong royalty. Pangalawa, hindi rare ang kapangyarihan ko. Dahil ko lamang magpalutang at magpa-galaw ng mga bagay-bagay. I'm so sure na may ibang kayang gumawa rin no'n. Buti nalang nakokontrol ko na. Si Leigh lang at Trave ang nakakaaalam. At PANGATLO, hindi talaga ako royal blood kahit anong angle ko tignan. Maliban na lang kung long lost princess ako. Kagaya ng mga nababasa ko sa libro.
Buti pa ito nakokontrol ko na, pero 'yong isa kong kapangyarihan 'di ko magawang kontrolin.
Pagtapos sabihin 'yon ni Anne na isang linggo na rin ang nakalipas. Napaisip ako bigla. Magtatanong sana ako kaso no'n kung bakit ako kasali kaso nagpaalam sila bigla na kailangan na nilang bumalik dito sa dorm. They said they're going to take some breakfast. Naiwan na lang kami ni Leigh at Trave.
Tatanungin ko nga rin sana si Leigh pero binigyan niya lang ako ng 'I don't know too. Don't ask me.'-look.
Kaya si Trave ang tinanong ko. Sabi niya, "Hindi ko din alam, Yvonne e. Hindi rin naman kami Royal Blood pero kasali kami sa grupo ng Royal Bloods. Royal Bloods talaga ang original na pangalan pero dahil samin, They call us 'The Eximium florem rara'. Inshort, 'The Eximiums' means 'The rarest of the rare'. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan pa nila ibahin 'yong lenggwahe pwede namang simpleng english nalang. O pwede rin na 'The Elementalists'.".
May point din naman si Trave. Pero hindi ko alam kung bakit kasali ako sakanila? Wala akong kapangyarihan na isa sa mga elements. Unless, sinabi nila Leigh? At ibig sabihin Si Anne ay prinsesa at 'yong dalawa, ay prince?
"YVONNE! THE F*** ARE YOU DOING?! MALA-LATE NA TAYO AND YET, YOU STILL MANAGE TO DAYDREAM?!" Parang lalabas na ang eyeballs ko at ang puso ko dahil sa sigaw ni Leigh. Nakakagulat. Badtrip. Ayoko pa naman sa lahat 'yong ginugulat ako. Pero papalagpasin ko ngayon dahil kasalanan ko naman.
First day of school pala namin. Pero mala-late na kami. Nakalimutan ko kasi kaya hindi ako nag-alarm. Hindi ako tumitingin sa kalendaryo dahil busy ako kakatulog at kakaisip. August 3 ngayon. Pero sa lugar na tinirhan ko, June ang pasok. Hindi ko nagawang itanong kala Anne dahil nung sinabi nilang mag-brebreakfast sila hindi na bumalik. Sabi ni Leigh, baka nasa palace daw nila. Daig pa nila mga ghoster.
Sumaglit lang daw sila dito no'n para makilala ako. Wow, effort.
"YVONNE! LET'S GO! DID YOU PUT SOME GLUE ON YOUR ASS AT HINDI KANA MAKAGALAW? O SINAPIAN KANA DYA'N?!" Napatingin ako ulit kay Leigh na magkasalubong ang kilay. Mukhang badtrip na badtrip 'to. Hindi pala mukha, badtrip talaga.
Namumula na ito. Tamad siya magsalita pero madaldal pag nagagalit. Gusto ko sana siyang pilosopohin at sabihin na, 'Bat ka galet?' Kaso baka hindi siya makapag-timpi at tanggalan pa ako ng OXYGEN. Mabilis pa naman 'to si Leigh mairita. Magkakaklase pala kami. I mean, kaming 'The Eximiums'. Err
Hinila ako ni Leigh nang nakita niyang hindi ako sumagot. Pinagtitinginan kami ng ibang students habang nadaan kami dito sa hallway. Parang normal lang silang istudyante dahil wala kang makikitang gumagamit ng kapangyarihan. Ang ibig sabihin lang nito, HINDI KAMI LATE.
Tumingin ako sa wristwatch ko na may mickey mouse na design. Ang cute talaga. Oo na. Ako na ang isip bata. 9:30 A.M na pala. 9:50 pa ang pasok namin.

BINABASA MO ANG
Lux Academy(On-going)
FantasySaan nga ba talaga belong ang taong katulad ni Yvonne? Tara't tuklasin ang mga adventure ni Yvonne. Pagdating niya ay katumbas ng pag-asa din ng Lux Academy.