🔹Chapter 2🔹

89 6 0
                                    

YVONNE's POV

"Yvonne, anong powers mo?" Napatingin ako kay Jorus dahil sa tanong niya.

Biglang sumeryoso ang mukha ko. Curious na curious ang mata niya. Pati na rin pala si Anne at yung lalaking na mukhang tamad din magsalita. Bagay sila ni Leigh.

Sasabihin ko ba? Sila Leigh at Trave lang nakaalam ng totoong ako.

"I don't have one. Ability lang ang meron ako." I lied. Hindi ko muna pwede sabihin. Malalaman niyo rin. Pero hindi ngayon.

Kailangan ko munang kontrolin ito. Baka matakot sila pag nalaman nila kung anong klaseng kapangyarihan ang meron ako.

"Ah. Hehe. Oo nga. Telekinesis diba?" Awkward na sagot ni Jorus. Tumango ako.
At ngumiti ulit. Syempre. Para kumbinsido sila. So, they won't think that I'm lying.

"She can fly, and make things move using her mind. Telekinesis at paglipad ang ability niya." Dagdag ni Trave. Na parang proud na proud pa. Sana ol proud.

Nakakunot ang noo ni Anne, Jorus, at nung lalaking tahimik din. Why? Is there something wrong with my ability?

Binigyan ko rin sila ng nagtatakang tingin.

"T-That's cool! Pareho kayo ni Drex!" Sigaw ni Anne. Kaya napatingin kaming lahat sakanya. Tinakpan niya ang bibig niya. At nag peace sign.

Who's Drex? Pareho kami ng ability?Telekinesis or Flying?

"Hoy, Drex! Wala ka bang balak makipag-kilala kay Yvonne?" Sigaw ni Jorus doon sa tahimik na lalaki. Ah. Siya pala yung Drex.

Napatingin ako dun sa Drex. Napatingin din ito sakin na parang binabasa ako at seryoso ang mukha nito. At parang nag-dadalawang isip pa kung magpapakilala siya.

Well, Okay lang naman sakin kung ayaw niya. It's not a big deal. Di ko siya pinipilit.

Pagtapos nitong tumingin saakin, ay naglakad ito paalis. Oo. Aalis siya. Hindi manlang siya nag-abalang magpakilala.

As i've said, I don't care. Bahala siya. Alangan namang pilitin ko? Namin?

"He's Drexler Silvestri. Ewan ko ba doon. Biglang tumahimik nung dumating ka. Ang hilig nga rin mang-asar non." Kamot ulong sabi ni Anne.

So, ako pala dahilan kung bakit tahimik ang isang 'yon? Hindi kaya...

Hindi kaya natahimik siya dahil sobrang ganda ko? Na, hindi niya kinaya ang ganda ko? Wag niyang sabihing... He's a gay?!

'You're crazy. What a stupid human'

Napailing ako dahil kung ano-ano iniisip ko. At kinakausap ko pa ang sarili ko.

Nakaka-frustrate naman itong utak ko. Badtrip. Baka naman 'di niya lang gusto ang presence ko kaya tahimik siya?

"Ha? Ah. Ganon ba? Baka hindi niya gusto ang vibes ko?" Nagtatakang tanong ko kay Anne.

"Baka nagagandahan sayo, Yvonne?" Biro naman ni Jorus. Na may pagtaas-taas pa ng kilay.

I smirked.

"Shut up, Jorus. Close kayo? Para biruin mo siya ng ganyan?" Iritadong tanong ni Trave kay Jorus. Nakatingin lang kaming tatlo kay Trave at Jorus.

Wow. Parang sinasabi naman nito ni Trave na di ako totoong maganda. Nang-aasar ba siya?

Palipat-lipat ng tingin si Anne kay Trave at Jorus dahil napapagitnaan siya nito. Kung kanina nakangiti siya ngayon hindi na maipinta ang mukha niya. Ikaw ba naman maging katabi ng maingay?

Lux Academy(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon