"Oh, Mitch anong meron at napadaan ka.?" Tanong ni Frederick sa kapatid ng bigla nalang ito dumating sa studio nya.
"We'll Im just thinking baka libre ka and kukunin sana kitang photographer para sa Colrovie Summer Collection ko"
Ang Sobiensky Textile and Company ang kinuha ng Colrovie para sa mga telang gagamitin nito sa bagong collection ng damit nila.
"Oops! Di ako pwede nyan. Sobrang busy ko ngayon Bro." Tanggi ni Frederick sa bunsong kapatid. "May parating kasi akong Photography Competition this coming October. And finally malapit na matapos ang book ko."
Nasa red room sila noon habang inaayos at dinedevelop ni Frederick ang mga collection nya ng mga pictures.
"Ito ba ang tinutukoy mo?" Tanong ni Mitch sa kapatid.
"Yes, look diba ang ganda nya?"
Tinitigan maigi ni Mitch ang babae sa larawan. Hindi sya pwedeng magkamali. Ito ang babaeng nakita nya sa cemetery five years ago at hinala nyang nagligtas sa kanya.
"Do you know her?" Mabilis na tanong ni Mitch. Kinakabahan sya.
" Yes, This girl is Jenny Faye Hernandez. Twice ko na syang nakuhanan ng stolen shot sa cemetery noon. Akala ko nga nun multo sya, kasi lagi syang nakasuot ng black dress." Natawa pa si Frederick habang kinukwento. " pero nung mapansin kong magkaiba naman ang mga damit nya I was convinced na hindi nga sya multo. Then one day inantay ko sya sa Cemetery. I was obsessed na makita ko ulit sya. Tuwing birthday ni Mama Ines ay nakikita ko si Faye doon malapit sa puntod ni Mama. So I decided na abangan ko sya. For 6 years ay naging routine iyun ni Faye. Finally I had a chance to talk to her . I ask for her permission if pwede kong isali ang pictures nya sa competition. I love her photos. Her pictures shows a lot of stories and I ask her bakit lagi sya nakasuot ng black dress sa tuwing dadalawin nya ang namayapang kapamilya nya. Feeling ko kasi ang tagal naman ng pagluluksa nya."
Yes, Mitch remember her on Mama Ines bday doon sa cemetery.
"Eh, bakit nga ba?" Curious ding tanong ni Mitch habang tinititigan ang litrato ni Faye na may hawak na payong at suot ang black dress.
Lumapit si Mitch to check on the other pictures na nakasabit pa at pinapatuyo ni Frederick. May kuha si Faye na close up. Punong puno ng lungkot ang mukha nito. May roong umiiyak at mayroon naman naka ngiti habang nakayuko sa puntod. That beautiful face that he longed to see.
"Because she promised to the father of her child na magiging maganda parin sya kahit na may anak na ito. Gusto ng father ng bata na amidst of worries and problems ay hindi pababayaan ni Faye ang sarili nya. Its crazy, right?"
"Anak?" Nagulat sya sa parting yun. Di nya ine expect na may anak na ito. And of all the people di nya ine expect na si kuya Frederick nya pa ang makakasagot sa matagal nang missing puzzle sa buhay nya.
"Yes, she had a daughter. And can you believe that? Ang ganda nya and d*mn, she's a hot momma." Puri pa ni Frederick dito sabay taas ng picture ni Faye na nakalingon na puno ng lungkot ang mga mata. And every curves of her body is just so perfect.
"Can i ask you a favor?"
"Sure, anything basta kaya ko ba eh"
He asked for the details of Jenny Faye Hernandez . And Frederick lead him to this hardware store na kung saan nagta trabaho si Faye as a Supervisor.
She looks different now. The last time he saw her ay napaka ganda nito sa make up and very sophisticated ang suot.
Now she just look ordinary and simple in her hair tied up in a bun with light make up and pink lipstick on her lips. It was the simplest look yet so s*xy and beautiful that he rarely see these days.
BINABASA MO ANG
The Girl In Black (COMPLETED)
Romance"Im going to kiss you." Bulong ni Mitch kay Faye Sobrang lapit ng mukha nito sa kanya. Di nya magawang umiwas at umusog. Nasa loob sya ng kotse ni Mitch at maliit ang distansya nilang dalawa. Naguguluhan si Faye. Hindi nya maintindihan kung nagpapaa...