Chapter 11

4 0 0
                                    

"What are you doing here? Ang aga aga Arthur nambubulabog ka ha"sabi ko sa kanya habang lumalapit paupo sa kitchen counter.

"Since maaga ang flight natin gusto kong magalmusal muna tayo bago pumunta sa airport. Gisingin mo na kaya si Czanaya?"sabi niya habang naglalapag ng pagkain sa harap ko.

"No need mas maaga pa akong nagising sa inyo. Hinintay lang kita magluto Arthur para hindi nako magluluto hehehe"sabi pa nito saka nagpeace sign at lumapit sa akin.

"It's okay kumain na kayo para makalarga na tayo sa airport. Yung kotse ko na lang yung gagamitin kasi may driver ako"napatango na lang kami saka nagsimulang kumain. After namin kumain naligo na kami ni Czanaya para maaga kaming makarating sa airport.

After kong maligo nagsuot lang ako ng simpleng white off-shoulder croptop at isang maong shorts na pinares ko sa gladiator sandals.

Isang medium size na maleta kung saan nakalagay ang mga damit at ilang slippers. Isang backpack na naglalaman ng mga pang skin care at mga lotions ko at isang bohemian slingbag para sa wallet at iba pang importanteng gamit ko.

Iniisip ko pa lang kung paano ko ito mabibitbit pababa nang biglang may kumatok.

"Pasok!"sigaw ko at maya maya lang ay nakasilip na si Arthur.

"Are you done?"he asked and looked at my bags.

"Yes. Iniisip ko palang kung paano ko ito ibaba eh kumatok ka na. At since nandito kana patulong ako okay?"sabi ko sa kanya habang nakangiti pa. Napailing siya saka dahan dahang lumapit sa akin.

"Ikaw na lang ang hinihintay namin. Inuna ko na si Czanaya dahil una siyang nakababa kaysa sayo. Kaya akala ko eh hindi ka pa tapos" sabi niya saka kinuha na ang maleta at bag ko.

"Tara na at naeexcite ako!" Sabi ko saka nagsimulang maglakad palabas ng kwarto pero bago pa man ako makalapit sa pintuan, napigilan na ako ni Arthur. Hawak niya ang braso ko at dahan dahang bumaba hanggang sa mahawakan niya ang kamay ko kung nasaan ang singsing.

"Trinity"banggit niya sa pangalan ko. Tiningnan ko siya sa mata at nakita ko nanaman ang lungkot na iyon.

"Wait are you sad?"tanong ko sa kanya. Agad namang nagbago ang emosyon niya at napalitan ng isang ngiti ang kanyang mukha. Umiling siya saka bumitaw sa kamay ko.

"Nothing just...just becareful when you go downstairs wag ka magmadali at baka madulas ka"sabi niya saka binuhat na yung mga bag ko at naunang maglakad palabas.

Napailing na lang ako sa sinabi niya at sumunod na sa kanya. Sa pagkakaalam ko mabigat yung mga gamit ko pero kung dalhin niya parang walang laman.

Nang makarating sa labas nandoon na ang van na sasakyan namin patungo sa airport. Inilagay na ni Arthur ang mga gamit ko sa pinakalikod at nakita ko don ang isang malaking maroon na maleta.

"Antagal mo Tee kanina ka pa namin hinihintay. Alam mong excited na ako ang bagal mo pa! Jusme sumakay ka na manong lezzgow!"sigaw pa niya kaya nagkatinginan kami ni Arthur at sabay na natawa.

Sa naging biyahe namin patungo sa airport ay napakaingay ni Czanaya. Ngayon palang kasi ay nagiisip na siya ng pwede naming gawin mamaya pagkarating doon.

"Tapos syempre dapat maganda yung bikini na suot ko! Malay niyo doon ko mahanap ang poreber ko diba? Yaaaa! Pota kinikilig ako!"sabi pa niya saka niyakap ang maliit niyang unan.

"Oh shut up Cee puro ka ganyan eh wala ka ngang nakakafling!"sabi ko sa kanya. Agad naman siyang napasimangot sa sinabi ko.

"Alam mo bwisit ka talaga meron naman akong nakafling noh! Si Richard yung nursing na lalaki"sabi niya. "E kaso bakla pala! Potaena niya kaya pala siya lumapit sa akin para may mag make up sa ate niyang ilalaban sa beauty pageant sa barangay nila!"natawa naman ako ng malakas at dinig ko pa ang mahinang tawa ni Arthur na nasa shotgun seat.

FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon