Chapter 7

8 0 0
                                    

T R I N I T Y

It's been what? 5 days and still walang paramdam si Peter! Ilang beses ko na siyang pinadalhan ng message pero walang response. Ilang beses din akong pumunta sa bahay nila pero palagi siyang wala.

I also contacted his parents but they thought that I am with him kaya hindi sila nagwoworry. Pinapasok ko din yung kwarto niya and no sign of him.

I have this feeling na hindi na talaga magpaparamdam si Peter sa akin. Pero bakit? Hindi ko alam kung bakit nagiging ganito kami.

Nagsorry siya sa akin about dun sa cafeteria incident and I said its okay. Nagkaayos kami nun at nagkausap pa ng matagal. Wala naman na kaming pinag awayan pero bakit ganito na?

Nandito ako ngayon sa garden ng school dahil kakatapos lang ng last practice kanina. Dapat sasabay ako kay Czanaya papuntang library para kunin yung toga pero hinihintay ko si Peter.

Kanina pinuntahan ko din yung building nila pero sabi ng mga kaklase nila umalis na kasama si Bianca.

That bitch really knows how to annoy me. Nanginginig ang mga kamay ko habang dinadial ng paulit ulit ang number niya pero tanging pagring lang ang naririnig ko.

Hindi ko alam kung bakit ngayon palang nasasaktan na ako. Tatayo na sana ako para hanapin ulit si Peter nang biglang nagbeep ang phone ko.

I almost drop my phone when I saw the picture that was sent by an unknown number. W-Why Peter?

The photo is him with...Bianca. on a bed. Cuddling. Under the gray colored blanket. I am not sure if sa kwarto niya ito. Ngunit hindi iyon ang nakapagpakulo sa dugo ko kundi dahil sa halatang wala silang mga saplot sa kuha na ito.

"Bakit? B-Bakit ganito?"tanong ko habang dahan dahang napaupo sa bench kung saan ako naglalagi.

*BEEP*

__________________
From: unknown

Looks like he wants me more than you bitch. Just a friendly reminder, ONCE A PLAYBOY ALWAYS A PLAYBOY! Peter belongs to me bitch. Stop wasting your damn time on your family planning with him.

Ciao Trinity!
_____________________

It hurts. It fucking hurts.

Akala ko ba okay na tayo? Akala ko hindi mo na ako lolokohin ulit? Akala ko nagbago kana talaga.

Napayuko na lamang ako habang patuloy na lumalabas sa aking mga mata ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko lubos maisip kung bakit kailangan niyang gawin ito ng paulit ulit. Hindi ba ako sapat?

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nagstay sa garden na iyon pero madilim na nang magpasiya akong pumunta sa bahay nila.

Nagmamadali ako habang minamaneho ang motor ko papunta sa kanila. Walang pakialam kung ano man ang mangyari. Ang gusto ko lang sa ngayon ay makausap siya. Panigurado akong may rason siya kung bakit niya ito ginawa.

Kahit naglalabo ang aking paningin dahil sa mga luhang dumadaloy sa aking mukha nagawa kong marating ang bahay nila.

Pinapasok ako ng guard dahil kilala na nila ang motor ko. Basta ko na lamang pinark ang motor ko sa tapat ng front door nila saka ako bumaba at kumatok sa pinto.

"Miss Trinity kayo po pala----"

"Nandiyan ba si Peter? I-I really need to talk to him Yena. Please"sabi ko kay Yena na palagi kong kausap sa tuwing dumadalaw ako dito.

She opened the door wider to let me in.

"Wala po dito sila Ma'am at Sir pero si Sir Peter po eh nasa kwarto po m-may kasama pong b-babae. Umak----" hindi ko na siya pinatapos magsalita dahil sa kagustuhan kong mahuli sila sa akto. Kahit nanginginig ang aking mga tuhod, pinilit kong humakbang hanggang sa marating ko ang tapat ng kwarto niya.

FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon