Nagising ako dahil sa pagkauhaw. Para akong natuyuan ng lalamunan. Dahan dahan akong napalingon sa bintana at nagtataka ako kung bakit madilim pa din.
Tatayo na sana ako nang makarinig ako ng mahinang paghilik sa kaliwang banda ng higaan ko. Napatigil ako sa paggalaw at napalingon para lamang makita ang isang lalaking natutulog.
Nagulat ako nang mapagtantong si Arthur ang payapang natutulog kasama ko. His body is facing me while he's hugging my long pillow and his mouth slightly open.
So cute!
Magtataka na sana ako kung ano ang ginagawa niya dito ngunit agad ko ring naalala kung bakit ako ganito ngayon.
Nagsimulang magtubig ang mga mata ko ngunit agad ko din itong pinawi. Masyado pang maaga para magdrama at ayaw ko namang maistorbo ang masarap na tulog ng katabi ko.
Napangiti ako nang maalalang siya ang nakahanap sa akin. Pero hindi lang yon, naalala ko din ang paghalik niya sa akin. Muli akong humiga at humarap sa kanya para matitigan ko siya ng maayos.
Hindi ko maikakailang gwapo talaga siya. He has this jaw that could make you drool over him, those deep blue eyes paired with a thick and long eyelashes are so beautiful. His thick eyebrows also make me jealous. Sana all may makapal na kilay diba? All in all he has this strong feature that every woman wants in a man. Kumbaga parang bad boy ang datingan.
Unlike Peter he has this playboy features. Well playboy naman talaga. Napailing na lang ako sa mga naiisip ko. Bakit ko nga ba sila pinagkukumpara? No bad vibes please.
Napabuntong hininga ako ng malalim at pumikit. Graduation na mamaya pero ito pa ang inabot ko. Break up at lagnat? Gandang regalo.
"Are you okay?"agad akong napamulat nang marinig kong nagsalita yung katabi ko. Nilingon ko siya at ayan nanaman ang mukha niyang puno ng pagaalala. Itinaas niya ang kamay niya saka nilapat ang likod ng palad niya sa noo ko.
"Are you hungry? Want me to make you a breakfast?" Tanong niya.
Hindi ko alam kung bakit nananatili akong nakatingin sa kanya. Ang sarap sa tenga ng boses niya. Kahit sinong makakarinig nito panigurado akong kikiligin.
"Hey bakit hindi ka nagsasalita?"muli niya tanong saka bahagyang iniangat ang sarili upang maharap ako ng maayos. "Bumaba naman na ang lagnat mo. Sandali magluluto---"
"Don't leave yet. Just...just stay please"pakiusap ko habang hawak ko ang kamay niyang may benda. Bumalik siya sa pagkakahiga at humarap sa akin. "Did you punch him?"tanong ko habang nakatitig sa mga mata niyang parang may hipnotismo.
"He deserve it"matigas niyang sabi.
"Well he broke up with me just like what you said." I whispered. I don't have the strength to make my voice clear.
"Well he's not treating you right."he said.
Napatango na lamang ako saka napapikit dahil biglang sumakit yung ulo ko. Huminga ako ng malalim saka dahan dahang umupo. Mejo nahilo pa ako kaya napahawak ako sa braso niya.
"Wait here ako na lang ---"
"No I can manage. Bumaba na lang tayo at nagugutom na ako"sabi ko at hindi nakaligtas ang mahina niyang pagtawa kaya napalingon ako sa kanya. "Why are you laughing Arthur?"tanong ko. Napailing naman siya saka naunang bumaba sa higaan.
"Nothing. Let me help you get up. Mamaya pa namang hapon magsisimula ang graduation. You still have time to prepare yourself"sabi niya saka inalalayan akong bumaba hanggang sa kusina.
"Ang aga pa pala?"natanaw ko kasi ang orasan sa taas ng tv at nakita kong magaalas cinco palang ng umaga. Hindi siya sumagot at nagtungo na lamang sa ref para maghanap ng maluluto.
BINABASA MO ANG
Fire
Romance"Tell me how can I move on when you are still in my head and always haunting me when I'm asleep?! Do you think its easy? Huh?! Well let me tell you this once. You will never feel the pain it caused me until you begged to be on my shoes." -Trinity