CHAPTER 10

437 15 0
                                    

Di  akalain ni Faye na ganito ka engrande ang party na dinaluhan nya.

Nagsisi sya sa suot nyang black halter midi  dress. Ang mga tao na naroon ay nakasuot ng magagarang gowns and suits.

"Oh, my...?" Naibulong ni Faye habang papasok sa entrada ng malaking bahay.

Di nya inaasahan na ganito kayaman si Fred. Eh, sisisiw lang pala ang binigay sa kanya nitong 50k.

Kung tutuusin ay kaya nyang bumili ng bago nyang damit mula sa pera na bigay nito ngunit umiral nanaman ang pagka kuripot nya. Ganun talaga siguro kapag may anak na. Mas inuuna ang pangangailangan ng anak kaysa sa sarili.

Inabot nya sa lalaking nasa entrance ang invitation card.

Nagpaikot ikot sya sa hardin ng malaking mansyon na may desinyong Modern English.

Nasaan na ba si Frederick?..di nya makita ang kaibigan na host ng party.

Di sya sanay sa ganitong mga okasyon. Ang mga napupuntahan lang naman nya ay mga simple ng birthday party , kasal at binyag. Ngunit hindi ganito ka garbo.

Sa may harapan ay may maliit na stage na napapalibutan ng ilaw. May mga bulaklak na nagkalat sa paligid bilang palamuti. Sa gilid ng stage ay naroon ang malaking collage na magandang nakaayos ang mga pictures. Mga pictures yata yun ng The Girl in Black

"Oh, Faye andito ka na pala"  bati ni Frederick ng makita syang naglalakad.

"Thank God, nakita din kita.." Tila nakahinga ng maluwag si Faye. Di nya naman kilala ang mga taong naroon. Tanging si Frederick lang ang kilala nya.

"Why you look so nervous?" Natawa pang tanong nito sa kanya.

"Sana sinabi mong ganito ka garbo ang pupuntahan ko. Hindi ba nakakahiya ang suot ko?"

"No, you look absolutely fine. Don't worry, you are beautiful"

"Salamat." Matipid na ngiti ang ginawad ni Faye kay Fred.

"C'mon, ipapakilala kita sa family ko" hinila sya nito  patungo sa crowd.

Di nakatakas yun sa paningin ni Mitch na noo'y nasa isang gilid kausap ang mga middle aged men na naka suits.

Mabilis na sinundan ni Mitch ang kapatid at si Faye.

"Guys, I 'd like you to meet the girl in black." Puno ng pagyayabang na  pagpapakilala ni Frederick kay Faye sa harap ng asawa  at kapatid.

"Wow, di namin akalain na mas maganda ka pala sa personal" puri ni Dale

" kaya pala ganun nalang ang pagkahumaling ng asawa ko sa pictures mo, totoong maganda ka nga" biro ni Danica sa dalawa.

Nasa ganung eksena sila ng maramdaman ni Faye ang mainit na braso sa bewang nya.
Nagulat pa sya ng hapitin  sya nito.

"Finally, you meet my girl."
Nakangiting bungad ni Mitch sa kanila habang hawak ang wine sa isang kamay nya at ang isa naman ay nasa bewang ni Faye.

Mabilis na nagtama ang mga mata nila. Di inaaasahan ni Faye na makikita si Mitch  sa ganoong lugar and as usual he is dashing! Ang gwapo nito sa suot na black Suit with casual  inner shirt.

Napasinghap si Faye ng maramdaman nyang hinah*plos ni Mitch ang kanyang bewang. Nanginginig ang kanyang mga kalamnan na tila ba tatakasan na sya ng lakas.

Jusmio! Di ba nito alam ang epekto nun kay Faye?!

"Really?!"sabay sabay na  tanong ni Ingrid at ng dalawa pang kapitid na lalake. Halatang nagulat sila sa rebelasyon ni Mitch.

The Girl In Black (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon