T R I N I T Y
Cee and I are heading to school for our graduation practice when suddenly Arthur stopped walking towards his car and smiled at me. I smiled back and with that he entered his car and drove away.
"Tee nakita mo ba yung car keys ko? Wala dito sa bag eh" Tanong ni Czanaya habang may hinahalungkat sa bag niya.
"Nakita ko dun sa ibabaw ng lamesa kanina nilapag mo. Bilisan mo na at malelate na tayo sa practice"sabi ko sa kanya. Ang aga aga namin nagising pero wala din malelate lang din ako dahil sa kanya hays. Maaga kasi ang gagawing practice ng graduation para madaming magawa since malapit na din itong ganapin.
Good thing I'm wearing white fitted t shirt and a leather jacket on top while wearing a fitted black pants paired with my favorite black leather boots and tie my hair in a messy bun. I am not into cars but I know how to drive of course pero mas pinili kong mag motor palagi. Nothing I just love everything about motorcycles.
"Naku Tee mauna ka na susunod na lang ako. Magkita na lang tayo later ha loveyou mwuah!"paalam niya sa akin. I bid goodbye to her and left for school. Since graduating na kami, pinayagan na kaming magcivillian dahil papasok na lang kami for practice.
Nang makarating sa parking lot ng school, tinanguan na lang ako ng guard dahil kilala niya naman na ako. Nagtuloy tuloy ako sa parking space ko saka minabuting nilock ang motor ko saka nagpatuloy sa paglalakad papasok sa school.
After graduation, magsisimula na akong magtrabaho sa company ni Dad. And I have to do good para mapasa akin na ito at ang ibang branch. Although gustong gusto nang ibigay ni Mom sa akin ang business without me suffering, I explained to them na gusto kong paghirapan muna ang isang bagay bago ko ito makuha.
Well since ako ang unica hija ng mga Viñesa, habang lumalaki ako tinuruan na ako ng parents ko kung paano ang magmanage ng mga business namin so hindi na bago sa akin iyon. And I already take my ojt last year sa company ng kapatid ni Dad. They also gave me a certificate dahil kakailanganin ko daw iyon in the future.
Natutuwa ako dahil sobrang laki ng tiwala sa akin ng parents ko para ipamana sa akin ang pinaka malaking business namin pagkatapos kong grumaduate. The Viñesa hotels and restaurants are very famous to the people and they reviewed it excellent! Ni hindi pa kami nakaranas ng pinagsalitaan ng masama ang business namin dahil nga sa matinding pagaalaga nila mom and dad.
Okay tama na about business. Nandito na ako nga sa gym para sa practice at dumarami na din ang mga studyanteng dumarating. Nakita ko kung nasaan naka pwesto ang mga kaklase ko kaya doon ako pumunta.
Nagbatian kami at nagkwentuhan hanggang sa mapuno na ang gym ng mga gagraduate. Walang bumagsak kahit isa sa lahat dahil bukod sa matatalino at masisipag may mga pangarap kaming pare parehas. Isa lang ang masasabi ko sa school namin, we are very competetive. Lahat ng laban sineseryoso at binibigyang pansin ng mga studyante dito kaya isa sa mga hinahangang eskuwela ang school namin.
"Goodmorning graduates! Please go to your assigned seats so that we will start in 5 minutes. Thank you" bati ng isang Prof sa amin. Nagsimula na kaming umupo sa kanya kanya naming upuan nang magvibrate ang phone ko.
____________________
From: Cee♥Tee I'm here na sa gym wer r u?
______________________________________
To: Cee♥Just go to your seat. Magkita na lang tayo after practice
___________________After kong magreply saktong nagsimula na ang practice.
It went well naman at aircon ang gym kaya hindi ako pinagpawisan. Binubuksan lang ang bintana kapag may mga games. Nandito pa din ako sa upuan ko dahil ayaw kong makipagsiksikan sa paglabas.
BINABASA MO ANG
Fire
Romance"Tell me how can I move on when you are still in my head and always haunting me when I'm asleep?! Do you think its easy? Huh?! Well let me tell you this once. You will never feel the pain it caused me until you begged to be on my shoes." -Trinity