🔹 Chapter 5🔹

37 4 5
                                    

"Tebris or Dark Magicians, people who uses black magic, at mga taong sumasamba sa masama. Ang tawag sa sakanila dito sa Medeis World. There are only 3 kinds of Tebris. Ano yung pang una, Miss Tyché?" Sir Chris asked Anne na natutulog.

Biglang napaangat ang ulo ni Anne. Nagkusot-kusot pa siya ng mata bago tumayo.

"First, is called dark souls. They're only a dark mist who wears a black cloak they look like kamatayan nga e kulang nalang ng axe. They're also the most fragile tebris but don't understimate them, they're good at dodging and hard to catch. The only way to kill them, is to predict their next attacks." She yawned after explaining at bumalik na sa pagkakaupo.

Ayon ba 'yong sumanib kahapon?

Napatango-tango si Sir. "Nice Answer, Miss Tyché. And what's the second one, Mr. Matias?" Tanong naman niya kay Jorus.

"Luh, Sir. Ba't ako?" Jorus complained. Our teacher glared. "Joke lang, Sir. The second one is called The Dark Generals. They're only three but strong and 2x bigger on an average human size. Sila ang heneral ng hari ng Vindi Kingdom. So, far wala pa kaming nakakalaban na heneral nakikita ko lang sila sa libro ng history. Walang nakalagay kung pano sila makipaglaban. At ano ang kahinaan nila." Sagot naman ni Jorus at umupo na may ngiti pa sa mga labi.

Naririnig ko lang pero nararamdaman ko na nakakatakot sila at malakas at Vindi Kingdom? 'Yon pala tawag sa tinitirhan ng mga tebris. Shala, may pa kingdom.

"Good answer, Mr. Jorus but i'll deduct five. And the last one? Hmm Ms. Redfox?"

"The last one is called Rex of Tebris. The king who are currently rulling the Vindi Kingdom. The creator of dark souls. He's the most powerful Tebris. He can manipulate your soul and hypnotize you." Walang ganang paliwanag ni Leigh at umupo.

Interesting..

"Thank you, Miss Redfox. Sa Friday na pala tayo mag-quiz. But I'll give you an assignment. Make an essay about your thoughts in Medeis World. Class Dismissed." Pagkasaad niya at walang sabi-sabing lumabas ng room.

Damn! Nakalimutan ko itanong 'yong about sa treasure na sinasabi nila. Di bale nalang, magbabasa nalang ako kahit tamad ako magbasa.

Hays. 2hours ulit na Vacant. Three subject lang pala meron kami. History, P.E. at Training. Tapos isang oras lang kada subject. Ewan ko ba kay Sir Chris dami niya pang natitirang oras tas saglit lang magturo.

"Kung 3 lang ang subject natin, paano kayo natuto sa ibang subjects? Like english, filpino and math?" Wala sa sarili kong tanong at humarap sakanila na nakatulala.

Napatingin silang lahat sakin. Bakit? May mali ba sa tanong ko?

"Ordinary School. Kailangan muna naming mag-aral sa mundo ng mga normal people bago kami mag-aral dito. High school lang ang tinatapos namin." Sachi answered sabay tawa. Huh? Anong nakakatawa?

"Anong grade naba natin dito?" Tanong ko ulit. Curious na curious nako.

"Wala. 4 years tayong mag aaral dito. Well, parang college na rin pero walang tawag. Magulo, Yvonne eh." Si Anne naman ang sumagot. Napatango tango ako.

"Last question, pagtapos mag-aral anong gagawin natin?"

"We will have our freedom. Kahit anong gusto nating gawin pwede na." Si Sachi ulit ang sumagot. Kaya tumango ako ulit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lux Academy(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon