CHAPTER 3

512 17 0
                                    

5 YEARS LATER.....

"Oh, ready ka na ba anak for your exam?" Masayang tanong ni Faye kay Rosie habang tinatali ang buhok ng kanyang anak.

"Yes,Mommy ! " masiglang sagot naman nito. "Im sure makaka perfect nanaman ako sa exam!"

"Wow, ang galing naman ng baby ko. Sige baby, kapag naka perfect ka sa exam magpapasalubong ako ng donuts sa sahod ko." Pangako ni Faye sa anak.

"Yey! Donuts donuts donuts!!!" Masayang sigaw ni Rosie habang sumasayaw sa tuwa.

"Oh, bilis na anak baka malate si mama" yaya nya sa anak saka dinampot ang backpack na nasa ibabaw ng mesa.

Ihinatid ni Faye ang anak sa school at sya nama'y dumiretso sa kanyang trabaho.

Supervisor si Faye sa isang Hardware store sa Shangri La Mandaluyong. 3 years na sya doon na nagsimula muna as a promodiser at ngayon nga ay Supervisor na. Di man kalakihan ang sahod nya ay sapat na sa kanila iyon ni Rosie.

Ulila na si Faye at tanging inaasahan nya lang sa pagbabantay sa anak nya ay sina Banjo at Merlin. Si Merlin ang nagsusundo sa anak nya at isinasama sa shop ng kaibigang si Banjo. Para habang nagtatrabaho siya ay nababantayan naman nila si Rosie. Walang ginagawa doon ang bata kundi magdrawing sa papel kaya di naman mahirap para kay Banjo at Merlin na bantayan ito.

"Maam, " Tawag ng isang empleyado nyang si Cristine na tila maiiyak na.

Nasa Costumer Service noon si Faye para ayusin ang costumer's profile ng kanilang GiftCards. Huminto muna si Faye sa kanyang ginagawa at hinarap ang babaeng empleyada na nasa mid 30's na.

"Oh, Christine anong nangyari sayo?" Nagaalalang tanong ni Faye ng makitang late si Christine para sa morning shift.

" Maam, kasi yung asawa ko sinugod ko po sa hospital" naiiyak na sabi nito. "Inatake nanaman po sya kaninang umaga pagkauwi nya po galing palengke" napahagulgol si Christine pag kasabi nun.

"My God, ba't pumasok ka pa? Sana hindi ka nalang pumasok muna." Nasa tinig niya ang pagaalala sa diser na si Christine.

"Kasi po, sabi ni Sir Alan di na daw ako pwede mag absent. Kapag nag absent ako terminate na daw po ako. Ang dami ko na daw po kasi absent. Eh, maam naga absent lang naman ako pag di po maiiwasan lalo na pag emergency." di na napigilan ni Christine ang umiyak. Nagkalat ang kanyang makeup at eye liner sa pisngi dahil sa mga luha nito.

"No, bumalik ka na sa hospital, akong bahala makipagusap kay Sir Alan."

"Talaga po Maam Faye?"

"Wag ka na magaalala. Pagbalik mo gumawa ka nalang ng letter. Ako na bahala pumirma." Paninigurado pa ni Faye. "May pera ka pa ba dyan?"

"200 pesos nalang po pera ko maam. Nagastos ko narin po kanina." Nahihiyang amin pa nito.

"Sandali. Antayin mo ako rito"

Umalis si Faye at nang bumalik ay hawak na nya ang 2 thousand pesos.

"Alam kong hindi ito sapat pero makakatulong ito." Inabot ni Faye ang 2 thousand at ngumiti ng mapait kay Christine. Naaawa sya dito dahil sa asawa nitong sakitin.

"Thank you po maam, di ko po ito tatanggihan kasi kailangan po namin ito. Hayaan nyo po babayaran ko po kayo maam paunti unti." Nahihiyang tinanggap ni Christine ang pera mula kay Faye.

"Bayaran mo ako kapag nakaluwag ka na. Im not pressuring you. Sige na, baka inaantay ka na ng asawa mo sa hospital." Muli ay itinaboy na ito ni Faye upang makabalik agad sa hospital.

"Ano yun maam? Nangungutang nanaman? " Si Ian na bigla nalang sumulpot sa kung saan.

"Wala! Ikaw talaga tsismoso ka" reklamo ni Faye sa lalakeng diser.

"Naku maam , ang dami na nyan utang baka di na kayo bayaran nyan." Iiling iling na sabi pa nito.

"Wag ka ngang pakialamaero,pag di ka umalis aayusin mo yang gondola ng kitchenwares." Pananakot pa ni Faye kay Ian na sobrang mausisa.

"Maam naman!" Reklamo nito habang hawak ang basket na i o offer sana sa mga costumer.

"Aalis ka o aalis ka?" Tanong ni Faye na mukhang wala namang ibang pagpipilian.

"Eto na nga po,oh! Paalis na,ako. Takot ko lang po sa inyo." Nakasimangot, sabay alis ni Ian sa harap ng Customer Service.

Natawa nalang nang mahina si Faye sa kakulitan nito.

Muli ay ibinaling nya ang kanyang atensyon sa kanyang ginagawa.

"Excuse me, papapalitan ko lang sana itong binili kong lamp shade. Masyado kasing bulky ito sa table ko" biglang bungad ng isang gwapong mukha sa harapan ng customer service.

Pamilyar sa kanya ang lalakeng ito. Saan nya ba ito nakita?

Nagkatitigan sila. Matagal...

Gwapo ito sa suot na black hooded jacket and navy blue ripped jeans nito. Napansin nya rin ang buhok nito na maganda at malinis ang pagkakagupit sa nauuso ngayong semi mawhawk . Tantya ni Faye ay nasa early 30's na ito.

Im sure kilala ko ito...Dikta ng utak nya. Di parin magrehistro sa isipan nya kung paano nya nakilala ang lalakeng ito.

"Can you help me? I badly need this right now. Nasira kasi yung lampshade ko." Ngumiti ulit ito ng pagkatamis tamis. Ang mga mata nito ay kulay asul na tila nangungusap. Ito na yata ang pinakamagandang mata na nakita nya sa buong buhay nya!

"Sure tatawag po ako ng mag a assist sa inyo."

"No, gusto ko ikaw ang mag assist sakin. Mas may tiwala ako kung ikaw ang mag a assist sakin and magsa suggest narin kung ano ang mas maganda."

Ubod ng tamis ang pagkakangiti ni Mitch sa kanyang kaharap. Sa pagkatagal tagal na panahon ay ngayon nya nahanap ang babaeng ito. Hindi nya mawari kung ano ang gusto nya dito. Dahil ba may utang na loob sya rito at di man lang nakapag pasalamat o dahil humahanga sya rito simula noon pa.

And thanx to his brother Frederick  Ngayon sya nagpapasalamat at naging professional Photographer ang kuya nya.

🎶🎵 Im Gonna Love You for  the Rest of My Life - Jennifer Love Hewitt

🎶A  Song for Rosie

The Girl In Black (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon