1

272 12 0
                                    

Chapter 1

"Manliligaw ka ba ni baklang Ylaina?"

"Uy, besh."

I looked at Ylaina and saw her widening her eyes. Kala mo naman malaki talaga ang mata, tsk.

"Oh bakit?"

Nagtatanong lang naman ako, kung maka-react naman 'tong si Ylaina. Most guys likes to be friends with her, but none of them stayed as a friend and wanted more than that. Siguradong isa 'tong NBI agent ay ganun din ang pakay.

He cleared his throat so all we all looked back to him. "We are really just friends," matigas niyang sabi at inayos ang kwelyo niya.

I raised my eyebrow. "Talaga lang huh? " Tumingin ako kay Ylaina at pinalapit siya sa akin.

Hinila ko siya palayo sa lalaki at sumunod naman ang iba pa naming kaibigan. Chika ko, chika ng lahat, chismosa!

"Bakit?"

"Anong bakit? Nakita ko 'yan sa samgyupsal-an na kinainan ko. Masungit 'yan. Huwag mo jojowain 'yan, mas lalo kang mangungunsumisiyon," I said with tamang hampas pa sa balikat ni Ann. "Kaya nga dapat-"

"Kamay mo, Rose! Isa pa hahampas ko na sa 'yo 'yang braso mo," pang-wa-warning ni Ann nang mapansin niyang sinasadya ko ang panghahampas.

Tumawa naman ako at nag-peace sign. "Sorry aken," I said and looked back to Ylaina. "Pero seryoso ako. Kung namumuti na 'yung buhok mo sa 'kin, mas mamumuti 'yan doon sa lalaking 'yun!"

"Kung ako sa 'yo, Yla, 'wag kang maniniwala kay Rose."

Napatigil naman ako at tiningnan si Mina. "Bakit naman?" I asked her with my small and cute tone, 'yung parang kagaya ng boses ng mga artista sa korean drama.

"Kasi sabi mo seryoso ka. Hindi ka naman marunong magseryoso, besh. "

Bumagsak ang panga ko sa sinabi niya. "Grabe ka sa 'kin!"

Tinawanan naman ako ng mga kaibigan ko at bumawi ng hampas si Ann sa akin. I pouted my lips and stomped my feet. I feel so bullied!

Napatigil kami nang biglang sumitsit sa amin si Rusting. We all looked at him and he pointed out the NBI guy who is still standing on our back.

"Let the man sit first before you talk behind his back. Costumer din 'yan."

Napalabi ako at lumapit kay Rusting. Hinawakan ko ang balikat niya at tumingin din kay Baste. "Pasimple ka pa. Gusto mo lang um-order 'yun eh. Mana ka sa 'kin, mga mukhang datung," proud kong sabi at tumawa nang malakas.

"Sira! Hindi no!"

Napayuko ako at pinalabas ang double chin ko. "Tama naman ako ah," giit ko kay Ylaina.

"Si Rusting, tahimik pero mukhang pera. Ikaw, maingay at mukhang pagkain!"

Napanganga ako at idinuro siya. "You are violating the violating of violating!"

Nagtawanan na lamang kami at nag-appear pa sa kagagahang pinagsasabi. Lumapit na ako kay Baste at hinila ang neck tie niya.

Dahil na rin siguro sa sakit at higpit ng hawak ko, sumunod na lang siya. We went to a vacant seat at saka ako tumigil sa paglakad.

"Sit here, Mr. Anderson. If you're hungry, don't hesitate to call any of us and order. We will give a nice price on each of your purchase since you are Ylaina's new found friend," I said took the menu behind my back and turn it in my finger. Narinig ko naman ang pagsipol ng mga kaibigan ko kaya napangisi na lang ako. "Here's the menu," I said and shoot it his face but he got it and flipped it to drop on the table.

NBI nga..

"Smooth, besh ah! "

"Galing nilang dalawa. Baka sila pa magkatuluyan ah."

Kumirit ang aking mata gaya ng ginagawa ni Jose Manalo sa pinapanuod ko sa TV. I looked at them and scowled. "Kilabutan nga kayo sa pinagsasabi niyo. Si Ylaina ang krass niyan. Pustahan pa tayo, gusto niyo?"

I walked out on him and went back to my work. Hindi ko na siya tinapunan ng tingin, mahirap na. Baka humirit pa ang mga babaita at i-issue pa ako sa kaibigan ni Yla.

Kilabutan talaga sana sila sa pinagsasabi nila. That guy is too gorgeous for my own good. Ayos na sana kahit gwapo pa, pero bakit kailangan pang NBI agent? Para lang akong naghanap ng martilyong ipupukpok sa ulo ko.

Pero ba't ba 'ko nagagalit? Wala naman akong gusto sa kaniya!

💛

Pauwi na ako nang makita ang isang bulto ng lalaki na nagtatago parking lot. Tumaas ang kilay ko sa bilis ng galaw niya at mukhang may sinusundan.

I pursed my lips together went to the guy without him noticing my presence. Pumunta ako sa likod niya at sumilip sa kung ano mang tinititigan niya.

Napakunot ang aking noo nang makita si Ylaina na nag-aantay ng jeep. I tried to look at other person if there is any, but she was the only one.

Ano bang..

I looked at the guy and saw his strong built. Ah, stalker.

"Akala ko ba friends kayo? Then why are you stalking her like you are some sort of a psycho?"

He suddenly faced me and his hand shifted to my neck to pin me in the car. Nanlaki ang mga mata ko at agad siyang sinipa sa tiyan. He grunted and his hand loosened on my neck. I took his hand and twist in until I was already on his back and pushed him to the car. Siya naman ngayon ang nakadikit sa kotse with matching kiss pa yata.

"Sino ka?"

"Napakamakalilimutin mo naman. Kapapakilala pa lang sa 'tin ah? Gaano ka na ba katanda at ganyan ka na kaulyanin?"

He calmed down and tried to take his arm, but I just held it tighter. "Argh! Let go!"

"Ayoko nga. Mag-sorry ka muna. My neck's hurt, yah know?"

I touched my neck and cussed when I felt a little pain. Mamaya, maging chikinini pa 'to, char, este pasa pala.

He sighed. "S-sorry," he said and moved his head to face the other side.

I smirked and let go of his arm. Agad naman itong humarap sa akin at sinamaan ako ng tingin habang hawak-hawak 'yung braso niya.

"Oh bakit ganyan ka makatingin? Bakit parang galit ka? Parang kasalanan ko pa," I acted what I have seen in TV.

Pinaningkitan niya ako ng mata at tumingin kay Ylaina. "She's getting away!"

I heard him cussed and tried to run after her, but I pulled his arm. Nanigas ito sa kinatatayuan niya at gulat na tumingin sa akin.

"What do you want?"

I gave him a poker face and still didn't let him go. "Ikaw ang dapat tanungin ko niyan. What do you want, Baste? Why are stalking my friend? "

Tinitigan ko siya nang mabuti at saka naman siyang huminga nang malalim. "I am taking information about her."

Nanlaki ang mga mata ko at napatakip ng bibig. "Tapos kaibigan ang turing niya sa 'yo? Walang hiya ka!"

Tinakpan niya ang kaniyang tenga. "She's my friend too!"

"Ah ganun? Isa kang plastik prend," giit ko at hinawakan ang kwelyo ng damit niya. "Lumayo ka sa kaibigan ko. I'm warning you."

"I'm an NBI agent-"

"Wala akong pake! NBI ka man, FBI, RBI, kahit ano pang BI 'yan!" I pushed him to the car and pinned him there.

He held my hand and tried to take it off. "Bitaw," he said and his eyes are already at glaring at me.

"Ayoko nga. You're not the boss of me, sweetie," I said and my other hand went to his jaw.

Ang gwapo talaga ng hinayupak. He should've been a model instead of an agent. My hand went down from his jaw to his neck.

"Stop harassing me," matigas niyang sabi.

I stuck my tongue out at him. "Huwag ka ngang feeling. Hindi kita type no!" I shouted at him and his hand suddenly went to my waist.

Nagulat ako at napatalon sa kiliti. Not my effing waist!

He took his advantage to get away from me, but my hand took his arm and I lost my balance. Shet, ngayon pa!

Sa sobrang inis ko sa pagbagsak ng likod ko sa lapag, hindi ko namalayan at pati pala siya ay nalaglag na rin sa akin. I tried to use my arm to stop him from hovering me, but he already landed.

Damn.

His lips fell to mine and I got stunned when he moved it. Napanganga rin siya sa gulat kaya't itutulak ko na sana siya, but he suddenly closed his eyes.

Kinabahan ako sa pagpikit niya at napahigit ng hininga. His lips suddenly moved above mine and his hand went back to my waist.

Imbes na humalik ako pabalik, I laughed. "Tangina, lumayo ka nga!" I said and pushed him away. Bakit kasi sa lahat ng hahawakan niya, bewang ko pa?

He cussed and his eyes widen as he realized what he have done. Nanlaki rin ang mga mata ko sa nangyari. Oo nga pala, hinalikan niya 'ko.

"Oh my gosh!" Naghisterika ako at patalon-talon pa habang itinuturo siya. "You kissed me!"

Bumukas ang bunganga niya pero sumarado rin. He was speechless as fvck.

"I-I'm sorry. I got... paano ko ba sasabihin," he talked to the air and suddenly went close to me. "Listen, about what happened..."

I blinked and waited for him to talk, but he really got speechless. Ganun na ba ang epekto ng labi ko?

"Panagutan mo ko.." Nanlaki ang mga mata niya at bumagsak ang panga. I laughed hard when he got dumbfounded. "Char lang! Masyado ka namang funny. Funnywalain ka 'eh," I said and while still laughing. Ang epic naman kasi ng mukha niya. It's not like mabubuntis ako sa halik niya.

"I'm.. ah basta! I am getting information about Ylaina kasi nakasalalay doon ang scholarship niya sa ibang bansa. Our company thinks that she could be a good asset for us kaya balak namin siyang sponsor-an sa pag-aaral, tutulong din daw 'yung nanay nung artista."

"Ah.." Napatigil ako at nanlaki ang mga mata. "Bakit hindi mo sinabi agad? Nakaalis na sigurado si Ylaina!"

I looked at the street and it confirmed my thought. Nakaalis na nga si Ylaina at hindi na nakuha pa ng mga information.

"Kaya nga tara na!" His hand caught mine and he opened the car. Sa kaniya pala 'yan? Akala ko sa ibang tao, nakitago lang siya pang-props.

Tumango naman ako bilang tugon at saka pumasok sa sasakyan. Hindi na 'ko umalma kasi seryosong seryoso 'yung mukha niya, tapos hawak pa 'yung kamay ko. Paano pa 'ko makakaalma nun?

Pinaandar niya ang sasakyan at hindi ko alam kung saan siya pupunta. Paliko-liko ang loko, parang kala mo nasa probinsiyano kung makakunot ng noo. Pero mas gwapo naman siya kay Coco Martin..

"Nga pala, alam mo ba kung saan nakatira si Yla?"

He looked at me with serious face. "Hindi nga eh," he said and stopped the car to the side of the road.

Napanganga naman ako sa kaniya. "Weh? Eh bakit todo drive ka?"

"I was thinking if she could be somewhere near here."

Napatampal ako sa noo at bumagsak ang katawan sa sandalan. "Hey, sweetie," I said in a thick accent. He looked at me in instance with his head leaning close to me. Lumunok ako at hinawakan ang pisngi niya. "Gwapo ka naman, agent, maskulado, pero bakit ganyan ka mag-isip?"

Bumagsak ang mukha niya at sinamaan ako ng tingin. Lumayo ito sa akin at inayos ang seatbelt. "Sorry okay? I got occupied tapos nakalimutan kong alamin 'yung address niya."

Umiling na lamang ako sa kaniya at tumingin ng diretsyo sa daan. "Let's switch places," I said and take off my seatbelt.

Inangat ko ang kaliwa kong paa at saka umupo sa kandungan niya. Naramdaman ko ang paninigas nito sa likod ko, yung katawan niya mismo.

"What are you doing?"

I faced him and our nose touched. Hinanap ko ang pindutan ng seat belt niya at tinanggal ito. He was still looking at me as I finished taking the seatbelt off.

Napatingin ako sa mata niya at napangiti sa ganda nito. "Lipat na," I said and tapped his cheek lightly.

Napakurap ito at lumunok. I almost laughed at his reaction. "Sabi ko nga. Why in the first place did you sat on my lap, sweetie?"

It was my turn to blink and gulp. Gaya-gaya ng endearment. "Mas madali kasi lumipat sa pwesto ng ganito! Tinatamad ako lumabas," I defensively said.

He chuckled lightly and held my waist. Napatili ako sa kiliti ngunit pinagpatuloy niya lang ito hanggang sa makalipat siya sa kabila.

"Napaka mo," inis kong sabi at pinagpatuloy ang pagda-drive.

"Gwapo?"

"Gago," I said and turned to the right.

"No cussing, you're in my car."

"Edi wow!"

Pinagpatuloy ang pagda-drive hanggang sa umabot na kami sa may EDSA. Napangisi ako nang makita ang bahay at nag-aantay si Betong sa tapat nito.

"Did someone told you that you're loud?"

I raised my eyebrow as he spoke.

"Did someone told you that you're rude?"

I looked at him and smirked. He was gritting his teeth as he looked at me.

"Do you like me, mister?" I bluntly asked and his eyes got wide open.

Natawa ito hanggang sa palakas nang palakas. "Where the hell did you get that idea?"

Nagkibit balikat ako at inilagay ang hintuturo sa labi. "Since you kissed me a while ago?"

Napanganga ito. "I fell okay?"

"You fell for me?" My voice was high pitched and I covered my mouth to look more dramatic.

Pinaningkitan niya ako ng mga mata at napahilot sa sentido. "You.. are so annoying."

Tumawa lang ako rito. "You'll love me afterwards," balewala kong sabi at tumingin sa likod ng kotse niya. Mahaba-haba pa itong traffic na 'to, I need some carbs to stop my boredom.

"No, I won't!"

Tumingkayad ako at nakaluhod na tumingin sa likod. "Okay lang, marami namang nagmamahal sa 'kin." Not!

Bigla akong napaupong muli ang hilahin niya ako. I scowl and crossed my arms above my chest. "Bakit ka ba nanghihila? Nagugutom na 'ko," parang bata kong sabi at nagdabog pa.

His mouth hanged open and took his bag from the back. Naglabas ito ng mamon kaya't parang naghugis puso ang mga mata ko at sinubukang abutin 'yun.

He smirked and hide it on his back. Sa inis ko ay nilusot ko ang kamay ko sa may bewang niya at hinabol ang kamay niya.

He was laughing as he kept on passing the food from one hand to another. "I am not gonna give this to you," pang-aasar niya pa.

Sinamaan ko siya ng tingin at sinubukan muli pero talagang magaling siya. Ano ba siya, dating magician na pwedeng pawala-walain mga gamit galing sa kamay niya?

"Isa," I warned him.

"Two."

Napasimangot ako nang pinagpatuloy niya pa talaga ang pagbibilang. "Nakakainis ko talaga!" I tried to reach him again and the seatbelt suddenly got loosed.

Nanlaki ang mga mata ko nang mapasubsob ako sa dibdib niya. He was laughing heartily and took my hand. Naramdaman ko ang plastik na may mamon doon.

Hinawakan ko ang dibdib niya upang umangat ng tingin at nagkabanggaan ang aming mga ilong. Bakit ba kasi siya nakayuko?

"Are you falling for me this time, sweetie?"

Napaubo ako at umayos ng upo. Gumalaw ang mga sasakyan at pinaandar ko rin ang sasakyan niya. "No way!"

I parked the car on the side and went out. Ngumisi ako sa kaniya ng nakakaloko at kumaway.

"Wait! I thought we're going to Ylaina?"

I raised my eyebrow and looked back to him. "Gabi na! Bukas na lang!"

Agad akong tumakbo at kumaway kay Betong na nasa tabi lang. "Who's that guy? Who did you bewitched this time?"

Tumawa naman ako rito. "No one. He don't like me," I said and went inside the house.

○DiSe_Artemis○
Hi! Thanks for reading. Hit the star button if you liked this part.

Stop your Heart✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon