🔹Chapter 1🔹

206 11 0
                                    

*edited and revised*

YVONNE's POV

*BLAAAAGGGGG*

Napabangon ako sa isang malakas na kalabog ng.....pintuan?

Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko at nakita ko si Leigh. Hinihingal ito habang nakahawak sa dalawa niyang tuhod. Bahagya pa itong nakayuko.

"Leigh?" Kunot noong tawag ko sakanya. Anong ginagawa niya dito? Hating gabi na ah?

Bat mukhang pagod na pagod siya?

Maya't maya lang pumasok ito at sinara ang pintuan ko. At nagmamadaling hinila yung mini sofa ko at hinarang niya sa pintuan.

Pagtapos non, bumaling ang tingin nito sakin. Taas baba parin ang balikat niya. Nang makabawi ng hininga, naglakad siya papunta sakin. Her eyes are tired. At bakas sakanya ang takot at pag-aalala.

"Pack your things, Yvonne. We need to go." Kalmadong pagkakasabi nito pero halatang nagmamadali parin. Balisa ito.

Pabalik-balik ang lakad niya. Tapos ang lalim ng iniisip. Nahihilo na ako kakahabol ng tingin sakanya.

"Where are we going? What the hell happened? Gabi na. Anong ginagawa mo dito? Ba't parang balisa ka?" Naguguluhan kong tanong.

Bakit niya ako pinagiimpake? Ano bang nangyayari?

Masama akong tinignan nito, "Mamaya kana magtanong. Ipapaliwanag ko mamaya sa-"

*/BLAAAGGGGGG

*/BOOGGGSHHHHH

*/BLAGGG

Napatigil sa pagsasalita si Leigh ng may sunod-sunod na kumalabog galing sa baba namin? Parang may nagdadabog don. Baka si Auntie?

Napatingin ako kay Leigh. Parang lalo itong nabalisa.

"Pack.your.things.up. yung mga importante lang. Bilisan mo." Awtorotibo nitong utos.

Kahit naguguluhan ako, tumayo ako at kumuha ng backpack na walang laman.
Kumuha ako ng mga damit, at cash.

Ewan ko, may part sakin na kailangan kong sumunod sakanya. Parang may masamang nangyayari sa baba. Nararamdaman ko.

Pagtapos no'n nagjacket ako dahil naka spaghetti strap lang ako. Yun lang dahil naka pajama naman ako. Sinuot ko na ang backpack ko.

"Saan ba tayo pupunta ha, Leigh?" Kunot noong kong tanong. Gulong gulo na talaga ako.

Anong nangyayari? Asan si Trave? Si Auntie? Ba't may mga kumakalabog sa baba?

"Sh*t. Papunta na sila dito. Tara na." Agad akong hinila nito papunta sa banyo....ko dito sa kwarto? What?!

"Wag ka ng magtanong, Yvonne." Sabi nito pagkapasok namin ng banyo. Agad niya itong nilock. Napatingin ako sakanya, nakayuko ito at nakahawak sa kamay ko. May binubulong siya.

Maya-maya lang, tumingin ito saakin at pinitik ang noo ko. Bigla akong nakaramdam ng hilo at unti-unting dumilim ang paningin ko.

----

Nagising ako may naririnig akong mga nag-iingay. Pero hindi ko minulat ang mga mata ko. Pinakaramdaman ko lang sila. Alam kong nasa ibang lugar ako at MUNDO.

Pano ko nalaman? Nanaginip ako kanina. Someone told me.

Dalawang babae, at tatlo na lalaki. Alam kong si Leigh at Trave yun dalawa sakanila. Kabisado ko na ang lakas at amoy ng aura nila. Kaya alam kong sila talaga 'yon.

Lux Academy(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon